Chapter 11

15 1 0
                                    

"The Stalker and the Wafu?"

(4:00 A.M., Sabado... Sa kuwarto ni Precious, bahay nila mang Santiago...)

(Arf! Arf! Arf!)
(Tahol ng aso...)

Precious:
Haist... 'Di na 'ko makatulog tuloy, sino ba 'yung tinatahulan ng mga aso na 'yan?
(Sabay dungaw ni Precious sa kanyang bintana...)

Precious:
Ano 'yun? Bata yata 'yun ah? Sino ba 'yang batang naka-hood na 'yan? Ano ba ang ginagawa niyan sa ganitong oras? Nag-iisa pa siya...
(Nag-activate ng battle gear si Precious at nagtransform bilang si Blitz at sinundan niya ang batang nakita niya dahil na-curious siya dito...)

(Napatigil ang sinusundang bata ni Blitz sa isang bakery at nag-alis ng hood ng kanyang jacket...)

Blitz:
Ngek! Si Buboy lang pala! Badtrip! Makaalis na nga dito! Pagkamalan pa akong stalker niya! Haist!
(Kausap ang sarili sa isip...)

(Laking gulat ni Blitz ng binigyan si Buboy ng isang malaking kahon ng pandesal at isinakay sa bisikleta...)

Buboy:
Sige po boss, 'wag po kayo mag-alala, mabilis ko rin po mauubos ang mga paninda ko, hehe...

May ari ng bakery:
Naku, basta kung hindi na mainit ang mga pandesal mo, bumalik ka na agad dito, 'wag mo nang problemahin kung hindi man maubos ang paninda mo.

Buboy:
Trust me boss, mauubos lahat 'to, haha!

May ari ng bakery:
Sige salamat ha? Mag-iingat ka diyan...

Blitz:
Awww... Si Buboy? Naglalako ng pandesal? Bakit? Hindi ba sapat ang sustento ni Marco sa kanya?
(Kausap ang sarili sa isip...)

(Palihim na sinundan ni Blitz si Buboy sa paglalako niya ng pandesal at wala pang isang oras ay naubos na agad ang kanyang paninda...)

May ari ng bakery:
Oi! Grabe ka, idol ka talaga Buboy! Haha! Oh heto, sweldo mo...

Buboy:
Ayos! Thank you boss!
(Tuwang-tuwa na sabi ni Buboy...)

(Pagkakuha ni Buboy ng kanyang sahod ay dumiretso siya sa isang madilim na eskinita, sinundan siya ng palihim ni Blitz at nakita niyang naglabas si Buboy ng maraming pera sa kanyang bulsa...)

Blitz:
Woah! Nangulping kwarta!
(Woah! Ang daming pera!)
(Kausap ang sarili sa isip...)

(Habang nagbibilang ng pera si Buboy ay gumawa ng maliit na portal si Blitz kung saan kamay lang ang magkakasya. Ang point A ay sa kanyang harap at ang point B naman ay sa likod ni Buboy at palihim na nilagyan ni Blitz ng tracking device with spy microphone si Buboy sa kanyang damit. Makalipas ang ilang sandali ay nag-activate ng battle gear si Buboy sabay nag-invisible...)

Blitz:
Wui! Buti naka-timing ako!!!
(Kausap ang sarili sa isip...)

(Sinundan ni Blitz si Veggie Ultra hanggang makarating sa Veda Detention Center. Sa isang madilim na sulok, bigla na lamang lumabas si Buboy at pumasok sa Veda Detention Center. Nagpaiwan na lamang sa labas si Blitz at pinakikinggan na lamang ng mabuti ang mga lumalabas na tunog galing sa tracking device with spy microphone niya...)

Buboy:
Madam cashier, madam cashier, magandang umaga po. Magde-deposit po ako ng cash pangdagdag credit sa account po ni Boots Kokakola. Pakisabi na lang po na ipinabibigay ni Marco Dela Cruz...

Cashier:
Ok po Mr. Cutie boy, no problem...
(Sabay ngiti kay Buboy...)

Buboy:
Ahehihi... Ikaw din po, ang cute niyo po madam...
(Ngiting-ngiti na sabi ni Buboy...)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Veggie UltraWhere stories live. Discover now