Kabanata 4

26 0 0
                                    

"Wow! may ganto palang lugar malapit sa University."Parang bata si Bryan manghang-mahang pinagmamasdan ang maliit na karinderya.

Dinala ko sya sa likod ng school.Madalas akong kumain dito dati.

"Isa nga pong champorado at Goto."Matapos kong umorder umupo na ulit ako.

Ilang minuto ang lumipas na tanaw ko na si Aling Maria na dala ang aming pagkain.

"Tintin anak na miss ko na kayo ni James! Buti naman naisipin nyo ng bumalik dito grabe ang tagal nyo na nitong nobyo mo bagay na bagay talaga kayo--"Napahinto siya sa pagsasalita ng mapagtanto nyang hindi ito ang kasama ko.

"Aling Maria si Bryan po kaibigan ko."

"Akala ko si James haha pasensya kana iha na sabik lang akong makita ulit kayo.Asan na ba ung bata un? Bakit di na kayo nagpupunta dito? Ay teka lang may ibibigay ako sa iyo!"Agad syang tumalikod at nagmadaling umakyat sa 2nd floor.

"Kumain kana."Utos ko kay Bryan na tilang nagtataka kung sino ang tinutukoy ng matandang babae.

Kahit bakas sa mukha nya ang kagustuhang magtanong pinilit na lang nyang ngumiti at kumain ng tahimik.Maya-maya pa bumalik na si Aling Maria.

"Anak eto ung gusto kong ipakita sayo kuha yan ng anak ko ang ganda diba? Natatandaan mo ba yan? Ayan ung huling beses kayong kumain ni James dito bagay na bagay talaga kayo."Masiglang niyang sabi sabay abot sa akin ang isang picture.

Tila na nigas ang buo kong katawan ng makita ko ito.

Sinusubuan nya ko ng champorado habang tumatawa.Kitang-kita sa amin kung gano kaming kasaya sa piling ng isa't-isa.

"Matagal na po kaming naghiwalay aling maria pero salamat parin po dito."Pinilit kong ngumiti sa matanda.

"Ay ganun ba pasensya kana sa kadaldalan ko ha? Sige babalik na ko sa kusina tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa.Pasensya na talaga."Halata ang pagkagulat at pagkadismaya sa kanyang mukha.Sana pala hindi na lang ako bumalik dito.

"Bryan dun lang ako sa labas sumunod ka na lang pagkatapos mo."

Akala ko kaya ko ng harapin ang lugar na to.Akala ko lang pala un.

"Teka kumain ka na muna."

"Wala na kong gana.Antayin na lang kita sa labas."Hindi ko na sya inantay makasagot lumakad na ko.

Lumakad ako papunta sa isang upuan ilang metro ang layo mula sa karinderya.Tinitigan ko ang picture.

Isang taon na ang lumipas simula ng mangyari ito.Halos araw-araw kumakain tayo dito.Naaalala mo pa kaya iyon? Siguro hindi na.Siguro ako na lang ung apektado sa ating dalawa.

Bakit ba ang hirap mong kalimutan? Bakit hindi kita matalikuran? Bakit pagdating sayo ang dami kong bakit? Bakit?

Ang hirap naman ng ganto.Ang drama ng buhay ko.

Lumipas ang ilang minuto lumabas na rin si Bryan.Gusto ko sana syang kausapin kaso kung kanina wala na ko sa mood mas lalo akong nawalan ng gana matapos nyang marinig ung mga bagay na hindi naman na dapat.Tahimik kaming bumalik sa school habang nasa byahe hindi na sya umimik ganun din naman ako.

"Christine salamat dun nabusog ako."Sabi nya pagkababa nya sa Motor ko.

Hindi ako makahanap ng tamang salita para sa kanya.Hindi ko alam kung dapat ba na magwelcome ako o dapat ko muna syang pakiusapang ilihim ung mga narinig nya kanina kila aling maria.

"Gusto mo ba ng makakausap? Nandito lang ako makikinig sayo."Hindi ko na pinansin ang sinasabi nya.Hindi rin naman ako interesado.

"Mauna na ko Bryan marami pa akong gagawin."

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon