(Crizha POV)*takbo takbo takbo*
Kung saan-saan na ko nakakarating...
Ni hindi ko na nga alam kung saang part ng gubat na ko...
Kase ang laman lang ng utak ko eh yung nangyari kanina...
Huminto nako dahil sa pagod at eto na naman ang peste kong mga luha na nagsisilabasan..
"*sob sob sob*" puro iyak nalang! Nakakainis na!
"Crizha! Crizha! D@mn it!" Nakarinig ako ng sumisigaw ng pangalan ko.. At kilala ko kung sino...
Si dean....
Takteng yan! Kaya nga ako umalis dun dahil ayaw kong makita nya akong ganito ka pathetic..
Napasigaw ako sa gulat ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.. Ramdam ko ang habol ng hininga nya maging ang maiinit na hininga nya sa leeg ko na nagbigay ng kilabot sa pagkatao ko... Nararamdaman ko din ang mabilis na tibok ng puso nito na nagbibigay hiwatig na sobra syang nag-alala at kinabahan sa akin...
"Crizha! Saan ka ba nagpupunta-punta?! Syet! Pinag-alala mo ko" sabi nya. Sorry dean..
"Sa susunod wag mo ng uulitin yun ah?! Dahil di ko kakayanin na mawala ka pa sa akin" dean! Wag kang ganyan! Wag kang ganyan magsalita dahil nahuhulog ako! At natatakot na masaktan lang ako sa huli!
"A-ano bang pi-pinag-sasabi mo?" Syet! Crizha! Wag kang iiyak! Hindi sa harapan nya!
Hinarap nya ako sakanya at pinag-dikit ang mga noo namin. Inches nalang ang pagitan sa aming dalawa. Tinitigan nya ko ng diretsyo sa mata.
"Sa susunod wag ka nang mawawala sa akin dahil di ko kakayanin" seryosong sabi nya na sang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"Alam ko crizha. Natatakot ka na masaktan at natatakot ka na baka tuluyan ka ng mahulog sa akin kase ngayon palang unti-unti ka ng nahuhulog. At ganon din ako!" -sya
"H-huh?" Shocks! Bakit ang hina mag- process ng utak ko ngayon?!
"Sa una hindi kita nagustuhan. Kase hindi ikaw yung tipo ko. Yung tipong masungit, mataray, amazona, bitter at malakas mantrip. Ang layo-layo mo sa pinapangarap kong babae. Pero dahil sa bangayan natin at awayan hindi ko na pala namamalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sayo. At ganon din ako. Natatakot na baka masaktan kita. Natatakot na baka hindi pala sigurado itong nararamdaman ko. Hindi naman ako nagmamadali eh. Pero sana bigyan natin ng chance ang sarili natin na malaman kung ano talaga ang tunay nating nararamdaman" napaiyak ako sa sinabi nya. Ang haba eh mala-teleserye. Pero ano daw? Unti-unti na daw sya nahuhulog pero wala pang kasiguraduhan? Ha! Nagpapatawa ba sya? Ano ako? Tanga? Na kapag binigyan ko sya ng chance ang mga feelings namin para sa isa't-isa at kapag nahulog na ko tsaka sya mang-iiwan? Edi parang umaasa ako!
"Dean. Sorry. Pero hindi pwede. Dahil natatakot ako na baka sa huli ako lang ang magmahal sa atin. Sorry" saad ko tsaka umalis at bumalik sa pwesto namin kanina na kahit di ko alam kung papaano.
(Dean POV)
"Dean. Sorry. Pero hindi pwede. Dahil natatakot ako na baka sa huli ako lang ang magmahal sa atin. Sorry" saad nya atsaka ako iniwan.
Ha! Ansakit ah! Ni hindi man lang nya binigyan ng chance ang mga feelings namin! Bakit? Tingin ba nya na hahayaan kong sya lang ang magmamahal sa aming dalawa? Baka nga mauna pa ako eh!
Crizha! Humanda ka! Dahil sa ayaw at gusto mo gagawa ako ng paraan para mahulog ka ng tuluyan sa akin. At ganon din ako.
Kase I'm starting fall in love with you
~~~~~~~~~
Author's note :
Yung iba po sa story na po talaga nila! Guys sorry for long update. Kase po napakadami naming ginagawa at hell exam na namin sa monday! Wish me luck!
Vote. Comment. Follow.
