Kabanata 3

36 1 2
                                    

Isang nakakatamad na araw.Bago ako umalis umaatikabong away na naman ng magulang ko ang gumising sakin, kaya heto ako maagang pumasok.

Ang sakit ng ulo ko.Sabagay ikaw ba naman umuwi ng alas kwatro ng umaga at gumising ng alasingko para pumasok malamang sasakit talaga ulo mo.

"Madam ang aga natin ngayon ah! Good morning."Masiglang bati sa akin ni manong Guard.Tango lang ang sinagot ko dito.

Dumeretyo ako sa garden at umupo sa isang bench.Sinandal ko ang aking likod, tumingala at ipinikit ang aking mata.

"Lumapit ka dito."Utos sa akin ng lalakeng nasa harapan ko.Hindi ko alam kung bakit pero agad ko syang sinunod.

"Oh tapos anong gagawin ko?"

"Ipatong mo yang mga kamay mo sa balikat ko pumikit ka lang."

Ginawa ko ang inutos nya.Magkatapat kami ngayon at magkayap sa gitna ng basketball court.Mag-aalasais pa lang ng umaga.Kaya wala pang ibang estudyante bukod samin.

"Minsan Oo minsan Hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas"Bumilis ang tibok ng puso ko ng ilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga at nagsimulang kantahin ang Sayo ng silent sanctuary.Ang kantang lagi nyang kinakanta para sa akin.

Naalala ko dati nung itinutulak nya ko palayo.Kakabreak lang nya that time di ko daw kasi deserve maging rebound.Nag-iwasan kami nun nagtry akong panglaban ung nararamdaman ko pero wala ring ng yari.Hindi ko talaga kayang panoorin sya habang na sasaktan.

"Kung tunay nga ang pag-ibig mo kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo"Hinigpitan nya lalo ang pagkakayakap sakin dahilan para lalong lumapit ang katawan ko sa kanya.

Isang araw naka received ako ng text…

Tintin liligawan kita.Gagawin ko lahat para mapasagot ka.

Ilang minuto ang lumipas for the first time sa loob ng dalawang taon namin magka-klase tumawag sya…

Tine na received mo ung text ko? Seryoso ako dun.Kumain kana ha? Good night.

"Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo sayo na ang puso ko."Ipinatong nya ang kanyang noo sa aking noo.Isang nakalulusaw na tingin ang ibinigay nya sakin.

Eto na nga kami ngayon matapos ang ligawan, kami na.Wala akong pinagsisihan.Never nyang pinaramdam na merong iba, na busy sya at na may babaeng higit pa sakin.Bawat araw na lumilipas pinaparamdam nyang espesyal ako.

"Tin!"Pagtawag nya sa pansin ko.

"Bat ka huminto sa pagkanta?"

"Alam mo ikaw lumilipad na naman yang isip mo.Kanina pa ko nagsasalita di ka pala nakikinig."

"Ha diba kumakanta ka kanina?"Tumingin sya sa kanyang relos.

"5minutes."

"Ano? Di kita magets."

"Sabi ko 5minutes ago na nung humito ako sa pagkanta.Haist!"Magwo-walk out na sana sya ng yakapin ko sya mula sa likod.

"Sorry na po.Binabalikan ko kasi ung mga ala-ala kung pano tayo nag-umpisa kaya nagspace out ako hahaha sorry na po.I love you."Ganto naman sya eh konting lambing lang ung gusto nya.

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon