Prologue:

56 1 0
                                    

(Present Day)

SD Breaking News Live (Newscaster):
Kasalukuyan pong nagtatakbuhan ang napakaraming tao dito sa Lingayen Beach dahil matapos umanoy naganap ang isang malakas na lindol na umabot sa magnitude 7.5!

Ang epicenter nito ay nasa sentro ng Lingayen Gulf Pangasinan!

Blitz:
Kaasar! Nasaan ka na Buboy?!

SD Breaking News Live (Newscaster):
Binabalaan po ang lahat na magsilikas na ang mga naninirahang pamilya sa tabing dagat upang makaiwas sa sakuna na maaaring idulot ng posibleng tsunami!

Blitz: (Nagsasalita habang gamit ang megaphone)

Halikayo! Sumunod kayong lahat sa akin! Lahat tayo ay tatalon sa swimming pool na ito!

Ginawa kong portal pansamantala ang swimming pool na ito!

Ang kabila ng portal na ito ay patungo sa lawa ng Burnharm Park sa Baguio!

Pero bago kayo tumalon ay alisin niyo muna ang kahit anong gadget na nakadikit sainyong katawan tulad ng cellphone! Basta may circuit board o electronics!

Pagbilang ko ng tatlo saka kayo tumalon pero pakiusap, huwag po tayo magtulakan!

Isa!

Dala!

Isang adult na lalaki:
Tara talon na!

Blitz:
Wah!!!

Mga tao:
Aray! Wah!

(Dahil sa sobrang panic ng mga tao ay nagkaroon ng stampede...)

Blitz:
Sinabi ng huwag magdala ng cellphone dahil maliligaw kayo! Pupunta kayo sa random na lugar sa kalawakan! Sa labas ng Earth!

(Sabay dial ni Blitz sa cellphone...)

Blitz: Uncle Santiago?! Nasaan na po si Buboy!?

Uncle Santiago:
Isang putahe na lang daw, lalarga na siya ineng...

Blitz:
Hay naku! Kaloka talaga siya!

Buboy:
Mang Santiago, relax lang po kamo, isang mangkok na lang pinakbet na gulay na lang daw ang kailangan ko sabi ng battle gear.

Battle Gear:
That's right!

SD Breaking News Live (Newscaster):
Para sa mga hindi na makakatakbo kagaya ko, mga limang kilometro na lamang at dadapo na sa dalampasigan ang tsunami. Pagpalain ang mga makakaligtas.

Buboy:
Mang Santiago! Game!

Mang Santiago:
Ineng ok na raw, tapos na siya kumain ng gulay.

Blitz:
Salamat Uncle! Marco? Please come in!

Marco:

Yes! Go ahead Precious?!

Blitz:
Rak na! Over!

Marco:
Copy! Ok rak na 'to!

Buboy! Punta ka na dito sa hangar!

Buboy:
Sure 'tol Marco! Haha!

Activate Battle Gear!

Mga tao sa kalsada:
Tignan niyo! Si Veggie Ultra lumabas na siya!

Oo nga! Yehey!

Safe na tayo!

Wooh! Ve! Ggie! Ul! Tra! Ve! Ggie! Ul! Tra!

Isang dalagita:
Pa-autograph naman diyan!

Isang batang lalaki:
Veggie Ultra! Ang astig mo!

Veggie Ultra:
Suuurrre!

Ok! Selfie! Selfie! Smile!

SD Breaking News Live (Newscaster):
Mga kababayan! May balita na nagpakita na umano si Veggie Ultra malapit sa Kainan ni Mang Santiago at kasalukuyan daw na nakikipagseselfie-selfie sa mga tao na tila walang sakunang nagaganap! Trending ang kanyang mga litrato ngayon sa social media!

Marco:
Naku! Ayan nanaman tayo eh! Naloko na!

Blitz:
Marco! Asaan na si Buboy!?

Marco:
Ayon, nakikipag selfie sa mga fans...

Veggie Ultra:
Sige mga fans! 'Wag na kayong mag-alala! Ako na ang bahala sainyo! Haha!

Marco:
Nandito na siya kaloka siya.

Blitz:
Ok good!

Marco:
Buboy, ang portal natin ngayon ay diretso sa epicenter ng lindol. Good luck 'tol!

Veggie Ultra:
Sure! Haha!

(Pagkarating ni Veggie Ultra sa karagatan kung saan naka-locate ang epicenter ng lindol...)

Veggie Ultra:

Activate! Mega force field!

SD Breaking News Live (Newscaster):
Mga kababayan! Ligtas na tayong lahat! Kasalukuyang ikinulong ni Veggie Ultra sa hindi maipaliwanag na ala napakalaking barrier ang tsunami!

At dahil dito! Mukang hindi na aabot sa lupa ang tsunami!

Blitz:
Hay... salamat. Good job...

Veggie UltraWhere stories live. Discover now