Chapter 3

51 4 0
                                    

"My Last Supper In 1989"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"My Last Supper In 1989"

(Vannah Universe's Mega Space Settlement)

Sophia:
Ambassador, maaabutan pa kaya nating deactivated ang "Ultimate Battle Gear"?

Lower Gaia Ambassador:
Oo, basta't 'di ito alam i-activate ng bagong host.

Sophia:
Host? Ano po ang ibig sabihin niyon?

Lower Gaia Ambassador:
Isang parasite ang battle gear.

Sophia:
Hala! Saka bakit po tayo lang ang pinapapunta ng Vannah's Universal Council sa Earth?

Lower Gaia Ambassador:
Huwag kang mag-alala, meron tayong isang kasama.

Sophia:
Isa lang po ambassador? Bakit?

Lower Gaia Ambassador:
Dahil sapat na ang isang anghel para sa misyon na ito.

Sophia:
Naks! Ito na 'ata ang pinaka-magaan kong misyon ambassador! Haha!

Lower Gaia Ambassador:
Life and death na kasi nang lahat ng universe ang nakasalalay dito Sophia kaya ganun talaga.

Sophia:
Grabe talaga ang Battle Gear na 'yun, kinakatakutan ng lahat ah!

(Earth...

7 am...

Nagpaalam na agad si Buboy na pumasok sa paaralan upang makadaan muna saglit sa bahay nila Marco.)

Buboy:
'Tol! 'Tolll!!! 'Tol! Marco!
(Pasigaw na tinatawag ang kaibigan sa harapan ng kanilang gate.)

Marco:
Sandali lang... Nandiyan na...
(Sabay bukas ng gate.)

Oh? 'Tol kamusta? Nag-jojogging ka na ngayon ah? Bagong buhay?

Buboy:
'Tol, may importante akong sasabihin sa'yo, ok lang ba?
(Hinihingal habang kausap si Marco.)

Marco:
Oh sige 'tol, halika, pumasok ka muna.

Dr. Marcelo:
Oh, napasyal ka Buboy, kumain ka na ba?

Tamang-tama, sabay ka na lang samin ni Marco papuntang school ha.

Buboy:
Naku! Salamat po dok ha, mukang masarap po ang almusal ninyo pero busog pa po ako dok, naparami din po kasi ang kain ko kanina sa bahay, hihi.

Dr. Marcelo:
Oh siya, sige, mga after 20 minutes, hatid ko na kayo sa school ha?

Buboy:
Opo dok!

Marco:
Opo daddy!

(Sa kwarto ni Marco.)

Marco:
'Tol, ano na 'yong importanteng sasabihin mo?

Veggie UltraWhere stories live. Discover now