(Cherish POV)
*kringggggg kringggggg* *yawn*
\\-o-//
Parang nakakatamad pumasok ngayon lalo na't umuulan at malamig! Brrrrrrrrrr
Hays makapag-ayos na nga!
###$$$###
Pagpasok ko ng room nakita ko si bff na nakaub-ob sa desk. For sure natutulog na naman yan.
Umupo na ko sa upuan ko at umub-ob din sa desk. Inaantok din ako eh. Patulog na ko nang may naramdaman akong presensyang umupo sa tabi ko. Nag angat ulo ako at nakita ko si.......
Daisuke?! Pumasok na si love? Shet na malagket! Namiss ko sya!!!!
"Daisuke? Pumasok ka na? Kamusta ka? Balita ko nagkasakit ka daw? Ok ka na ba? Alam mo bang nag-aalala din ako sayo baka mapano ka. Ilang araw kang hindi pumasok. Ano bang pinaggagawa mo at nagkasa---" naputol ang sasabihin ko nung bigla syang tumingin ng masama sa akin.
"Don't act like your my mother nor my girlfriend. Shut up and stay away from me" cold nyang sabi. Bawat salita na binitawan nya ang sakit! Tagos sa puso hanggang likod!
Narinig kong nagsitawanan ang mga classmates ko at si bff naman ang sumasaway sa kanila. Grabeng kahihiyan ang nangyari sa akin. Dapat pala hindi nalang ako pumasok.
"I know. I'm sorry" nakayuko kong sabi at bigla nalang bumagsak ang mga luha ko sa aking pisngi. Ansakit eh.
Dahil hindi ko mapigilan ang aking luha tumakbo ako paalis at pumasok sa isa sa cubicle ng aming c.r. at doon ako umiyak ng umiyak habang hawak ko ang aking mga bibig para mapigilan ang aking paghikbi.
Grabe! Ansakit ng mga pinagsasabi nya. Alam ko naman na hindi ako yung nanay nya o....
...
Girlfriend nya. Pero mahal ko sya at hindi nya alam yun! Kaya ako nag-aalala ng sobra dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya!
Nakarinig ako ng presensya na pumasok sa c.r. kaya agad akong tumahimik sa paghihikbi para di ako marinig.
"You know what? Napahiya si cherish dahil sa kahibangan nya" sabi nung isang babae. Cherish? Ako ba yung tinutukoy ng impakta na ito?
"What do you mean?" Mataray na tanong nung isa.
"Slow! What i mean is napahiya sya kay daisuke. Feelingerang frog kase. Anlandi pa. Kala nya kase sya yung gf ni daisuke ayan napahiya. Oa kase makatanong" sabi nung isa. Aba! Mukhang ako nga yung tinutukoy nitong panget na toh ah! Kahit gigil na gigil na kong patulan yung babaeng yun pinigilan ko para marinig ang buong usapan nila.
"Oh really? Buti nga sa kanya. Kala nya magugustuhan sya ni daisuke eh ang panget nya!" Sabi nung impakta---este babae pala.
"Right! Lets go baka malate pa tayo" sabi nung isa at tuluyang umalis na. Pagkalabas nila tsaka ako lumabas sa cubicle at nag-ayos ng sarili. Ayaw ko kaseng maawa sa akin si bff at ang iba.
Pabalik na ako sa room ng makita ko si........... Daisuke.
Ok cherish. Relax. Wag kang papahalata na nasaktan ka. Whooo
Straight body akong naglakad papunta sa kanya at plano ko syang lagpasan...
Kaso habang papalapit ako sa kanya bigla syang ngumiti at kumaway.
O.o
T-totoo b-ba i-ito? Ngumiti sya sa akin at kinawayan nya ako?! Omg!!!!! kyahhh kinikilig ako!! Para bang yung inis at sakit na nararamdaman ko kanina sa akin nawala ng parang bula! Amazing!
Ngingiti palang sana ako at kakawayan sya pabalik ng..........
"Daisuke! Konnichiwa" sigaw nung babae na mula sa likuran ko kaya agad akong lumingon para makita kung sino ang babaeng yun.
Ang ganda nya! Mala-dyosa!
"Konnichiwa babe! It's been a year?" Dahil sa pagpupuri ko sa babaeng yun di ko na namalayan na nakalapit na pala si daisuke sa kanya. Nakita kong kiniss ni daisuke yung babae!
Pero te-teka?! Babe?! Kiniss sa cheeks?! Di kaya omo may relasyon sila?!!!!! Hindi pwede ito!! Hindi maaari!!!! No!!!
Nang maramdaman kong tumulo ang aking luha marahas kong pinunasan ito atsaka tumakbo pabalik ng room. Dahil hindi ko kayang makita si daisuke na may iba na. Na may mahal syang iba. Na mayroon ng nagmamay-ari sa kanya. Hindi ko tanggap na hindi talaga kami meant to be. Hindi kami ang nakatadhana. Hindi kami para sa isa't-isa. Bakit ganon ka tadhana?! Ang lupet mo! Ang sarap mong ihambalos sa lupa! Kung tao ka lang nako for sure makukulong ako dahil pinatay na kita!
Ang sakit pala malaman na yung taong matagal mo ng inaantay at minamahal ay mayroon ng nagmamay-ari sa kanya at meron na syang mahal na iba.