CHAPTER 8: Another Nuisance?
Written by: CDLiNKPh
IBINIGAY NA NI IVY ang lahat ng katarayang itinatago niya sa irap na iyon. Akala yata ng panget na Cane na iyon ay pati siya ay natutuwa rito. Para lang itong bakulaw na naglalaro ng basketball sa harapan niya. Wala itong kagwapo-gwapo sa paningin niya!
Kunware suplado pero alam niya na tuwang-tuwa ito sa atensyon na binibigay ng mga fan girls nito rito. Nararamdaman niya, palihim na narcissistic ang lalaking iyon. Halata naman sa kilos na masyadong gwapong-gwapo sa sarili.
Sa totoo lang ay kanina pa nga niya gustong umalis sa gym, e. Kundi lang talaga nakabantay ang PE teacher nila ay aalis na sana talaga siya. Binantaan kasi sila nito na lalagyan ng minus ang grade nila kapag hindi sila nanood ng game. Fan na fan kasi ito ng basketball team kahit may edad na ito. Kaya pati tuloy sila ay dinadamay sa panonood para raw pagpapakita ng suporta.
Nakikita niya rin kanina pa na nagniningning ang mga mata ng teacher nila lalo na kapag nakakashoot ng bola si Cane. Mukhang kahit na may edad na ito ay kinikilig pa rin ito sa mga katulad ni Cane na sa paningin niya ay mukha namang bakulaw na ang tangi lang hangad ay agawin si Alexa sa kanya!
Itinuon na lang niya ang tingin niya sa prinsepe niya. At nagulat siya nang makitang heart shape na rin ang mga mata nito habang sinusundan ang paggalaw ng lalaking kinaiinisan niya.
"Alexa!" pagtawag niya sa pangalan nito.
Pero okupado na ang atensyon nito at parang lumilipad na rin ang utak. Ni wala nang pakialam kahit na nasa tabi lang siya nito!
"Hmp!" Napa-pout si Ivy. Naiinis na talaga siya!
"Alexa!" muling pagtawag niya.
Natauhan ito bigla at biglang pumutok ang heart shape sa mata nito at ibinalik ang poise.
"H-ha? Bakit?" Kunwari ay tanong nito na ibinalik ang kaseryosohan ng mukha.
"Hmp! Hindi mo talaga ako naririnig kapag nakatingin ka na sa Cane na iyon! May gusto ka na talaga sa kanya, 'no?!" panghuhuli niya rito.
"Ako? May gusto sa kanya? Wala 'no!" deny to death na sabi nito.
"Dapat lang! Dahil hindi ako papayag, hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya! Akin ka lang, Alexa!" inis na inis na sabi niya.
Medyo natigilan ito sa sinabi niya pero bago pa ito tuluyang makasagot ay isa na namang nakakabinging tilian ang narinig nila mula sa crowd.
Napabalik ang tingin niya sa ring.
Kaya naman pala. Nakashoot na naman pala ng bola ang lalakeng panget!
Nakangisi pa ito na parang aso. Halatang tuwang-tuwa ito na maraming kinikilig na babae rito. Feeling siguro nito ay nagningning ang katawan nito nang dahil sa kagwapuhan!
Kaya wala pa man ay inis na inis na siya rito, e. Ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ng lalaki iyong malalakas ang bilib sa sarili. Alam naman niya na may karapatan na magyabang ang Cane na iyon pero naiinis pa rin siya dahil conceited ito.
Ang nakakainis lang, mukhang crush na crush ito ni Alexa. Ngayon lang niya nakita na nagkaganoon ang prinsepe niya kaya hindi siya papayag!
"Hmp! Ano bang ginagawa ni Luke?"
Hinanap niya ng tingin ang kababata. At nakita niya ito na parang down na down. Kahit kasi nakakapuntos din naman ito ay hindi ganon kalakas ang reaction mula sa crowd katulad ng kapag si Cane ang nakakapuntos.
SAMANTALA, sinuguro naman ni Cane na ipinakita niya ang pinakamagandang ngiti niya sa crowd. Alam niya na tinitingnan siya ni Ivy kaya kailangan na mas lalo pa siyang maging gwapo sa paningin nito.
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love (Completed)
Novela JuvenilIsang pag-ibig na nag-umpisa sa isang inosenteng pag-ibigan simula pa lamang sa pagkabata. Pero paano kung mawala na lang bigla ang isa sa kanila? May pag-asa pa bang mabalik ang pag-ibig na napunta na sa iba?
