CHAPTER FIVE : ZOMBIE ANG PEG

12 1 0
                                    

(Cherish POV)

Nice! 5:30 am na! Di pa ko natutulog! Buti nalang at tapos na tong projects kung hindi bawas points na naman ako kay love!

"Good morning che---- GISING KA NA?!!!!" ay paksyems naman manang? Lakas makasigaw ah?! Atsaka hindi naman ako natulog eh!

"Manang! Liligo na po ko sige na! Bye!" Sabi ko habang tinutulak sya palabas ng bahay---este ng kwarto ko pala! Ang bigat ni manang ah infernes!

Hays! Salamat naman at tapos na ko mag-ayos! Kaso nga lang haggard ng feslaks ko! Kalurkey!

###$$$###

"Morning mom,dad" bati ko sabay kain. Inaantok talaga ako!

"Tamlay mo ata? Wag ka munang pumasok kaya?" Worried na sabi ni daddy. Nako dad kung alam mo lang!

"Ah.... Wag po! Kase may projects po kong ipapasa!" Sabi ko. Naku daddy! Pag di nyo ko pinapasok sayang puyat at pagod ko! With pagmamahal yan ah!

"Sipag talaga ng anak ko! I'm so proud of you" masiglang sabi ni mom. Ngumiti lang ako bilang sagot.

###$$$###

Naglakad na ko papuntang classroom ng pagewang-gewang yung parang lasing. Eh paano inaantok *yawn* talaga ako! Saklap naman at monday pa! May flag ceremony ngayon!

Pagpasok ko ng room nadatnan ko si bff na nagbabasa ng libro at si daisuke? Ayun! May sinusulat sa notebook nya. Umupo na ako sa upuan ko atsaka nag-bow ng head gusto kong matulog! Wala pa kong tulog *yawn*

Patulog na ko ng.... "BFF!!!! GISING!!!! MAG-FLAG NA DAW!!!" sumigaw ang aking leon na amazonang bff ko -_- grabe! Wow talaga!

Habang kumakanta sila ng lupang hinirang ako? Eto papikit-pikit eh sa inaantok ako eh! Buti nalang at di ako nakikita! Natapos na ang flag at mga che-che bureche na sinasabi umakyat na kami ng room...

"Bff? Parang zombie ata peg mo ngayon? Natulog kaba?" Sabi ni bff sa akin pagkaupo namin sa upuan. Nako bff kung alam mo lang na gumawa ako ng project---- OMG! yung project pala!

Agad kong kinuha sa bag ko yung project ng maingat. Syempre baka masira ma-turn off pa ko!

Ok! Cherish kaya mo syang kausapin! Go! Go! Go!

"Ahmm... Love--este daisuke eto na pala yung *yawn* project. Sorry" sabi ko. Nako naman cherish! Humikab ka pa sa harap nya at muntik ka pang madulas sa sasabihin mong 'love' buti naagapan mo nalang!

Kinuha nya yung project at tinignan ng mabuti. Para bang sinusuri nya yung bawat detalye na nakalagay doon!

"Good" simpleng sagot nya lang yun pero para sa akin isang malaking karangalan na masabihan ako ng crush kong yun! Success ang aking pagpupuyat! *yawn* inaantok talaga ako! Gravy men! Makatulog nga muna!

Nagising ako nung may tumatawag sa akin.. "Bff? Bff? Gising na! Bff?" Inaalog nya ko sa bawat sabi nyang yan. "Hmmm...." Sagot ko. Di ako makapagsalita parang ang bigat ng pakiramdam ko tingin ko napagod ata ako ng sobra.

"Bff recess na! Ano? Bibilhan nalang kita o sa canteen tayo?" Tanong nya.

"Sa canteen tayo" matamlay kong sabi. Parang lalagnatin talaga ako!

"Eh matamlay ka eh! Kaya mo ba?" Nag-aalalang sabi nya.

"Kaya ko. Kagigising ko lang kase. Tara na nagugutom na ako" sabi ko sabay tayo at naunang maglakad. Fudge parang umiikot ata yung paningin ko. Pero di ko ito pinahalata. For sure magiging o.a na naman si bff.









Nasa may canteen na kami at si bff na ang bumili ng mga kakainin namin. Yumuko nalang ako sa lamesa atsaka pinikit ang aking dalawang mata. Haist nahihilo talaga ako atsaka parang ang init ko.

Bumalik na si bff at nagpanggap ako na ok lang ako. Kumain ako kahit wala akong gana nakikipag asaran ako kahit pagod ako at nakikitawa ako kahit sumasakit ang ulo ko. Shems i think i need a medicine. Yung gamot na galing kay love. Paano? Ganito. Isang kiss lang nya mawawala hilo ko. Isang yakap nya lang bumabalik ang lakas ko isang sabing "i love you" magaling na ako! Oh diba! At ang sakit ko? Lovenat! Hahah siomai paano ko ba nakayang biruin sarili ko eh nanghihina na ako. Fantastic! Wow! Astig!

"Hey girl! Look! She looks like a zombie!" Narinig kong sabi nung babae sa medyo kalayuan samin kaya lumingon ako kung sino yung tinutukoy nya at guess what? Ako! Ako yung tinuturo nila! Di ko nalang pinansin at kumain ng tahimik.

Habang papunta kami sa classroom may mga babaeng nagsasabi na zombie ang peg ko! Eh paanong hindi? Puyat ako dahil sa lintek na project yan! Pero maganda naman ang kinalabasan dahil nakakuha kami ng 100 na grade! Thanks to my love!








Nag-klase na ulit kami pero di ko MA- receive yung sinasabi ni sir. Ugh! Sumasakit na talaga ulo ko! Parang kailangan ko atang pumunta ng clinic!

Nagtaas ako ng kamay para magpaalam na masama ang pakiramdam ko buti naman at pumayag si sir kung hindi dito mismo ako susuka! Haha joke! Nag- volunteer pa nga si bff na sasamahan nya ko pero sinabi kong ok lang ako kase guato ko sana si love ang sasama sa akin. Haist tindi talaga ng tama ko sakanya. May sakit man o wala di parin nagbabago pagkabaliw ko sakanya!

Habang naglalakad ako papuntang clinic biglang nagdilim ang paningin ko at di ko alam kung ano na ang nangyayari.

HANGGANG TINGIN NALANG BA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon