CHAPTER 16: Change Of Heart.

4.8K 53 20
                                        

CHAPTER 16: Change Of Heart.

Written by: CDLiNKPh

Ngayon naman siguro ay alam mo na kung bakit hindi mo pwedeng sabihin kay Ivy na ikaw ang Cane na kababata niya noon na nag-iwan sa kanya." Matapos maikwento ni Alexa kay Cane ang lahat-lahat ng nangyari noong bata pa sila ni Ivy ay iyon na agad ang unang lumabas sa bibig niya.

"Pero isang malaking misunderstanding ang nangyari. Unfair sa akin ito! Ang akala ni Ivy ay niloko ko siya kaya hindi na ako nagpakita sa kanya. Noong araw na iyon na dapat ay magkikita na kami ay pasakay na sana ako ng eroplano ng biglang tumawag ang mga maids sa bahay namin at sinabing naaksidente nga si mama. She is the only family that I have and I can't afford to lose her. At isa pa, after what happened ay bumalik din naman ako rito sa Pilipinas pero bigla na lang silang nawala sa dati nilang tinitirhan. I don't even know their telephone number! Inilayo ninyo sa akin si Ivy!" panunumbat ni Cane.

Tama ito. Noong bumalik ito sa hometown nila ay nakausap pa ito ng ina niya. Nagkataon na nasa bakasyon sila noon ni Ivy at sumama ang tiyan ng nanay niya kaya hindi ito nakasama. Hindi naman talaga lumipat ng bahay sina Ivy. Nagsinungaling na lang ang nanay niya para umalis noon si Cane. Alam niya dahil naikwento nito iyon sa kanila. Hindi na bumalik ulit noon si Cane kaya akala nila ay talagang wala na ito.

"Walang sumisisi sa 'yo dahil alam naman ng mama mismo ni Ivy kung ano ang totoo pero no'ng mga oras na iyon ay hindi namin pwedeng sabihin kay Ivy ang lahat dahil baka lalo lang siyang mag-alala sa kalagayan mo. Hindi siya pwedeng mastress, Cane. At kahit na hindi mo pa kasalanan, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay sa sakit sa puso noon. At ayaw na ulit mangyari iyon ng mama ni Ivy. Alam ng mama niya na kapag nagmahal si Ivy ay binibigay niya ang lahat-lahat at halos sa tao nang iyon umiikot ang mundo niya. Kaya naman gano'n din kasakit para sa kanya kapag nawala sa kanya ang taong mahal niya. Parang ikaw, Cane. Mahal na mahal ka niya noon kaya iyon din mismo ang kinakatakot ng mama niya. Ayaw niya na lapitan mo pa ulit ang anak niya," sabi pa ni Alexa.

"No! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag na manatiling masama sa paningin ni Ivy! Mahal ko siya, naiintindihan mo?!" pagmamatigas ni Cane.

"That's why you have to do this for her! Maniwala ka sa akin, Cane, hindi makakabuti para sa kanya kung lalapitan mo pa siya ngayon. Malalim ang galit niya sa 'yo at kaunting sama ng loob lang ang ibigay mo sa kanya ay maaari na niya iyong ikapanghina. Kaya please lang, huwag mo na siyang lapitan. Umalis ka na lang ulit. Bumalik ka na lang ulit sa Japan kung gusto mo!" Doon na napagsigaw si Alexa habang may luhang tumutulo sa mga mata niya.

Natigilan si Cane sa nakita sa mukha niya at alam niya na kahit ito ay hindi na rin alam ang gagawin. Mahal nito si Ivy pero ni hindi ito maaaring lumapit sa babae.

Siya naman ay ang bigat-bigat ng nararamdaman ng mga sandaling iyon. Hindi na niya alam kung sino ang pipiliin.

Ang bestfriend ba niya o ang lalaking mahal niya?

Alam niya na hindi lang dahil sa ayaw niyang may mangyaring masama ulit kay Ivy kaya niya sinabihan si Cane na layuan na si Ivy.

Alam niya na ang pagmamahal niya para rito at ang pagiging makasarili rin niya ang isa sa dahilan kung bakit ayaw niya na magpaliwanag na si Cane kay Ivy. Dahil kapag nagpaliwanag si Cane kay Ivy at mapatunayan nito na wala itong kasalanan ay siguradong magbabati rin ang mga ito at pagkatapos noon ay magiging magkasintahan. Ibig sabihin lang niyon ay dalawang taong mahalaga para sa kanya ang mawawala sa kanya. Ang bestfriend niya at ang lalaking mahal niya...

At kapag masaya na ang mga ito ay maiiwan siya sa ere. Malungkot at nag-iisa...

SAMANTALA...

Hmp! Taksil ka, Alexa! Nawala lang ako sandali, sumama ka na agad sa kabayo!

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon