Naaalala mo pa ba ang mga panahong,
'Di pa tayo sawa, tayong dalawa lang,
Ay sapat na, noong wala pang iba,
Patawarin mo sana ako kung ako ay,
Nagbago, nag-iba, at laging galit,
Utos dito, utos doon, dumami ang gusto,
Hindi pala dapat pero nabulag ako,
Sa aking sariling pananaw ng pag-ibig,
Naging sarado 'di lang ang mata, pati puso,
Pasensya na dahil kasalanan ko,
Nagawa natin ang 'di dapat,
Hindi lahat ay nabibigyan,
Ng pangalawang pagkakataon pero,
Tayo ay muling mangako,
Na sa bandang huli, ay tayo,
Tayo pa rin hanggang sa huli.
Photo credit: pascalcampion.blogspot.com
BINABASA MO ANG
That Zombie Feeling - A Collection of Poems of an Undiscovered Kikay Poet
PoetryAng mga tulang nakapaloob ay nanggaling sa aking mahiwagang notebook. Ito ang mga tula tungkol sa pag-ibig, na minsan ay masaya, nakakakilig, minsan ay masalimuot at malungkot. Hindi ako nakakapagsulat ng tula kung wala akong pinaghuhugutan, kaya oo...