"Hindi.Ano kaba si Tintin nga daw ung nakipagbreak."Napalingon ako sa dalawang taong nag-usap ilang metro lang ang layo sakin.
"Ayan narinig nya tuloy."Bulong nya sa kausap nya sabay siko."Christine diba ikaw naman talaga ung nakipagbreak kay James?"
Tinitigan ko ang dalawang lalakeng nakatingin sakin ngayon.Ilang sandali pa na alala ko na kung sino sila.Mga kaibigan ni James.
Ngumiti lang ako sa kanila sabay balik ng atensyon ko sa cellphone ko.Nandito ako sa isang Baked Shop malapit sa University.Mag-isa lang akong pumunta dito dahil nakakatamad mag-aya.
Nasira ung mood ko sa tanong ng mga to.Ako daw nakipagbreak? Nagpapatawa ata sila.Ganun pala ung sinabi nya sa mga kaibigan nya, na ako ung nakipagbreak tss. halos magmakaawa nga ako sa kanya wag nya lang akong iwan pero ano ba ung ginawa nya? Tumalikod lang sya at naglakad palayo.
"Hi Christine right?"Inangat ko aking tingin sa lalakeng nagsalita."Harvey ung sa seminar.Naalala mo pa ako?"
Sya ung Criminology student na inaaya akong magdinner nung nakaraan.Ung nakakairitang lalake.
"Yes?"
"Wala naman haha napadaan lang ako eh napansin kong wala kang kasama kaya nilapitan kita."
Isang sarcastic na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.Akala mo naman close talaga kami.
"Okey."Un lang ang isinagot ko.
Tumayo nako't lumabas ng Shop.Bakit ba ang daming mga nakakairitang tao ngayon.
"Teka lang! May practice kami ngayon ng basketball baka gusto mong manuod?"Nginitian nya ko.
"Ayoko."Dumeretyo na ko ulit sa paglalakad.
"Christine Garcia.3rd year section B.Course,Bachelor In--"
Napalingon ako at napatitig sa kaliwang kamay nya.
"Ibalik mo nga yan sakin."Hawak-hawak nya ang aking I.d
"In one condition.Manuod ka ng practice ko."
Bwiset.Bulong ko sa sarili ko matapos kong marinig ang kundisyon nya.
"Fine!"Nauna nakong maglakad sa kanya.
Naiirita na talaga ako.Hindi nya ba naisip na baka marami akong dapat gawin at nakakaistorbo sya.Ano nga ulit pangalan ng kumag na to? Stanley? Bailey o Stephen? Basta papansin sya!
"Galit ka?"Tanong nya habang natatawa.
Umirap lang ako bilang sagot.Sumasabay na sya sakin sa paglalakad.Ang laki ng ngisi nya sa mga lalakeng napapalingon at nasasalubong namin.Ang yabang talaga ng mukha nya.
Ng makarating kami sa court mga tilian ng kababaihan ang una kong narinig.Agad kong tiningnan kung sino ung tinitilian nila.
Isang lalake nakatalikod mula sa kinatatayuan ko at wala syang mintis kung magshoot ng 3 points.Iba't-ibang papuri sa kanya ung naririnig ko.
"Dun mo ko intayin sa unahan wag dito.Wait lang magpapalit lang ako."
Tumango ako at sinunod ko naman sya.Pumunta ako sa upuan na nasa bandang unahan.
Hindi ko alam kung ilang minuto ung lumipas dahil itinuon ko lang sa twitter ung buong atensyon ko.Sunod ko na lang namalay ung lalakeng papansin na nasa tabi ko na.Nakapagpalit na sya.
"Ang galing talaga nitong singkit na to."Bulong nya na narinig ko naman.Sinundan ko ng tingin ung tinutukoy nya.
"I LOVE YOU BABY!"Malakas na sigaw ng babae sa likod ko.Narinig naman ito ng lalakeng may hawak ng bola at parang slow motion ung paglingon nya.
Ng magtama ang aming mga mata atomatikong bumilis ang tibok ng aking puso.
James.
Laking gulat ko sa agad nyang pag-iwas ng tingin.Kitang-kita ko kung pano kumunot ang mga kilay nya.
Nagmissed ang bolang dapat pang 3 points.
"Palpak."Pagkasabi nya nito duon ko lang napansin ang pagkakaakbay sakin ng lalake sa tabi ko.
"Hey?"Mahinang pagtawag ko sa pansin nya pero sigurado kong sapat na ito para marinig nya.
Lumingon sya habang nakangisi.Lalo tuloy uminit ang dugo ko.
Inilapit ko aking mukha sa kanya, nang malapit ng dumampi ang aking labi sa kanyang labi mabilis akong bumulong sa kanya.
"Got cha Baby haha"Tumayo na ko't inangat ang aking kamay.Nakuha ko ang aking i.d ng di nya namamalayan."Bye!"
Patakbo akong lumabas ng Basketball Court.Dahil sa sobrang pagmamadali hindi ko na nagawang lingonin si James para alamin kung nakatingin pa sya.
Speaking of that guy sobrang nainis ako sa reaction nya.Feeling ko ako ung dahilan kung bakit nagmintis ung pagshoot nya.Sya rin pala ung pinagkakaguluhan nung mga babaeng maiingay.Kung alam lang nila ung ugali ng lalakeng un ewan ko lang kung iche-cheer pa nila un.
Ugh! bakit ang bitter ko?! Leche kasi yang mga lalakeng yan ayaw akong lubayan BAD TRIP!
"Christine!"
Kanina okey ako eh pero nasira ung araw ko ng simulan nung dalawang abnormal na.Tanungin daw ba ako kung ako ung nakipagbreak mga Insensitive! tas pangangalawahan pa nung unggoy na un at ung mga babaeng akala mo wala ng bukas kung sumigaw mga papansin!
"Wait Christine!"
"Ano ba?!"Malakas kong hinila ang aking braso mula sa pagkakahawak nya.
"Woah high blood?"Seryosong tano nya.
"Pwede ba Mr.3rd year representative wala ako sa mood makiusap dahil sa kulay ng buhok ko."Tatalikod na dapat ako ng muli nyang hawakan ang aking braso.
"Hindi un.Pwede bang ikaw muna mag-entertain sa mga Officers na galing sa kabilang University?"Kitang-kita ko kung gano sya kaseryoso.Inilipat nya ang kanyang tingin sa dalawang lalake sa di kalayuan."Guys! Si Christine sya muna ung magtu-tour dito sa inyo."
Bago pa ko makaalma nakaalis na sya.Tingnan mo un hindi muna inalam kung payag ako o hindi.
"Hi? Alam mo ba kung nasaan si Ma'am Martinez?"Tanong ng maputing matangkad na lalake."Pwede mo ba kaming samahan?"
Dahil tinatamad akong sumagot nilagpasan ko na lang sila at naglakad papuntang elevator.Nandito kami sa College of Liberal Arts and Sciences building.
Nagulat ako ng nakatulala lang sila sa akin.Nashock siguro sa ikinilos ko.
"Hindi si Ma'am Martinez ang lalapit sa inyo kaya tara na."Napairap na lang ako.Lalo akong naiinis sa mga ikinikilos nila.
Nang nakatayo na kami sa tapat ng elavator may dalawang lalakeng naunang sumakay sa amin pagkabukas nito.
"Uy si Christine.Hi Diwata!"
"Hi Christine anong floor mo?"Masiglang tanong at bati ng ng dalawang lalake.
"Labas."Walang emosyon kong sabi.
"Ha?"Di makapaniwala nilang tanong.
"Sabi ko lumabas ka.yo."Diniinan ko talaga ung dulo.
Pumasok na kami habang nakatitig silang dalawa.Tinitigan ko naman sila ng masama, sasagot pa sana sila ng itinaas ko na ang aking kilay.Walang salita-salita lumabas na sila.
Tatlo na lang kami dito sa loob.Tahimik lang kami ng biglang tumunog ang aking cellphone.
"Sino to?"Unregistered number.Wala akong idea kung sino sya.
"Cg ako to."Halos dumulas sa kamay ko ang aking cellphone ng marinig ko ang malalim nyang boses.
Kahit hindi na sya magpakilala alam ko na kung sino sya.Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit tumawag pa sya.
"Nasan ka pwede ka bang makausap ng personal?"
Sunod ko lang na malayan ang paglambot ng tuhod ko dahil sa tanong nya.
Bakit?
Bakit mo ko ginaganito?
BINABASA MO ANG
Inosente (Revising)
Teen FictionOnce you've been hurt, you're so scared to get attached again. You have this fear that everyone you like is gonna break your heart.