That Zombie Feeling

29 0 0
                                    

Pakiramdam ko para akong nasa Walking Dead,

Na kahit nakahanap na ako ng ligtas na lugar, 

Parang laging may panganib na parating, 

Natatakot na ako ay masaktan mong muli. 

At muli, ako ay lisanin...


Natatakot ako dahil tila ako sinusundan ng lungkot,

Kahit ba napakarami mo nang muli ay ipinangako,

Ang puso ko ay isang zombie, patay na ngunit pilit pa rin,

Humihinga, bumabangon at naglalakad.


Alila ako ng sakit na walang kagalingan,

Ubos na ang luha at 'di na makita ang galit,

Ang tanging ramdam na lamang ay pangamba,

Baka wala na namang patutunguhan, isa na namang malaking kalokohan.


Pilit kong sinasaksak ng paulit-ulit,

Sa aking makulit na kukote lahat lahat ng iyong sinabi,

Na ikaw ay magbabago, na ako na lang ang tanging mahal,

Na ako lang ang tanging mahal at nag-iisa diyan sa iyong puso. 


Pilit kong nililimot ang sakit, baka kasi totoo na,

Pilit kong kinakaya, baka kasi eto na,

Hinahanda ko na ang sariling umasa at maniwala,

Sa isang pang pagkakataon ay mamahalin uli kita.


Photo credit: pascalcampion.blogspot.com 


That Zombie Feeling - A Collection of Poems of an Undiscovered Kikay PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon