CHAPTER 9: That Idiot, Luke.

5K 61 39
                                        

CHAPTER 9: That Idiot, Luke.

Written by: CDLiNKPh

"Mag-usap tayo," sabi ni Luke kay Cane sa seryosong tinig.

Napaatras siya. Parang gusto niyang kilabutan sa tono ng pananalita nito.

Nakorner siya nito sa pader kaya hindi na siya makaalis. Saka parang akmang ilalapit ni Luke ang mukha nito sa mukha niya.

Pinagpapawisan na ng malamig si Cane habang papalapit ang mukha ni Luke. Ano'ng planong gawin ng hayop na to?

"Ha-ha-ha!!!" Saka bumungwalit ng tawa ang nang-aasar na si Luke.

Naidilat ni Cane ang mga mata niya at nakita niya kung paanong halos gumulong na sa lupa sa kakatawa ang siraulong si Luke.

Saka niya narealize na naisahan siya ng siraulong lalaki.

"Talagang naniniwala ka talaga na hahalikan kita, ha? Bakla ka ba?" Naiiyak na sa kakatawa ang lalaking blonde.

Siya naman ang lumapit dito.

Nahinto ito sa pagtawa saka isang malakas na sipa sa tiyan nito ang ibinigay niya. Bahagya itong napadapa.

"'Yan ang napapala ng siraulong katulad mo. Huwag na huwag mo na akong lalapitan kung ayaw mong mamatay!" Nandidilat pa ang mga mata niya.

Ang lakas ng loob nitong gulatin siya ng ganoon. Sa tanang buhay niya ay hindi pa niya pinagdududahan ang pagkalalaki niya.

Aalis na sana siya nang bigla siya nitong sinundan at inakbayan pa habang tumatawa.

"Ikaw naman, Cane, hindi ka naman mabiro! Paano kang magugustuhan ni Ivy niyan kung napakaseryoso mo?" nakangiting sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

Binalibag niya ito ulit. Ano pang silbi ng pagiging black belter niya sa Judo kung hindi niya magagawang mapalayo ang isang pesteng katulad nito?

"Aray naman, Cane! Masyado kang mainit! Baka naman kapag nilapitan ka ni Ivy ay saktan mo rin siya!" Sa kabila ng ginawa niya ay nakangiti pa rin ito na parang tanga.

Amazing. Para itong male version ni Ivy noon. Kahit ano'ng gawin niyang pag-iwas ay nginingitian pa rin siya.

"Hindi mo na problema kung paano kong mapapaibig sa akin si Ivy. Basta ayaw ko lang na may mga langaw na hahara-harang sa daanan ko dahil ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa 'yo na pumapatay ako ng peste," ngising demonyo na sabi niya.

"E, hindi naman ako ang kaaway mo, e! Kung tutuusin nga, dapat ay magtulungan pa tayo," nakatawa pa ring sabi nito.

Ano bang klaseng katawan mayroon ito? Nabalibag na niya ay nagagawa pa ring ngumiti.

"Wala akong balak makipagtulungan sa 'yo," supladong sabi niya saka tumalikod na ulit.

"Teka, teka Cane! Sa tingin ko ay hindi naman tayo dapat nag-aaway, e! Dapat na magkakampi pa tayo dahil pareho tayong in love kay Ivy! Saka magkaklase tayo, magkasama pa sa team. Dapat ay maging magkaibigan tayo," patuloy pa rin itong nagsasalita kahit na naglalakad na sila.

"Hindi ka talaga titigil? Gusto mong hindi ka na datnan ng umaga bukas?" Pagharap niya rito ay naitutok na niya ang kahoy na hawak niya na napulot lang niya sa kung saan.

Napataas naman ang dalawang kamay nito na parang hinoholdap.

"Bro, cool ka lang! Marami akong alam kina Ivy at Alexa! Pwede kong sabihin sa 'yo kaysa naman palagi ka na lang nakatanghod mula sa malayo na parang asong ulol," natatawa pa ring sabi nito.

Itinapon na niya ang kahoy sa kung saan. Para talaga itong male version ni Ivy. Ganon din kakulit.

"Okay, sige. Magsalita ka. Siguraduhin mo lang na may katuturan 'yang sasabihin mo kung ayaw mong mamatay." Saka niya ito binigyan ng masamang tingin.

Pinunasan nito ng panyo ang pawis nito sa noo saka nagsalita.

"Alam mo kasi Cane, hindi ako ang kalaban mo rito kundi si Alexa. Kung tutuusin, pareho lang naman tayo ng lagay. Hindi natin malapitan si Ivy dahil do'n kay Alexa," umpisang sabi nito.

"'Yan na ba ang gusto mong sabihin? Tonto ka nga. Kailangan pa bang sabihin ang isang bagay na obvious naman?" hindi makapaniwalang sabi niya. Mukhang talagang nag-aaksaya lang siya ng oras sa pakikipag-usap dito.

"Hindi mo naiintindihan. May plano ako kaya pwede bang makinig ka muna?"

"Alam ko na 'yang plano mo. Kahit uhuging bata ay makikita kung ano ang naglalaro riyan sa inaagiw mo na yatang utak. Gusto mo na ligawan ko si Alexa para mawalan na siya ng oras para kay Ivy at kapag kami na ng babaeng iyon ay saka ka naman papasok sa eksena para unahan ako kay Ivy. Hunghang! Hindi ako ganon katanga para malaglag sa trick mong pang grade one!" nababagot na sabi niya.

Natulala ito saka nagbigay ng ngiti na caught in the act.

"Paano mong nalaman?" Hindi na rin makatangging tanong nito.

"Tanga! Halata naman! Kung gusto mong magkaroon ng pag-asa kay Ivy ay gumawa ka ng sarili mong paraan. Patunayan mo sa akin na karapat-dapat ka para maging karibal ko sa kanya," sabi nya.

"Kaso ginawa ko na 'yun, eh. Binigyan ko ng kablind date noon si Alexa kaso nagalit naman sa akin si Ivy," napapakamot sa ulong sabi nito.

"Hindi ako makapaniwalang cassanova ang bansag sa 'yo sa school na to. Ang pangit ng mga tactics mo!" pambabara niya.

"E, ano nga kasing gagawin ko? Kanina na nga lang ako kinausap ulit ni Ivy kaso parang ginawa lang niya iyon para galitin ka," pagrereklamo nito.

Natigilan siya.

Bakit nga ba biglang pinansin ni Ivy si Luke para lang inisin siya? Hindi kaya may gusto na rin ito sa kanya?Bakit kasi ang bobo nito, e. Kung naaalala lang sana siya nito e, 'di sana wala nang problema. Kaso, ni hindi nito naaalala man lang ang mukha niya. Kaya panigurado na pati ang pangako nila sa isat-isa na magpapakasal sila paglaki nila ay kinalimutan na rin nito. Bukod doon, ang hikaw na ibinigay niya rito noon ay hindi na rin nito suot. Mukhang talagang hindi na siya nag-e-exist pa sa mundo ni Ivy. Sa tuwing naiisip niya iyon ay sumisikip ang dibdib niya sa sobrang lungkot.

Umalis na siya at hindi na pinansin si Luke kahit nagsasalita pa ito. Wala rin namang silbi kausapin ito. Mas maigi pa na kausapin na lang niya ang sarili niya kaysa may kausap nga siya ay katulad naman ni Luke.

Plano niya na puntahan ang kinaroroonan ni Ivy. Hahanapin niya ito. Kailangang sabihin na niya kay Ivy kung sino siya. Kailangang magpakilala na siya rito na siya ang kababata nito noon na pumunta sa Japan at nang-iwan dito. Wala na siyang pakialam ngayon kahit hindi pa nito naaalala ang nakaraan nila. Basta ang importante lang sa kanya ay nasabi na niya rito kung sino talaga siya nang sa ganon ay wala na rin siyang pagsisihan pa. Kahit na hindi pa siya ang gusto nito ngayon ay gagawin niya ang lahat para mapaalala rito na minsan din siya nitong minahal. 

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon