Chapter 5

31 1 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Kainan ni Mang Santiago, the epic night"


(Kainan ni Mang Santiago, sa bayan ng Veda, taong 2016)

Buboy:
Hay, gutom na ako, ang tagal naman kasi umuwi ni 'tol Marco, makakain nga muna dito sa kainan ni Mang Santiago.

(Pagkaupo ni Buboy sa Kainan ni Mang Santiago ay inabutan agad siya ng menu ng isang waitress)

Waitress:
Magandang gabi po sir, ano po ang order nila?

Buboy:
Ahh, ahh, gu-gu-gulay po...

Waitress:
Ano pong gulay sir?

Buboy:
Ahhh, eh, ikaw?

Waitress:
Ako? Mukha po ba akong gulay sir? Ahaha!


Buboy:
Ah, ikaw na po bahala angkay...
(Ang salitang angkay ay salitang Bolinao na ang ibig sabihin ay ate o kaya kuya, ang mga taong kilala na gumagamit ng salitang Bolinao sa Pilipinas ay ang mga taong naninirahan sa Bolinao at Anda, Pangasinan.)

(Sabay tingin ni Buboy sa name tag ng waitress)

Ahm, angkay Precious? Ikaw na po ang bahala basta isang order lang po ng gulay at isang order lang din po ng kanin, hehehe.

Precious:
Ah, ok po sir, BRB!

Buboy:
BRB?

Precious:
Ahm, be right back po sir, hehehe.

Buboy:
Ohhh, 'yon pala 'yon, haha!


Teka, parang pamilyar sa akin ang itsura niya, saan ko na nga ba siya nakita? May ka-boses ipis siya eh... Hmm...
(Kausap ang sarili sa isip habang tila gulat na tinititigan si Precious)

Precious:
Ano ba naman 'yung bata na 'yun? Parang manyakis. Grabe pa kung makatitig, mukang mangangain ng tao, hayy...
(Kausap ang sarili sa isip habang papunta ng kusina)

Mang Santiago:
Anak, mukhang may bumabagabag sayo ah?
(Nakangiting sabi kay Precious)

Precious:
Uncle Santiago, tignan mo po 'yung customer doon oh? Grabe kasi kung makatitig sa'kin.

Mang Santiago:
Eh bakit ka nangingiti? Haha! Type ka lang n'yun, type mo rin siguro siya, haha!

Precious:
Ikaw naman uncle, hindi ah!
(Sabay talikod kay Mang Santiago pero namumula mula ang kanyang mukha sabay hawi sa kanyang bangs)

(Makalipas ang ilang sandali...)

Mang Santiago:
Oh, heto anak, ito na po ang order ninyo, please enjoy your meal.
(Nakangiting sabi kay Buboy)

Buboy:
Ahh, manong, nasaan na po si angkay Precious?

Mang Santiago:
Ah, medyo naprepressure kasi siya ngayon sa kusina, kaya ako muna ang nag-serve sayo anak.
(Nakangiting sabi kay Buboy)

Veggie UltraWhere stories live. Discover now