Prologue

61 3 3
                                    

Sino ba ako?

Ako ung babaeng basta na lang iniwan, babaeng naging rebound, babaeng panakip butas at ung babaeng option lang.

Nakakatawa mang isipin pero sumugal ako ng buong-buo.Isinugal ko lahat, hindi ko akalaing pagkatapos nun kailangan kong tanggapin ung pagkatalo at ung sobrang sakit.

Madalas kong tinatanong ung sarili ko kung ano ba talaga ung mali? Bakit nung nahulog ako tyaka naman sya naglalahong bigla? Iniiwan akong basta sa ere.

Pinaghirapan ko syang buoin pero sya bakit nya kong iniwang wasak?

Nagmahal lang naman ako ng totoo pero bakit pangloloko ung natatanggap kong kapalit?

"Hindi kita susukuan kahit anong pang mangyari, hindi na kita iiwan nandito lang ako mananatili sa tabi mo."Pagtapos nyang bitawan ito hinalikan nya ko sa noo dahilan para mapapikit ako.

Marahan nyang pinunasan ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata.Umiiyak ako ngayon dahil sa sobrang saya.

"Promise?"Paninigurado ko habang nakakatitig sa kanyang mga mata.

"I promise babe."Isinarado nya ang kayang pangako sa pamamagitan ng isang halik.

"Mahal na mahal kita."Ang mga salitang ito ang nagpabalik sa aking wisyo.Boses ng isang Lola.

Nilingon ko ang pinagmulan nito.Dalawang matandang nakaupo sa bench sa di kalayuan ang nakita ko.

"Mahal na mahal din kita."Tugon naman sa kanya ng matandang lalake sabay halik sa noo niya.

Agad kong tinapat ang lente ng aking camera sa kanilang dalawa.

Habang pinagmamasdan ko ang larawan nila hindi ko na malayang umiiyak na pala ako.Tatanda din kaya tayong masaya katulad nila kung hanggang ngayon tayo pa?

Napangiti ako ng mapait dahil sa mga naiisip ko.Masakit na hanggang ngayon umaasa parin ako sa kanya, na hanggang ngayon sya parin ang iniisip ko, sobrang sakit lang.

Tumayo nako't pinahid ang aking mga luha.Bago ako tuluyang umalis sa park muli kong nilingon ang dalawang matanda.

Meron di kaya akong makikilalang lalakeng magmamahal sakin ng totoo?

Lalaking hindi ako iiwan?

Ako si Christine Garcia at kailangan kong hanapan ng sagot ang mga katanungan ko.

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon