Chapter 2

63 6 0
                                    

"Reminiscence"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Reminiscence"

(Vannah Universe's Multi - Universal Council Meeting)

Ambassadress of Higher Gaia Universe:
Lower Gaian ambassador, alam mo na siguro kung bakit tayo nandirito ngayon... hmm.

Lower Gaian Universe ambassador:
Oo, ang anomaly sa lower gaia, na-detect din namin.

Inaasahan ko na talagang mangyayari ito, pagkatapos ng napakahabang panahon ng katahimikan sa lahat ng kalawakan.

Gigas Brutum Universe ambassador:
LG ambassador! Oo! Inaasahan na talagang mangyayari ito dahil sa kapabayaan mo!

Kung hindi kayo nagnasang tapusin ng madalian ang giyera sa underworld, hindi mangyayari ito!

Vannah Universe Supreme Leader:
Paki-usap, tama na ang sisihan!

(Pagkatapos magsalita ng Vannah Universe Supreme Leader, biglang lumiwanag sa isang tabi at may nagpakitang lumiliwanag na lalaking anghel, siya ang ambassador ng Archemuna Universe.)

Archemuna Universe ambassador:
Huwag kayong mag-alala, tulad ng kasunduan, kami ay makikipagtulungan sa pagkumpiska nito. Wala namang may gusto na maging banta ito sa lahat ng kalawakan.

Gigas Brutum Universe ambassador:
Hmm, buti naman kung ganun.

Kampante na 'ko.

(Piggy Island, Earth.)

Buboy:
Kuya...
(Namamaos ang kanyang boses dahil kakagising lang.)

Umaga na pala at mukhang iniwan na ako ni kuya.

(Sa laot.)

Mang Boots:
Buboy!!! Dexter!!!

Buboy:
Ooops! Si papa 'yun ah!

Papa! Nandito po ako!

Hala, dinala naman 'ata ni papa ang buong barangay.

(Kasama ni Mang Boots ang lahat ng kanyang kaibigan at tanod sa kanilang barangay upang hanapin ang kanyang mga anak. Buong gabi na nilang hinahanap ang dalawang magkapatid sa loob ng kanilang barangay ngunit hindi nila talaga makita ang dalawa.

At dahil sumikat na ang araw, napagpasiyahan na nilang puntahan isa-isa ang mga katabing isla ng kanilang barangay.)

Mang Boots:
Mga kasama! Sa banda roon!

Paki-sundan ang boses na 'yun!

Sa tingin ko boses ni Buboy 'yun!

Tanod:
Pare! May bilugan na bata doon!

Sa tingin ko! Si Buboy na 'yon!
(Nakaturo at nakatanaw sa dalampasigan ng Piggy Island habang nagsasalita.)

(Mangiyak-iyak sa tuwa si Mang Boots habang tumatakbong sinasalubong si Buboy sabay yakap ng mahigpit dahil sa pagkawili sa anak.)

Veggie UltraWhere stories live. Discover now