Chapter 4

27 2 0
                                    

"Happy New Year Buboy, The Veggie Ultra"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Happy New Year Buboy, The Veggie Ultra"


(Makati... Taong 2016)

Veggie Ultra:
Waaaaaaah!

Dalagitang Babae:
Waaaaah! 'Yung bata! 'Yung bata! Sa tabi ng kalsada! Tatamaan na! Activate battle gear!

(Lumabas si Veggie Ultra sa isang portal sa tabi ng kalsada at tatamaan na niya ang isang batang babaeng naglalakad sa side walk nang biglang may nag-teleport sa harap niyang isang dalagitang babae na nag-transform ng ala itsurang ninja na may hawak na dalawang arnis at sinalubong niya si Veggie Ultra upang ilihis siya ng direksyon. Silang dalawa ay sumalpok sa isang construction site na walang mga sibilyan na tao.)

Dalagitang Babae:
Aray ko!!! Kakakaligo ko lang ang dumi ko na agad! Badtrip!

Veggie Ultra:
Ouchy!!!

Dalagitang Babae:
Hoy! Ikaw bata! Sino ka?!!! Bulag ka ba?! 'Di mo ba nakikita na may bata kang mabubunggo kaka-hover board mo? Magpraktis ka sa walang maraming tao! 'Wag ka dito!

Veggie Ultra:
Opo! Opo! Sorry po... 'Di ko po sinasadya ate...

Dalagitang Babae:
Sorry ka diyan! Uwi ka na! Uwi!

Veggie Ultra:
Ahh... Teka sandali! Nasaan ba ako? Anong oras na ba?

Dalagitang Babae:
F.Y.I! Nandito ka po sa Makati! Alas dos ng hapon, December 3, 2016! Oh? Masaya ka na? Sige gorabels na ko, baboosh!
(Sabay lakad papalayo)

Veggie Ultra:
2016?!!! Gorabels? Teka! Ate!! Ano po ang pangalan mo?!

Dalagitang Babae:
Blitz! Call me Blitz!
(Sabay takbo na nag-teteleport sa layo na tig-limang metro na layo.)

Veggie Ultra:
Teka! Ate! Waaaaah! Bakit 'yun? Bakit may powers siya? Saka bakit hindi siya nasugatan at nabalian ng buto eh samantalang ang lakas ng salpok namin dito sa mga bakal at sementong pader?

(Sabay tingin ni Veggie Ultra sa durog durog na pader at bali baling bakal.)

Veggie Ultra:
Ageh!!
(Gulat na sabi)

Construction Worker:
Hoy! Anong ginagawa mo dito?! Bakit kayo naninira dito? Bayaran niyo ang sinira niyo!

Veggie Ultra:
Ah kuya! This is a government project sabi sa karatula oh! Taong bayan po na nag-bubuwis ang nagbabayad po dito kaya ok lang po! Bata pa lang po ako! Walang trabaho at TIN number!

Construction Worker:
Aba?! Sasagot ka pa?! Guard!! Guard!!! Huliin ang bata!!!

Veggie Ultra:
What the?!!!! Wahh! Activate Travel Mode!!!
(Sabay paandar ng mabilis sa hover board para tumakas.)

Ano ba 'to? Nasaan ba ko? Bakit kakaiba ang lahat? Ang lalaki ng mga t.v. at nasa mga building lang na malalaki? Naku! Naloko na! Taong 2016 na pala ngayon! Nasa future ako! Kelangan ko muna umuwi sa amin! Battle Gear, paki-turo ang destinasyon mula dito hanggang sa bahay namin sa Pangasinan!

Veggie UltraWhere stories live. Discover now