(Cherish POV)
Ang lungkot naman hindi pumasok si daisuke kanina. Hindi na naman kumpleto ang araw ko dahil hindi ko sya nakasama o nakita man lang.
Papunta ako sa locker ko ngayon para ilagay yung mga books na walang assignment kase mabigat dalhin.
Pagbukas ko ng locker ko inilagay ko na yung mga libro ko atsaka isinara. Pagsara ko biglang may nahulog na sulat galing sa locker ko.
Hmmm.... Sino naman kaya ang naghulog ng sulat na ito? Baka nagkamali lang ng hulog o di kaya may secret admirer ako!!!!
Pinulot ko yung sulat at binuksan :
Hey! Cherish arcanghel How are you? Magaling ka na ba? See you soon
-secret admirer :*
O_O
To-totoo ba ito? Ako? May secret admirer? Di nga? Kanino naman?
Kyaahhhh shocks kinikilig ako!!!!
"Hoy babae! Anyare?" Bulyaw sa akin ni bff. Ano ba naman tong babaeng toh! Parang kabute susulpot nalang bigla!
"Kase may nagbigay sa akin ng sulat. Galing sa secret admirer ko" paliwanag ko at binigay sa kanya ang sulat. Binasa nya ito sabay balik ng naka-poker face. Aba't di man lang kinilig?! Napaka-supportive talaga ni bff sa lovelife ko! Grabe!
"Uyy! Di porket may nagbigay sayo ng sulat eh secret admirer na! Malay mo yang secret admirer mo panget pala!" Sigaw nya sa akin.
"Boom basag!" Sigaw naman ng mga lalaking............ DMYI means Di Matukoy Yung Itsura! Hehe ^_^V
"Hoy! Ano toh? Fliptop? Aba! Syempre di ako papatalbog! Teka" sabi ko at naghanda na ng pang-kontra sa sinabi nya.
"Oo nga't malay natin ang secret admirer ko panget nga kaysa naman sayo ni isa WALA!" sagot ko sa kanya pabalik.
"Oo nga't ni isa wala ako. Mas ok na yun kaysa naman ang nagkakagusto sa akin ay mukhang impakto" sagot nya at napansin ko na padami ng padami ang nanonood sa amin.
" Di ka pa nga sigurado kung anong itsura ng secret admirer ko! Malay mo ang mukha nya ay mala DARREN ESPANTO!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Yun nga eh! Di ako sigurado! Maging ikaw di rin sigurado! Kaya wag kang paninigurado na ang mukha nyan ay pang DARREN EAPANTO!" sigaw nya pabalik.
