Kabanata 5

20 0 0
                                    

Tatalikod na dapat sya ng bigla kumilos ng kusa ang katawan ko.Wrong move malamang iba na naman ang iisip nila pero bahala na.

Tumingkayad ako't niyakap sya.Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong iparamdam sa kanya ung pasasalamat ko.Medyo lumakas ung bulungan ng mga estudyante sa paligid namin kaya bumitaw na ko at nginitian sya.Mabilis akong tumalikod papasok sa classroom.Kantyaw at ngiti ng mga classmates ko ang sumalubong sakin.

"Hoy babaeng malandi sino un?"Inikiton ko lang ng mata si Zeggine.Chismosa talaga to.

"Boyfriend mo ba talaga un? Nakita mo na ba ung mga kumakalat sa internet na pictures nyo? Bakit parang ang dami na naming hindi alam sayo?"Sunod sunod namang tanong ni Hinna.

Tinitigan ko silang dalawa.Na pailing na lang ako.Ung mukha nila para mga imbistigador na nag-aantay ng sagot.

"Wala kaming relasyon.Magkaibigan lang kami."

"Teka asan si Boy Abunda?"Sabi ni Zeg habang tumitingin sa paligid.

Tinanong naman sya ni Hinna kung bakit sabi nya ang showbiz daw kasi ng sagot.Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.Dahil alam naman nila ang nakaraan ko ikinuwento ko na sa kanila ung pangyayari kung pano kami nagkakilala ni Bryan.

"So ung sikat na model na un sinapak at tinatadyakan tadyakan mo lang? hahahaha"

"Zeg sikat ding dancer si Sandy.Remember  nung sumayaw sya ng love me like you do kasama ung girl na di naman kilala? Sobrang daming views nun sa youtube."

Tama ang sabi ni Hinna kilala ring dancer si Bryan.Hindi naman kasi ako mahilig sa showbiz at sa panonuod ng tv kaya hindi ko sya kilala.NaKilala ko lang talaga sya kagabi matapos kong isearch sa google ung pangalan nya.Sa Nueva Ecija sya nagsimula dati syang may mga kagrupo pero dahil kailangan nyang mag-aral ng college dito sa Manila napilitan sya tumiwalag sa grupo nila.Dun na nga nagsimula ung swerte nya.

Habang busy silang dalawa sa pagpapalitan ng info tungkol kay Bryan nag online nalang muna ako sa facebook.Hindi naman bago sakin ang madaming friend request pero parang sobrang dami naman nila ngayon.Pati notif at mga messages ang dami din.Nagscroll down muna ako.Natatawa na lang ako sa mga nababasa ko puro chismis lang naman.

Magla-log out na dapat ako ng biglang may isang picture na tumawag sa pansin ko.Eto ung time na magkahalikan kami ni Bryan pero hindi un ung dahilan sa pagtitig ko sa picture, napansin ko ung mukha ni James.Nakatitig sya samin habang may lungkot sa kanyang mata?

Ugh! nag-aasume na naman ako.Sabagay kaya lang naman siguro na patingin sakin un dahil maraming nakapalibot sa akin, nakikiusosyo kung baga.

Pinatay ko na lang ang cellphone ko dahil nakaramdam lang ako ng inis.Maya-maya dumating na rin ang prof namin.Ilang oras ung lumipas walang pumapasok sa isip ko physically present but mentally absent.

Break time na namin ng mapagpasyahan ko munang magpaalam kila Hinna para mapag-isa pero syempre ang dinahilan ko sa kanila ay ung pag-aayos ko about dun sa mga rumors na kumakalat.

Lakad lang ako ng lagkad ng di ko napapansing nakarating na pala ako sa Buena Park.Kakaunti lang ang tao dito.

"Tine?"May isang pamilyar na boses ang tumawag sakin agad ko naman itong nilingon.Isang magandang ngiti ang sumalubong sakin.

Si Micaela ang high school friend ko.

"Mica"Mahina pero masaya ko namang tugon.Umupo agad sya sa harap ko at nagsimulang dumaldal.

Ilang taon na ang lumipas pero wala pa ring syang pinagbabago.Kulay kayumanggi parin ang kanya balat.Bilugan at itim ang hanggang balikat nyang buhok.

Sa pagku-kwentuhan namin ang dami na nyang naging sentimento.Kesyo ang laki na daw ng pinagbago ko physically, ibang-iba na daw ako sa dating Christine na kilala nila, ako naman puro ngiti na lang.

Dahil nga sobrang daldal nya inilibot ko na lang muna ang aking mga mata.Ilang metro ang layo samin may natanaw akong nagpabilis sa tibok ng aking puso. 

Si James at ang kanyang mga kaibigan.Mula dito tanaw na tanaw ko kung gano kaganda ang ang kanyang mga mata lalo na pagtumatawa at ngumingiti sya.Masaya syang nagku-kwento.

Dati pagkinakausap nya ko sobrang sigla.Pagnapapansin nyang hindi ako nakikinig sa kanya iki-kiss nya ako sabay titig ng nakakalusaw.Ibang-iba ung paraan nya ng pagpapakita sakin ng tampo nya mga bagay na hindi ko makakalimutan.

Pagnaglalakad naman kami tas may mga lalake tumititig sakin inaakbayan nya ko sabay sabing Gusto ko akin ka lang.Hanggang ngayon kabisado ko pa ung boses nya pero sa lahat ng mga salitang binitawan nya pagnagseselos sya ang pinaka gusto ko ung You're not my property but you're my priority.

"Sya ba un?"Duon ko lang ulit na alala may kasama ako ng magsalita ulit si Mica.

"Ha?"

"Sabi ko sya ba ung 1st love mo?"

"Haha ang corny ng tanong mo Mica."Agad akong umiwas ng tingin.Hindi ko alam kung pano nya nalamang ung tungkol dun.

"Dati nung 1st year college ka kinukwento mo sakin ung tungkol sa kanya."Duon ako napatingin sa mga mata nya.Siguro nga nakwento ko sakanya ung tungkol dun two years ago diko lang matandaan."Silence means yes so I guess sya nga un."

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at naglakad papunta sa upuan nito.Kitang-kita ko kung anong reactions nila ng makita sya.Dahil nga natatakot ako na baka kung anong itanong nya sa mga ito agad na lang ako sumunod sa kanya.

"Uy Tine tara dito!"Tawag nya sakin na para bang hindi kami magkasama.Kahit ayokong lumapit wala akong choice ayokong makita nya na hanggang ngayon apektado parin ako sa mga ng yari sa aming dalawa.

"Guys meet my special friend Christine.Siguro naman kilala nyo sya?"Lahat sila nakangiti sa akin.

"Oo naman! Sino bang hindi eh halos lahat ng estudyante dito sa Campus kilala sya sa pagiging diwata."Pilit akong tumawa sa sinabi ng lalake sa harapan ko dahil ang totoo gusto ko ng umalis.

Kung ano-ano pang papuri ang

narinig ko mula sa kanila.Hindi ko alam kung bakit pero parang kusa na lang akong napatingin sa kanya.

Tila huminto ang munto ko ng makita ko ang kanyang ngiti at marinig ko ang isang salita mula sa kanya…

Inosente (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon