CHAPTER TEN : CONFESSION

11 0 0
                                    

(Cherish POV)

Buong klase wala akong maintindihan. Paano may deperensya ang buong katawan ko.

Si utak nawawala. Umalis ata pumunta sa ibang planeta. Si puso ayun naospital ang tindi daw kase ng sakit na tumama sa kanya. Ang sakit daw nagngangalang heartbreak. Si mata? Ayun pagod kakaiyak. Si bibig? Walang masabi naubusan na-trauma ata?! Si tenga? Ayun paulit-ulit pinariringgan ang mga nangyari. At ang epekto sa nagmamay-ari? Eto nasasaktan, pagod umiyak, tulala, at lutang ang isip.

"Class! Kailangan nyong gumawa ng isang letter para sa crush nyo. Confession ba? Pag wala 70 sa grade" nagising ang diwa ko nung marinig ko ang salitang 'confession'

Eto na ba? Eto na ba ang ibig sabihin? Kailangan ko na bang umamin? Eh bakit pa for sure wala syang pake kase may mahal na syang iba! At ang masaklap eh taken na sya! Pero may parte sa akin na nagsasabing 'go lang! Kahit meron na syang iba kailangan nyang malaman! Bahala syang mamili sa inyong dalawa! At kung sino man ang piliin nya be happy for him' sabi ng positive side ko at sa negative side naman 'wag na! Wala ka namang mapapala eh! Sa huli masasaktan ka lang' sabi ni negative side. ang bait noh?! Psh pero syempre doon ako sa positive side kaya kumuha ako ng papel at nagsulat ng mga gusto kong sabihin para sa kanya.

###$$$###

Pagkatapos naming magsulat isa-isa kaming tinatawag. May mga sulat na nakakakilig at nakakaiyak.

"Cherish arcanghel!" Sigaw ni sir kaya tumayo na ako at nagpunta sa harapan. Nakita ko si bff na nag-aja fight kaya nadagdagan ang lakas na loob ko. *sight* eto na.

"Dear daisuke,

Ikaw yung tipong nakakatakot kasama. Yung tipong walang ligaya sa buhay. Yung tipong parang pagkasama ka hindi sasaya ang buhay mo. Ikaw yung taong ubod ng cold dinaig mo nga yung yelo eh at laging poker face. Para bang pagnakita ka naming ngumiti may himala na! Pero kahit ganon ok lang sa akin. Kahit ganon mahal pa rin kita. Hindi kita minahal dahil gwapo ka. Hindi kita minahal dahil mayaman ka. Kundi minahal kita maging sino ka man. Alam ko, wala akong pag-asa sayo. Kahit hindi ako ang maging dahilan ng kasayahan mo. Kahit hindi ako ang dahilan ng paglungkot mo pag hindi mo ko nakikita. Kahit hindi ako maging dahilan ng pagka-miss mo. Kahit hindi ako ang mahal mo ok lang sa lahat ng sinabi ko ikaw ang buhay ko ay nagkaroon ng dahilan simula nung dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita daisuke dela fuentes.

HANGGANG TINGIN NALANG BA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon