Chapter One: Wierd Guy

14.6K 323 8
                                    

-MYLES CHAVEZ-

My morning started with the high pitch voice of my neighbor. Kakamulat lang ng mata ko pero ang bungad sakin ay kwentuhan ng mga marites with matching high-pitch laugh. They surely enjoy tea in the morning. I sighed internally at tuluyan ng tumayo mula sa papag ko. Dumiretso ako sa banyo para mag ayos ng sarili, nagsuot na din ako ng damit na pedeng ipang trabaho.

Matapos ko mag ayos ay pumunta muna ako sa kusina para magtimpla ng kape. Halatang taghirap ako kasi ang tanging kape na nasa mesa ko ay ang tag dadalawang pisong kape na nasa pakete. After making my coffee umupo na ako sa sala at binuksan ang cellphone ko para icheck ang email ko kung meron bang trabaho na pede kung isingit sa schedule ko para makadagdag ng kita.

I'm peacefully sipping my coffee while scanning my email when someone knocked in my door. Hindi lang basta katok halos balibagin na ang pinto ng bahay ko. Kasabay ng pagkatok ay ang boses ng landlady ko.

"Shit." bulong ko dahil ngayon ko pala siya napangakuan ng bayad sa apartment.

"Hoy, Myles! Kung hindi mo kayang magbayad ng renta, lumayas ka na!" sigaw niya, "Myles! Lumabas ka diyan!"

Patay. Patay. Patay.

Mabilis kong kinuha ang bag ko pati ang sapatos ko at pumunta sa bintana ng kwarto ko. Bahala na lang ang lumang foam sa baba sa akin. Di naman kataasan ang apartment ko, nasa eskwater lang naman ang apartment ko kaya madaming eskinita na pede kong daanan para makatakas agad.

Naririnig ko pa ang pagmumura ni Landlady sa labas pati ang ang pagkatok nito. I feel sorry for the door but my life is more precious than the door.

Mabilis kong sinara ang bintana at tumapak sa pinaglalagyan ng paso ng halaman. Buti na lamang at sa second floor lang ang kwarto ko. Agad kong tinapon ang sapatos ko pati na rin ang aking bag. Huminga muna ako ng malalim sabay pikit.

I jumped out of the window like some kind of a stunt man kaso nakalimutan kong bagsak nga pala ako sa gymnastics dati. Kaya naman nauna ang mukha ko sa pagbagsak.

"A-aray," inda ko sa sakit. Nauna pa talaga ang mukha, "Mali-late na ako."

Mabilis kong kinuha ang sneakers ko at agad itong sinuot. Bakit di ko ba ito sinuot bago ako tumalon? Hays.. Agad akong tumayo at tumakbo na papunta sa trabaho.

Sa eskinita naming kilala ako sa pangalang Myles Angeline Chaves, pero real name ko ay Miyu Anami Tatsuko. I'm half Japanese though only my relatives and close friends know about it syempre include ko na din yung boss ko na super ang bait.

My mother was the one who insisted making my real name unknown to others. Well I understand her naman, madami akong diskriminasyon na matatanggap kapag nalaman ng mga kapit-bahay naming may lahing Japanese ako. Though I know hindi lang yun ang rason ng nanay ko but I never get to know what it was. Before I knew anything about the real reason she suddenly disappears. It has been two years since she disappeared she was always nice to me so I know she never want to leave me. I will find her no matter what but first I must survive on my own.

I took the short-cut to go to the main street. As I've said eskwater area lang ako nakatira so medyo madami dami pa akong tatahakin na eskinita bago mapunta sa main street. Agad akong nag para ng tricycle saka dali daling pumasok dito. Mahirap na baka maabutan ako ng landlady ko.

"Sa terminal lang po kuya" Pakiusap ko dito sabay abot na bayad.

Habang umaandar ang tricycle na sinasakyan ko ay nagayos muna ako ng buhok. Sobra akong kinabahan sa pag sulpot ng landlady kaya di na ako nakapag ayos ng buhok. Inayos ko din ang damit kong nakusot na dahil sa pagtalon at pagtakbo ko kanina. Mabilis lang ang byahe papuntang terminal ng mga tricycle kaya mga limang minute lang ang lumipas at bumaba na ako.

His ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon