Chapter 13: Loneliness

4.4K 56 14
                                        

CHAPTER 13: Ivy's Innocent Love.

Written by: CDLiNKPh

ILANG LINGGO pa ang lumipas at nasanay na si Alexa sa lugar na iyon kahit papaano. In-enroll na rin siya ng mama niya roon. Sa pamamalagi niya roon ay ni hindi man lang sila naging close ng isnaberang si Ivy. Para kasi itong may sariling mundo. Araw-araw ay gumagawa ito ng sulat para sa kababata nito na ang pangalan daw ay Cane. Halos diary na nga nito ang bawat sulat na ipinapadala nito sa lalaki dahil bawat nangyayari rito kada araw ay isinusulat nito sa mga liham na iyon. Pero kahit kailan ay wala naman itong nakukuhang sagot mula sa Cane na iyon.

Kung siya ang tatanungin, nagmumukha na talaga itong tanga. Hindi talaga niya maintindihan si Ivy kung bakit ito nagpapakamukmok nang dahil lang sa Cane na iyon kung pwede naman itong makipagkaibigan na lang sa ibang bata.

Hanggang sa isang araw ay nakita niya si Ivy sa garden na ngumingiti-ngiti nang mag-isa. Gumagawa ito ng kwintas gamit ang mga bulaklak.

"Kanino mo ibibigay 'yan?" tanong niya rito na tumabi rito nang walang paalam.

Napalingon naman ito sa kanya. Saka muling binalingan ang kwintas na bulaklak. "Kay Cane. Isasabit ko ito sa leeg niya kapag bumalik na siya rito. Maganda ba? Siguradong magugustuhan niya ito kaya excited na akong magkita kami ulit."

Nag-angat siya ng kilay. Mukhang good mood talaga si Ivy ngayon at nagawa na siyang pansinin. Nawawala iyong kamalditahan nito kapag iyong Cane na nito ang napag-uusapan.

"Kailan ba siya babalik?" tanong na lang niya.

"Wala siyang sinabi pero sigurado ako na babalik din siya. Mahilig manorpresa si Cane kaya sigurado ako na pagbalik niya ay marami siya sa aking pasalubong na candy." Ang laki-laki ng ngiti ni Ivy at iyon ang unang pagkakataon na nakita niya na ngumiti ito ng ganoon.

Sino ba ang Cane na iyon at ganoon na lang kung mapasaya nito si Ivy kahit wala naman ito sa tabi ng babae?

"Pero 'di ba, dalawang taon nang hindi nagpaparamdam sa 'yo ang lalaking iyon? Ni tawag o sulat, wala kang natatanggap. Baka naman ikaw na lang ang umaasa sa kanya at nakalimutan na niya ang tungkol sa iyo?" Alam niya na medyo masama na ang nasabi niya pero kailangan nitong magising sa katotohanan.

"Hindi totoo 'yan! Mahal ako ni Cane kaya alam kong hindi niya ako makakalimutan! Sabi niya magpapakasal pa kami pagbalik niya kaya hindi niya ako pwedeng kalimutan! Babalik siya rito. Babalikan niya ako!" pagsigaw na nito sa kanya na tumayo pa mula sa kinauupuan nito.

Natigilan naman siya nang makitang umiiyak na si Ivy. Hindi niya akalain na ganoon kalala ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. Mukhang seryoso talaga ito sa lalaki. Umaasa pa rin kahit wala nang dapat pang asahan pa.

Hindi na nito hinintay na makapagsalita pa siya dahil tumakbo na ito palayo sa kanya.

Nagsisi siyang bigla dahil sa mga sinabi niya. Mukhang hindi iyon matanggap ng maayos ni Ivy. Talagang sensitive ito kapag tungkol na kay Cane ang usapan.

Gusto lang naman niya na hindi na umasa si Ivy dahil mukhang wala na ring balak magpakita pa rito ang Cane na iyon. Pero mukhang hindi na nga lang dapat siya nakialam dahil nasaktan lang niya si Ivy...

LUMIPAS PA ANG ILANG ARAW at naging magkaklase sila ni Ivy hanggang sa school. Unang araw din niya sa klase ng araw na iyon pero ni hindi man lang siya nito pinapansin na parang hindi sila magkakilala. Nahihiya naman siya na siya pa ang lumapit dito dahil napagsabihan niya ito nang dahil kay Cane.

Nasa pangalawang row ang upuan ni Ivy habang siya naman ay nasa bandang likuran kaya nakikita niya ang likod nito. Wala itong kasama o ibang kinakausap at madalas ay nakatingin lang sa labas ng bintana.

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon