CHAPTER 17: FriendShip Over.
Written by: CDLiNKPh
Bumangon si Alexa sa pagkakahiga sa kama. Kagabi ay iyak siya nang iyak kaya naman hindi na siya nagtataka kung namumugto na ngayon ang mga mata niya.
Iniyakan niya nang husto si Cane. Katulad din ng ginawang pag-iyak ni Ivy noon para rito. Pinilit niyang ilabas lahat ng sama ng loob niya kagabi. Lahat ng sakit na naramdaman niya no'ng sinabi ni Cane na mahal nito si Ivy at hindi siya. Iniyakan din niya ang katangahan niya dahil inisip niya pa man din na siya na ang pagtatapatan nito pero hindi pala.
Ang tanga-tanga talaga niya. Sino ba namang lalaki ang pipili sa kanya kung ipantatapat siya kay Ivy? Kung ikukumpara sa kaibigan niya ay walang-wala siya.
Ang sakit-sakit. Kahit iniyak na niya lahat kagabi ay para bang hindi pa rin niyon napagagaan ang loob niya. Inaasahan niya na mawawala na iyon kinabukasan at makakalimutan niya ang lahat ng nangyari. Pero bakit ganoon? Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat pa rin ng dibdib niya. Sariwa pa rin ang sakit sa puso niya
Nang makarinig siya nang sunod-sunod na katok mula sa pinto.
"Alexa! Alexa! Pasok na tayo, dali!" Malakas na sabi ng nasa labas. Boses iyon ni Ivy.
Agad siyang tumayo mula sa kama at tiningnan ang mukha sa salamin. Hindi naman pala namumugto ang mga mata niya. Hindi na rin gaanong mapula iyon. Pero hindi niya maibalik ang ningning sa mga mata niya. Sinubukan niyang ngumiti sa harap ng salamin pero nagmukha lang iyong fake dahil malumbay ang mga mata niya.
"Alexa, bakit ang tagal mong magbukas ng pinto?" nagrereklamo ng sabi ni Ivy mula sa labas ng pinto.
Binuksan na niya ito.
"Alexa!" masiglang sigaw nito saka siya sinugod ng yakap. "Namiss kita! Bakit ba iniwan mo ako sa mall kahapon? Hindi mo tuloy ako nasamahan bumili ng teady bear saka ng bagong damit. Tingnan mo ito, oh! Ibinili kita ng stuffed toys! Tada!" Masaya nitong inilabas ang teddy bear mula sa bag na dala nito kahit na hindi siya nagsasalita.
"Sige, ilagay mo na lang diyan. Maliligo lang ako sandali," walang kagana-ganang sagot niya saka na umalis sa harapan nito at pumunta ng banyo.
Nagtaka man si Ivy ay binalewala na lang nito ang kilos ng kaibigan at nilaro-laro na lang muna ang stuffed toy na binili para kay Alexa.
Si Alexa naman, habang nasa CR ay napapabuntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit pero nong niyakap siya ni Ivy kanina ay parang bigla siyang nairita. Parang bigla siyang nawalan ng gana rito. Parang bang wala na iyong pakiramdam na gusto niya itong protektahan o masaya siya na kasama ito. Para bang ngayon ay naiinis na siya sa presensiya nito.
Umiling siya. Dapat niyang alisin sa sistema niya ang pakiramdam na iyon. Magkaibigan sila ni Ivy at higit na mas matagal kaysa sa pagkakakilala niya kay Cane. Kaya naman hindi sila pwedeng magkagalit nang dahil lang sa iisang lalaki. Hindi siya dapat na magdamdam dito dahil lang ito ang gusto ni Cane at hindi siya.
PAGDATING NILA SA SCHOOL.
As usual, para na namang tukong nakakapit sa braso ni Alexa si Ivy. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha nito habang si Alexa naman ay parang may dark aura sa paligid nito.
Kinikilabutan na nga ang mga taong nakatingin sa kanila dahil magkasalungat ang mga aura nila. Isang nakakasilaw na liwanag mula kay Ivy at isa namang nakakapanlumong kadiliman mula kay Alexa.
Umupo na ang dalawa.
"Alexa, diyan ka na lang, ha? Ako na ang bibili ng pagkain natin, ililibre kita!" nakangiting sabi ni Ivy.
Tumango na lang si Alexa. Wala pa ring ganang makipag-usap dito, pero syempre, hindi iyon pansin ni Ivy. Masyado siguro siya nitong mahal kaya hindi nito napapansin kahit wala siyang ganang makipag-usap dito.
BINABASA MO ANG
8. Innocent Love (Completed)
TienerfictieIsang pag-ibig na nag-umpisa sa isang inosenteng pag-ibigan simula pa lamang sa pagkabata. Pero paano kung mawala na lang bigla ang isa sa kanila? May pag-asa pa bang mabalik ang pag-ibig na napunta na sa iba?
