(Cherish POV)"May inihanda kaming backpack para sa inyo. May mga pangalan nyo na yan. Andyan na lahat ng pangangailangan nyo." Robot na sabi ni sir. Ang liit-liit na nga ng boses ganyan pa kung magsalita! Psh
Kinuha na namin ang mga backpack namin atsaka umalis sa headquarters.
"Nice! Tadhana nga naman oh! Ka-partner namin kayo!" Sabi nung lalaking may dimple atsaka tumingin kay bff at ngumiti. Inirapan nalang sya nito. Teka? Magkakilala ba ang dalawang toh?
"Oo nga eh! Nakakabanas na nga si tadhana!" Sarcastic na sabi ni bff. I smell fishy ah!
"Magtigil nga kayo!" Saway nung isang lalaki. Halos lahat sila kaibigan ni daisuke.
"Hi!" Nagulat ako nung biglang may magsalita sa tabi ko.
"H-hello" gosh! Nauutal ako! Ikaw ba naman makaharap mo isang gwapong nilalang. Malapitan pa ah!
Di ka ba mauutal?!
"Hahaha... Ang cute mo mag-blush. Btw. Kevin nga pala" pakilala nya sabay lahad ng kamay nya.
"Cherish" simpleng sagot ko at nakipag-shake hands. Pero teka? Nag-blush ba ako? Nakakahiya -///-
"Dean" biglang sulpot nung may dimple atsaka umakbay sa akin.
Ganito na ba kahaba ang buhok ko? Para lapitan ng mga gwapo? #assuming
"Rhym" biglang sulpot sa harap ko yung guy na nagsaway kanina.
"Cherish" simpleng sagot ko sabay ngiti sa kanila.
"Bilisan nyo! Aabutin tayo ng gabi" seryoso at masungit na sabi ni daisuke kaya ang tatlo himiwalay sa akin atsaka naglakad palayo. Anyare o.O
"I'm so tired!" Maarteng reklamo ni evil sister. Tsk parang sya lang napapagod ah!
"I'm sooooooo---" naputol ang sasabihan nya ng pasakan sya ng panyo ni bff sa bibig.
"Shut up!" Matapang na sabi ni bff sabay irap dito. Hahaha amazona talaga!
"Babe~" napalingon kaming lahat nung magsalita sya.
-_-
Kailangan talaga dito maglandian?
"I'm so tired" maarteng sabi nya tsaka nag-pa-cute dito at kumapit sa braso ni daisuke.
Tsk nagmumukha lang syang aso!
"Guys!" Napahinto kami nung biglang nagsalita si daisuke at huminto din ito habang may nakakabit na linta sa kanang braso nito.
"Sa tingin ko kailangan muna nating magpahinga" mahinahon nyang sabi. Oh! Napagod ba si bebe love ko? Hihihi BEBE LOVE!
