Chatper 1

202 7 0
                                    

"Before the day of my 2nd life in 1989"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Before the day of my 2nd life in 1989"

(Isang araw, taong 1989, may isang bata na nagngangalang Buboy na nakatira sa isang isla sa probinsya ng Pangasinan, Philippines. Siya ay kasalukuyang nasa antas ng ika-apat na baitang. Si Buboy ay mabuting bata ngunit may isa siyang ugali na hindi kanais-nais para sa kanyang mga magulang.)

Aling Pising:
Anak, nakiki-usap ako sa'yo, kumain ka naman ng gulay, hindi 'yung puro sahog, kaya ka lumalaki masyado eh, walang tumutunaw ng taba sa katawan mo, hindi ka na-dedetoxify.

Buboy:
Mama naman eh nasusuka po ako.

Aling Pising:
Anak naman, wala tayong ibang ulam ngayon. Saka gabi na at maputik na sa daan. Umuulan pa oh! Saka wala pa ang Kuya Dexter mo para mautusan na bumili ng ibang ulam sa tindahan.

Dexter:
Ok lang 'yan Ma, may dala naman po akong bangus oh! Sariwang-sariwa pa, kakahuli ko lang gamit ang lambat ko! Haha!

Buboy:
Yehey! Nandito na si kuya Dexter!

Dexter:
Mano po.

Aling Pising:
Aba'y...pagpalain ka ng Diyos anak.

Mang Boots:
I'm home! Haha!

Buboy:
Papa!

Dexter:
Pa!

Aling Pising:
Ay salamat sa Diyos at ok lang ang tsonggo ko. Tara kain na tayo.

Mang Boots:
Ako pa tsongga?! Syempre malakas ata 'to.

Mmm... Naka-abot ako ng hapunan ah.

(Simple lamang ang buhay ng pamilya nila Buboy. Ang ina ni Buboy na si Aling Pising ay tindera ng gulay sa kanilang bayan. Ang ama naman ni Buboy na si Mang Boots ay namamasada naman ng pangpasaherong bangka. Ang kuya Dexter naman ni Buboy, na kasalukuyang tumigil sa pag-aaral pagkatapos gumuraduate ng high school ay isang full time na mangingisda ngayon.)

(Lunchbreak sa school...)

Buboy:
Pwe! Pwe!

Tol, gusto mo ng pakbet?

Marco:
Wow! 'Yan ang gusto ko sayo eh, pakbet everyday!

(Iniabot ni Buboy ang kanyang lunchbox na may ulam na pinakbet na gulay kay Marco para ipatikim ito sakanya.)

Marco:
Mmm! Sarap! Oh heto, gusto mo palitan ko ulam mo ng hotdog at fried chicken?!

Buboy:
Wow! Tol Marco! Kaya kita best friend eh! Ang bait-bait mo! Hindi ka madamot kahit ang mamahal nitong ulam mo!

Marco:
Naku, 'kaw talaga, wala 'yun 'tol. Ano? Palit na tayo ng lunch box? Hehe.

Buboy:
Ok sige 'tol, haha.

Veggie UltraWhere stories live. Discover now