Chapter 11: Expectation

4.6K 60 29
                                        

CHAPTER 11: Expectation.

Written by: CDLiNKPh

NAGULAT si Cane nang paglabas ng classroom ni Alexa ay hindi nito kasama si Ivy. Kanina pa siya sa labas ng classroom nag-i-i-stalk dahil gusto niyang makita man lang si Ivy sa malayo kahit na hindi niya ito makausap. Pero si Alexa lang ang lumabas at hindi nito kasama ang babae.

Agad siyang lumapit sa babae. Marahil ito na rin ang tamang oras para mag-usap sila nito.

"ALEXA!" Narinig ni Alexa na may tumawag sa pangalan niya. Saktong nakita ng mata niya ang humahabol na si Cane.

Nag-umpisa nang mag-unahan sa pagtakbuhan ang mga daga sa dibdib niya nang makita na papalapit na ang gwapong lalaki. Agad siyang namula kahit wala pa naman itong ginagawa.

Hindi niya alam kung tatakbo na lang ba dahil hindi niya maiwasang hindi kabahan kapag nasa malapit lang ito. At bukod doon ay nangako rin siya kay Ivy na hindi siya makikipag-usap rito pero bakit parang ayaw niyang gawin iyon? Bakit parang gusto niya itong makasama?

"Bakit hindi mo kasama si Ivy? Nasaan siya?" tanong nito.

"Masakit ang ngipin niya kaya hindi siya nakapasok."

"Gano'n ba? Ayos na ba siya? Wala na bang ibang masakit sa kanya?" Parang biglang natarantang tanong nito. Bumakas sa gwapong mukha nito ang matinding pag-alala na ikinataka niya.

Bakit naman mag-aalala ng gano'n si Cane para kay Ivy?

"Okay na naman siguro iyon bukas. Papasok na siya kaya huwag ka nang mag-alala. Tumawag ang mommy niya akin kanina," sabi niya.

Para namang nakahinga ito ng maluwag.

"Pwede ba tayong mag-usap?" seryosong paanyaya nito maya-maya.

"S-sige," nauutal na pagpayag niya.

Oo, alam niyang traydor ang puso niya. Pakiramdam niya, kahit saan siya nito dalhin ay sasama siya.

Humantong sila sa starbucks at doon nag-usap.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang totoong dahilan kung bakit kita niyaya rito ay dahil mayroon akong gustong sabihin sa 'yo," paumpisa ni Cane pagkatapos nitong uminom ng kape.

Ano'ng sasabihin nito? Bakit parang nag-aalangan ito? Magtatapat na kaya ito ng pag-ibig sa kanya? Sasabihin na ba nitong mahal siya nito?

"Ang totoo niyan. M-mahal..."

Ito na, sasabihin na nitong mahal siya nito. Pinikit na niya ang mga mata para damhin ang matagal na niyang gustong marinig sa buong buhay niya. Mararanasan na niyang mapagtapatan ng pag-ibig sa kauna-unahang pagkakataon.

"M-mahal ko si Ivy."

Budoink!

Ano raw? Si Ivy ang mahal nito?!

"Si Ivy ang mahal mo?!" Hindi niya mapigilang hindi masabi iyon ng malakas.

Nagtinginan naman ang mga tao roon sa kanila. Saka siya parang biglang nahiya.

"Bakit? Sino pa ba ang dapat kong mahalin?" nagtatakang tanong nito.

"W-wala. Wala, sige magsalita ka pa," sobrang disappointed na sabi na lang niya. Bagsak ang dalawang balikat at mabigat ang dibdib niya.

Napakatanga niya naman kasi para mag-ilusyon na siya ang gusto nito. Ano naman ang laban niya kung ikukumpara kay Ivy?

Umasa pa siya na kaya siya nito niyaya roon ay dahil siya ang gusto nito. Iyon naman pala ay ang kaibigan na naman niya. Nangyari na naman ang madalas na mangyari. Si Ivy ang nagugustuhan ng mga lalaki at hindi siya.

Napakatanga talaga niya para umasa na mayroong magiging pagbabago pagdating kay Cane.

"Sa tingin ko, mabuti na rin kung ikaw muna ang pagsabihan ko nito dahil ikaw ang pinakamalapit sa kanya. Pasensya ka na pero desperado na kasi ako na makalapit sa kanya. Sa tuwing magkasama kayo ay parang ikaw na lang palagi ang mundo niya at hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon na kausapin siya," sabi nito.

"Paano ka bang nagkagusto kay Ivy? Samantalang hindi naman kayo nag-uusap?" tanong na lang niya. Naisip niya na wala rin namang mangyayari kung magdrama at mag-emote siya sa harapan nito. Siya naman ang may kasalanan na umasa sa wala at nag-assume.

"Kababata ko si Ivy. Nangako kami sa isa't-isa noon na magpapakasal kami paglaki namin. Mga bata pa lang kami ay mahal na namin ang isat-isa pero kinailangan kong umalis kaya naiwan siya rito sa Pilipinas," pagpapaliwanag nito.

Nagulantang siya. Hindi alam kung isa lang bang malaking biro ang narinig. Ito at si Cane na kababata ni Ivy ay iisa?

Agad na siyang tumayo na kinagulat naman ni Cane.

"I'm sorry, Cane pero kung gusto mo lang akong kausapin para sa bagay na iyan ay mabuti pa siguro kung huwag mo na lang akong lalapitan ulit. Huwag na huwag mo na ring tatangkain na kausapin si Ivy dahil masyado mo na siyang sinaktan sa ginawa mo noon," walang anumang sabi niya.

"Nasaktan? Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.

Hindi niya ito sinagot at sa halip ay umalis na lang siya sa harapan nito.

Hindi na niya gustong marinig ang lahat ng idadahilan nito kung sakaling malaman nito ang totoo dahil siguradong masasaktan lang siya kapag kinuwento nito kung paano nitong kamahal si Ivy at ayaw din niyang pagtaksilan ang kaibigan.

Pero sinundan pa rin pala siya ng lalaki hanggang sa labas. Ang akala pa naman niya ay hindi na siya nito hahabulin. Nahawakan nito ang braso niya at napaharap siya rito. Malapit na malapit na ngayon ang mga mukha nila.

At muli, hindi na naman niya naiwasan ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mukha nito. Tumitibok talaga iyon ng malakas para kay Cane.

"Kailangan mong sabihin sa akin kung ano ang nangyari kay Ivy. Kailangang malaman ko kung bakit hindi na niya suot iyong hikaw na ibinigay ko sa kanya noong mga bata pa kami. Please, Alexa? Nagmamakaawa ako sa 'yo. Gusto kong maintindihan si Ivy. Gusto kong malaman kung bakit parang hindi na niya ako naaalala." Halos nangingilid na ang luha sa mga mata ni Cane. Para bang hirap na hirap na ito sa mga nangyayari.

At doon ay wala na rin siyang magawa. Sasabihin na niya rito ang katotohanan. 

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon