Kabanata 1

30 2 1
                                    

Mabilis akong nakarating sa University gamit ang aking motor.Time check 10:30 not bad half hour lang akong late.

Pagkatapos ko itong ipark agad kong hinubad ang helmet dahilan para lumugay ang mahaba kong buhok.

"Damn ang ganda talaga nya."Narinig kong bulungan ng mga kalalakihang nasa paligid.

Lihim akong na pangiti sa iba't-iba nilang papuri.Tama yan humanga lang kayo.

"Christine bakit di ka parin nagpapakulay? Ilang beses na kong napagalitan ni President dahil sayo."Salubong sakin ni Maccoy sa hallway.Ang 3rd year representative ng course namin.

Kulot at kulay pula ang dulo ng buhok ko kaya kapansin-pansin talaga sya.Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkulay sa buhok ng bawat studyante dito.

Marahan kong hinaplos ang mukha ng gwapong lalakeng nakasimangot sa harapan ko.

"Im sorry babe alam mo namang diko yan magagawa diba?"Nilapit ko ang mukha ko sa kanyan kaya ilang setimetro lang ang layo nito, isang mali ko lang na galaw tiyak mahahalikan na nya ko.

"B-but Christ--"Di na nya natapos ang sasabihin nya dahil inunahan ko na ng halik ang tuklip ng kanyang ilong.

"Please?"Sabi ko habang nagpapacute.

"Haist. Sige na nga ako ng bahala."Sabi nya habang nagkakamot ng batok.

"Thanks."Tumalikod na ko pero bago un kinindatan ko muna sya kaya nakita ko kung pano sya pamulahan ng mukha.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad at halos lahat ng na dadaanan ko na papalingon, bakas sa kanilang mukha ang paghanga.

"So like what--"Naabutan ko ang prof namin sa Administrative Law na nag-uumpisa ng magturo,na pahinto sya ng makita ako.

"Good Morning Sir sorry im late."Kahit naman ganto ako marunong naman akong rumispeto.

"Miss?"

"Christine Garcia sir"

"Ms.Christine just to inform you first day of class ngayon at 1hour ka ng late."Seryoso nyang sabi.Ang strikto naman ng lalakeng to.

"Sorry"Un lang ang sinabi ko pumasok na ko sa room at umupo na parang walang ng yari.

"Bakit ka ba na late?"Nilingon ko sa kanan ang nagtanong.Si Zeggine ang baliw kong kaibigan.

"Napasarap ung tulog ko"Knowing her malamang sa malamang iba ang iisipin nya sa sagot ko.

"Napuyat ka? Omg! masyado sigurong masarap ung lalakeng tinikman mo kagabi yum! hahaha"Sinasabi nya yan habang nakahawak sa baba.

"Oo gusto mo-- Ouch! Inaano ba kita?"Maldita kong tanong kay Hinna pagkatapos akong hampasin ng pamaypay.Hindi na natuloy ung sasabihin ko kay Zeg.

"Bakit? Late ka na nga puro pa lalake yang nasa isip mo.Isa ka pa."Baling nya kay Zeggine sabay hagis nya ng ballpen.

"Ang kj talaga nito."Pairap naman nitong dinampot ang ballpen.

"The 3 of you get out! Ang ingay nyo."Kitang-kita ung galit sa mukha ng matandang prof namin.

"But sir"

"No labas!"Hindi umubra ung pag-alma ni Hinna.

Kung minamalas ka nga naman oh bumangon pa ko para lang makaattend sa klase nya tas palalabasin lang kami.Great! sira na umaga ko.

"Tara na bakla."Malanding lumabas si Zeg habang hinahawi-hawi ung buhok nya.

"Kasalanan mo to eh!"Nakangusong nagdadabog namang si Hinna.

"Anong ako aber! Ikaw kaya un sa sobra mong pagmamahal sa pag-aaral pati kami dinadamay mo na!"Boses lang nilang dalawa ang umaalingawngaw sa tahimik na hallway ng 4th floor.

"Ang tamad mo kasi Law subject natin un!"Hinna.

"Wala akong pake!"Zeggine

"Babaksa ka dun!"

"Imposible yan!"

"Wag kang hihingi sakin ng tulong ah!"Hinna na sobrang inis na.

"At bakit hindi magkaibigan tayo uy!"Nakangisi namang si Zeggine.

"Alam nyo kayo na lang ang magkamukha sa mundo nag-aaway pa kayo."Nilingon nila ako na para bang isa akong alien.

"Yan? Ewww i think im gonna die.Im gonna die!"Exaggerated na sagot ni Zeggine.

"Kapal mo mukha ka ngang isa sa mga katulong namin."Nanlilisik na ung mata ni Hinna.

Napailing na lang ako.Ganyan lang sila laitan ng laitan pero hindi naman sila nagkakapikunan.Sa tatlong taon ba naman naming magkakasama sa kolehiyo malamang gamay na talaga namin ung ugali ng bawat isa.

Deretyo lang kami sa paglalakad ng huminto si Hinna sa tapat ng isang pinto sa dulo ng hallway.

"Library? What the f Hinna wag mong sabihing jan tayo tatambay?"Di makapaniwalang tanong ni Zeggine.

Dahan-dahan namang tumango si Hinna habang ngiting tagumpay.

"Ugh! I hate you."Nagwalk out si Zeggine papasok dito.

"Kunwari ayaw pero na una pa hahahaha"Masayang sabi ni Hinna.

"Be mauna na kayo pupunta lang ako sa lockers area."Bumeso ako sa kanya.Hindi ko na sya inantay sumagot tumungo na ko papuntang elevator.

Agad akong nakasakay dito.Pagsarado ng pinto malinaw kong napagmasdan ang sarili ko.

Tinali ko ng messy bun ang mahaba kong buhok.Kitang-kita ang pagiging morena ko,bilugan na mga mata at pulang-pula kong labi dahil sa makapal na lipstick.

Hingod ko ang puti kong polo na bukas ang dalawang itaas na bitones.Itim na jeans ang ginamit kong pang-ibaba.

Elegant and seductive ang dalawang description sakin.Year ago hindi ko akalaing magiging ganto ako.

Ang dating simple,ang dating hindi marunong gumamit ng make up at ang dating conservative na babae binago lahat ng isang pangyayari.Ako ang title holder ng University namin ngayon taon, di ko akalain kaya ko palang ipanalo ang pageant na un.Modelo na rin ako ng school nato.

Simula nun nagbago ang lahat.Naging kilala ako hindi lang dito kundi sa iba ring University.Nagkaroon ako bigla ng mga taga hanga ganun din ng mga haters.

Tunog ng elevator ang nagpabalik sakin sa ulirat.Lumabas na ko, tahimik ang lockers area wala tao maliban sakin.

Ilang metro na lang ang layo ko sa locker ko ng biglang may lalaking humigit sakin papunta sa pinakasulok.Tinakpan nya ung bibig ko.

"Please wag kang maingay hinahabol nila ako."Deretyo nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Kumuha ako ng bwelo at malakas na tinuhod ang pagitan ng kanyang hita.

"Awww! Shit! ang-- shit!"Napaluhod sya sa sobrang sakit.

Sasagot na dapat ako sa kanya ng matanaw ko ang pamilyar na imahe.Muli kong naramdaman ang kirot sa aking dibdib.

Bago pa man ako makapag-isip ginawa ko na ang di ko dapat gawin.Bahala na...

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon