Chapter 10: Toothache

4.7K 55 32
                                        

CHAPTER 10: Toothache.

Written by: CDLiNKPh

"Magandang umaga, Tita, nandiyan pa rin po ba si Ivy?" tanong ni Alexa sa mommy ni Ivy nang papasok na siya sa bahay ng mga ito.

Ganon din naman kasi sa kanila ni Ivy. Welcome sila sa bahay ng isat-isa na para bang parte na sila ng pamilya.

"Naku, masakit ang ngipin, e. Kaya baka hindi siya makapasok ngayon. Akayatin mo na nga sa taas," pagbibigay pahintulot sa kanya ng mama nito.

Kaya naman pala halos male-late na sila ay hindi pa ito pumupunta sa bahay nila. Ito kasi ang madalas na nauunang sumundo sa kanya at sabay pa silang pumapasok papuntang school.

Umakyat na siya sa kwarto ni Ivy. Napailing na lang siya sa nakitang kakalatan ng kwarto nito. Ano pa nga ba ang maaasahan niya rito? Hindi naman ito naging masipag kahit na kailan.

Mahimbing na natutulog ito habang yakap-yakap pa ang picture frame nilang dalawa. Napangiti na rin siya kahit papaano dahil sa kasweetan nito.

Inayos lang niya ang pagkakakumot nito nang pagtalikod niya ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya.

"Oh, akala ko tulog ka?" nakangiting tanong niya sa kaibigan.

Gusto ko sanang pumasok. Kaso ang sakit-sakit ng ngipin ko, e. Iyong director kasi no'ng commercial na ginawa ko kahapon ay nakailang take pa bago makuntento ron sa ginawa ko. Ang sakit-sakit tuloy ng ngipin ko ngayon. Ang dami-daming kong kinain na chocolate!" pagrereklamo nito na mangiyak-ngiyak na.

Natawa naman siya sa cute na reaction nito. Para talaga itong bata.

"Dapat kasi, nagtooth brush ka," pang-aasar niya rito.

"Ginawa ko naman 'yun, e! Kaso, kung ikaw ang kakain ng maraming-maraming chocolate, imposibleng hindi talaga sumakit ang ngipin mo. Sa tingin ko, talagang may galit sa akin ang director na 'yun! Nakakainis siya!" muling pagrereklamo nito.

Pinitik lang niya ang noo nito. "Huwag ka nang magreklamo, Ivy. Pasalamat ka pa nga at may trabaho ka. Samantalang ako, ni hindi man lang naranasan na makuha sa mga commercial dahil hindi naman ako kasing cute mo! Magpahinga ka na lang dito, okay?" natatawang sabi niya.

"Hindi, ayoko! Papasok na lang ako, Alexa!" sabi nito saka akmang babangon pero pinigilan niya ang mukha nito kaya bumagsak ulit ito sa kama.

"Hindi ka papasok, okay? Baka mamaya ay doon ka pa mamilipit sa sakit. Kapag nangyari iyon ay sa clinic din naman ang bagsak mo. Magpahinga ka na lang muna rito, okay?" determinadong sabi niya.

Nag-anyo itong parang nagtatampo.

"O, anong problema ro'n, Ivy? Kahit naman pumapasok ka ay hindi ka rin naman nakikinig madalas sa mga teachers. Hindi ka rin nagsusulat. Huwag kang mag-alala dahil pahihiramin naman kita ng notes mamaya," sabi niya rito nang hindi na ito nagsalita.

"Hindi naman 'yun, e." Nag-pout pa si Ivy. Isa sa pinakacute na look nito kapag nagtatampo.

"Oh, eh, ano?" nagtatakang tanong niya.

"Baka kasi kapag hindi ako pumasok ngayon ay bigla mong makita si Cane pagkatapos ay magdate pa kayo. Baka mamaya ay samantalahin mo ang pagkakataon na hindi mo ako kasama para makipagdate sa kanya. Kapag nangyari iyon ay baka magkagusto ka na talaga sa kanya." Nag-teary eyes na naman si Ivy.

Natawa tuloy siya nang makita ang expression ng mukha nito. Para itong pusa na takot maagawan ng amo.

"Alam mo, Ivy ikaw, ang cute-cute mo talaga!" natatawang sabi niya na kinurot pa ang pisngi nito.

"Aww! Masakit ang ngipin ko, Alexa!" pagrereklamo nito.

Bigla tuloy niya itong nabitawan. "Ay, sorry naman, nakalimutan ko," muling pagtawa niya. "Huwag ka nang mag-alala, okay? Sa tingin ko naman ay malabong lapitan pa ako ni Cane. Ngayon pa na andami-andami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya? Baka nga pinagtitripan lang ako noong bago pa lang siya sa school. Sino ba naman kasi ang lalaking hahalikan at magkakagusto sa isang babaeng katulad ko na ngayon-ngayon lang niya nakilala?"

"Kahit na, hindi ka pa rin dapat na magtitiwala sa lalaking iyon! Mukha pa lang niya ay mukhang hindi na mapagkakatiwalaan!" mapait na sabi nito.

"Sabihin mo nga sa akin, Ivy. Baka naman kaya ayaw mo akong magkagusto sa kanya ay dahil naaalala mo sa kanya ang dati mong kababata na kapangalan din niya?" panghuhuli niya rito.

Natigilan naman ito. Para bang tamang-tama sa sinabi niya.

"Matutulog na ako, Alexa. Balik ka na lang dito ulit mamaya, ha? Baka kasi malate ka pa. Sige," pag-iwas nito sa usapan na parang nawalan ng gana saka ulit humiga at nagtulakbong ng kumot.

Napabuntong-hininga siya.

Walang duda na ayaw pa ring ungkatin ni Ivy ang tungkol sa bagay na iyon hanggang ngayon.

8. Innocent Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon