Chapter 9

26 1 0
                                    

USB Killer...

(Present time...Habang umuulan ng malakas...Sa bahay nila Marco...)

Marco:
'Tol, sinusundo ka na ng tsiks mo, hehe...

Buboy:
Anong tsiks?!! Kahit kailan 'di ako papatol sa malditang 'yan!

Precious:
Mr. Boyet Kokakola?!! Ano ba?! Male-late na tayo sa school! Saka palakas na ng palakas ang ulan!

Buboy:
Oo! Nandiyan na!

(Kasalukuyang magkaklase sina Buboy at Precious sa ika walong baitang sa Veda Science School...)

(Sa labas ng gate ng Veda Science School...)

Guard:
Ano ba naman kayo? Mga wala ba kayong facebook? Kagabi pa in-announce na walang pasok ngayon!

Buboy:
Wala po akong facebook manong guard...
(Sabay tungo ni Buboy na tila nalulungkot...)

Guard:
Kung ganon, gumawa ka na ng facebook mo ngayon ha?!

Buboy:
Sige po manong guard...

Precious:
Kawawang bata, walang facebook.
(Iiling-iling na sabi ni Precious...)

Buboy:
Naku! Angkay Precious! Baka brownout na sa bahay ni Marco! Wala ng libreng wifi! Haha!

Precious:
Aww! Hanap tayo ng magandang pwesto pagkatapos gumamit na lang tayo ng portal papunta sa bahay ni Marco!

Buboy:
Ok! Nice! Tara!

(Sa bahay ni Marco...)

Precious:
Hi Marco! Akala ko brownout na! Wala  kaming pasok! Pakonek naman sa wifi oh? Hehe...

Marco:
Oo sige sige...

Buboy:
Yeah boy... No sweat na naman ang pag-uwi ko, libre teleport, hehehe...
(Kausap ang sarili sa isip...)

(Makalipas ang isang oras...)

Precious:
Waaaaah!!! Bakit nawala ang net?!!! 'Di ako makapag-browse sa facebook!!!

(Sa kabilang dako naman ng sala sa bahay nila Marco ay nanunood si Buboy sa bandang likuran ni Marco habang naglalaro siya ng Moba game sa kanyang desktop computer...)

Buboy:
Oh my gulay tinapay!!! Gg ka na 'tol!!!

Marco:
Hindi maaari! Bababa ang rank ko! Waaah!

Precious:
Nawala din connection mo Marco? Teka, silipin ko 'yung ibang internet shop kung wala din silang internet connection!

Marco:
Ok sige nga, paki tignan mo nga Precious para malaman natin...

(Makalipas ang ilang minuto...)

Precious:
Grabe! Lahat ng net shop dito sa bayan ng Veda walang net!
(Hingal na hingal na sabi ni Precious...)

Marco:
Oh? Ganun ba? Sige gusto niyo kain muna tayo sa Kainan ni Mang Santiago habang hinihintay bumalik 'yung internet connection?

Buboy:
Ano naman ang kakainin natin?

Marco:
Ahh, shawarma???

Precious:
Specialty namin 'yun! Hehe...

Buboy:
Shawarma? Tapos sakin nanaman lahat ng gulay? Ok! Very good!

Marco:
Ganun talaga 'tol, 'wag kang magtampo ha? Haha!!!

Precious:
Pwede mo bang dalhin 'yung pocket wifi mo Marco? Nandoon kasi laptop ko, baka sakali kasing magkaroon na ulit ng internet, hehe...

Veggie UltraWhere stories live. Discover now