Kabanata 2

30 2 5
                                    


Bago pa man ako makapag-isip ginawa ko na ang di ko dapat gawin.Bahala na eto lang ung alam kong way para di nya na ulit makita ang mga luha ko.

Hinila ko patayo ang lalakeng nasa harapan ko.Ipinulupot ko ang braso ko sa batok nya.Matangkad sya kaya kailangan ko pang tumingkayad para mahalikan lang sya.

Madiin na halik ang ginawa ko.Nakalapit na nga ang lalakeng kanina natatanaw ko lang.Kasama nya ang magandang babae.

Saglit syang tumingin sakin at muli rin itong binalik sa kasama nya.Ngumiti ito at hinawi ang buhok nung babae.

Patuloy parin ako sa paghalik,binaling ko sa kahalikan ko ang tingin.Bakas ang pagkagulat sa mga mata nya pero ipinikit ko lang ang aking mga mata.Naramdaman ko ang marahan nyang pagtugon at pagyakap nya sakin.

Ng makasigurado na kong lumagpas na ung lalake at babae bumitaw na ko.

Ngayon ko lang napansin na marami na pala ang nakapalibot samin.Madali ko silang hinawi sabay takbo palayo.

Nag-umpisa ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I need you.

Un ang paulit-ulit na sinisigaw ng isip at puso ko.Sobrang sakit.Masaya sya kahit wala ako,wala lang talaga ako sa kanya.

Ginamit nya lang ako pero bakit ganun? Bakit sya parin ung gusto ko? Bakit willing parin akong mag-antay para sa kanya?

Ang sakit! ang sakit sakit lang! Sabi nya kasi mahal nya rin ako.Sabi nya nagugustuhan nya nako.Lahat un pinanghawakan ko lahat un pinaniwalaan ko.

I don't deserve this.Kahit naman alam kong rebound lang ako okey lang basta nasa tabi ko sya.Kamit naman alam kong muntanga na ko sa mga effort ko ginawa ko parin lahat. Bakit?! bakit nya ko pinaasa? Damn it!

Kaya naman kitang pasayahin.Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo,kayang kong tiisin lahat ng sakit.Kahit sya ung nasa isip mo tuwing magkasama tayo.Kahit di ka pa nakakamove on sa kanyang tanggap kita.

Gusto kong tanggalin ung sakit na binigay nya pero pano ko un magagawa kung mas gusto mo paring manatili sa tabi nya? Pano?

Nakarating ako sa garden ng di ko namamalayan.Ang kaninang abon lang ay unti-unti ng lumakas.

Galing diba ang corny.Ganto ung madalas kong nababasa sa mga libro akala ko talaga impusible.Pero alam mo ung nakikisama na ung langit sa pag-iyak mo ganun ung pakiramdam.Wala eh sobra talaga akong nasasaktan.

"Miss tara na ang lakas na ng ulan."Tiningala ko ung lalakeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko.Sya ung hinalikan ko kanina.

"Iwan mo ko.Di kita kailangan."Malamig kong sabi sabay talikod.

"Dito kalang? Sige dito lang din ako di kita iiwan."Nanigas ung katawan ko sa salitang binitawan nya.Yan din ung sinabi ng lalake pinagkatiwalaan ko pero bakit ngayon nandun sya kasama ung babae un?

"Umalis kana!"Naiinis na ko lalo nya lang pinapalala ung sakit.

"No!"Malakas ko syang pinagsusutok sa dibdib dahil sa

pananatili nya kahit parehas na kaming nauulanan.

"Ang unfair! Ang unfair unfair nyong mga lalake! Bakit sinabi nya saking di nya ko iiwan bakit sumama sya ulit sa babaeng un?!"Humihikbi na ko.Masakit na din ung lalamunan ko kakasigaw.

Hinila nya ko papalapit sa kanya.Mahigpit nya kong niyakap.

"Shhhh tahan na.Nandito na ko hinding hindi kita iiwan."Nakapatong ung baba nya sa ulo ko habang sinasabi un.

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon