"Hi."
Isang salita lang pero sapat na para pahintuin ang pag-ikot ng mundo ko.Bakit? Simple lang dahil mula ito sa kanya.
Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita ko ang matatamis nya ngiti.Alam kong alam na alam nyang naiilang ako.Hindi ko maintindihan kung bakit kung umasta sya ngayon ay parang hindi nya ko sinaktan.Muli ko syang nilingon, hindi parin na aalis ang mga ngiti sa kanyang mukha.Pinili ko na lang na ngitian sya pabalik para hindi sya mapahiya sa harapan ng mga kaibigan nya.
"Ehem!"Kunwaring ubo ni Mica."Mauna na kami may second subject pa kasi kami ng kaibigan ko.Bye!"Mabilis nya kong hinila palayo sa kanila.
Naguguluhan ako sa aking sarili nung magtama ang aming mga mata kakaiba aking naramdaman.Hindi ko maipaliwanag.Tila ibinabalik ako ng mga mata nya sa mga panahong walang mapaglagyan ang aking saya.Sa mga araw na wala akong hiniling kung di wag na sanang matapos pa pinaghalong saya at lungkot.
"Tine?"Huminto kami sa tapat ng College of Business and accountancy building.
"Hmm?"Tumitig sya sa mga mata ko bago sya nagsalita.
"Mahal mo talaga sya ano."Deretyang sabi nya.
"Mica tapos na kami--"Hindi na nya ko pinatapos dahil agad syang nagsalita.
"Exactly! Tapos na kayo pero bakit parang naiwan ka?"Hinawakan nya ung kaliwang kamay ko."Tine naiintindihan kita.Maswerte sya sa pagmamahal mo at nakikita kong bagay talaga kayo."
"May iba na syang mahal Mics."Tumingin ako sa mga estudyanteng palabas ng building para iwasan ang mata nyang tila binabasa ako.
"Gwapo sya,tan skin,chinito,maganda ang katawan--"
"Ano ba yang sinasabi mo?"Medyo nakaramdam ako ng pagkailang habang iniisa-isa nya ang magagangang katangian ni James.
"Selos agad? Hahaha ang gusto ko lang sabihin ay ung mala adonis na lalake un ay mahal ka parin."Agad na napakunot ang aking noo.
"Impusible."Yan lang ang nagawa kong isagot sa kanya.
"Tine hindi ako sigurado pero un talaga ung nakita ko sa mga mata nya tyaka ung spark habang magkatitigan kayo nakita ko rin."
"Nababaliw kana."Hindi ko na magawang tumingin sa kanya.Sana nga totoo ung sinasabi nya.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala anyway may second subject ka ba?"
"Wala.Ikaw ba?"Balik na tanong ko sa kanya.
"Meron.Sige mauna na ko ah.Ingat sa pag-uwi."Nagpaalam na sya at umakyat sa Building na kinatatayuan namin.
Tumayo na ako't naglakad papuntang parking lot.Ng makasakay na ko sa aking motor mabilis ko itong pinaharurot pauwi sa aming bahay.
Isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin.Wala na namang ibang tao maliban sakin.Umupo muna ako sa sala at ipinikit ang aking mata.
Dahil hindi ako makatulog nag-on line muna ako sa Facebook.Secret files ng University namin ang una kong tiningnan.Hindi ko namamalayang nag-umpisa na pala akong magtype…
#UCCSFConfession
Sanctuary (An open letter to my first love)According to my dictionary Sanctuary is a place of refuge or protection, bigla akong napangiti ng mapait.Alam mo kung bakit? Kasi un ung mismong nararamdaman ko dati sa tuwing nagkakatitigan tayo.Ung mga mata mong maganda at gustong-gusto ko dahil dinadala ako nito sa isang sanctuary.Hindi ko maexplain ung nararamdaman ko sa tuwing nagkakatinginan tayo pero isa lang ang sigurado ko un ay sobrang saya ko sa tuwing tinititigan mo ko.It's been a year simula nung pinaasa mo ko.1 year,2 months and 17 days to be exact.Sabi mo pa dati 'Ayoko kitang maging rebound ayokong masaktan ka.Hindi ko deserve ang tulad mo,masyado kang mataas habang eto lang ako.Sorry' and you know what's ironic? Ung mas nasaktan ako ng sobra matapos kong marinig yan.Ayaw mo kong masaktan diba? pero dahil sa mga salitang yan parang pinapatay mo na rin ako.Ang dami naging tanong sinisi ko ung sarili ko,binago ko ung sarili ko para maging bagay sayo pero binaliwala mo lang lahat ng mga effort ko.Honestly nagtanim ako ng galit sayo at hindi ko alam kung hagang ngayon nandito parin pero tanggap ko ng hindi ito ang tamang oras.Tanggap ko ng hindi ka para sa akin sa ngayon.Gusto kong magpasalamat sayo kasi ung pagbabago ko ung naging susi para mas maging better akong tao.Ang dami kong nadiscovered na bago.Mas dumagdag ung pagmamahal ko sa sarili ko at ung confidence ko.Dati ang panget ng tingin ko sa sarili ko pero dahil sa kagustuhan kong ipamukha sayong kawalan ako kahit alam kong hindi ko kaya pumayag parin akong maging representative ng section namin sa isang pageant pero di ko akalaing mae-enjoy ko un at pakiramdam ko un ung isang bubuo sa pagkatao ko, kaya ayan nakahiligan ko na sya.Salamat ng marami kasi na realized kong mas dapat ko munang unahin ung pag-abot sa mga pangarap ko bago ung pakikipagrelasyon.Salamat kasi ung tatlong taon na pag-aantay at lihim na pagmamahal sayo naging worth it.Misan mo kong pinaasa at sinaktan pero hindi ko makakailang dahil dun lumabas ung ganda na akala ko wala ako.Sa maikling panahon pinasaya mo ko at kahit kelan di ko un makakalimutan.Kung may nakikita man ako't hihilingin na maging boyfriend wala ng iba un kung di ikaw.Ikaw padin Chinito ko.Sa ngayon laban ko muna to, magfo-focus na muna ako sa pag-aaral at pangarap ko.Lagi mong aalagaan ung sarili mo ah? Please lang wag mo ng iyakan ung babaeng hindi nakikita ung halaga mo dahil may tulad ko na kayang patunayang worth it ka sa pagmamahal na totoo.Umaasa akong dadating ang panahong tama na ang mali pwede na ang hindi at sa panahong un para ka na sa akin.
P.s:Thank you so much for the broken heart.Cg
College of Liberal Arts and Sciences
Main CampusBago ko tuluyang pindutin ang enter madiin kong ipinikit ang aking mga mata.Kung sakaling ipost ito ng Admin halos buong University ang makababasa nito at sana sa libo-libong kataong ito sana isa ka sa kanila.
Sana mabasa mo ito Chinito ko.
BINABASA MO ANG
Inosente (Revising)
Teen FictionOnce you've been hurt, you're so scared to get attached again. You have this fear that everyone you like is gonna break your heart.