Heto na tayo, pilit na nagpapa-cool,
Sa katsupoy mong buhok na kay baduy,
No I.D., no entry ang peg ni Manong Guard,
Sa sobrang siga mo, mapapaaway ka Brad.
Time's up, ipasa na ang test papers,
Pakiabot na rin itong aking love letter,
"Can you by my date ngayon JS prom?"
Pasensya na Boyet, naka-yes na ako kay Tom.
'Tol mga aralin mo kaya mo pa ba?
Chemistry, Trigonometry na nakakakaba,
Mga paksang o kay sarap magmura,
Sir, sa tunay na buhay gagamitin ba?
Magmamakaawa sa titser pagkatapos ng klase,
Special project naman Ma'am Trese,
Malamang allowance ang magdurusa,
Kapag lahat ng paraan hindi ginawa.
Panahong 'di matatawaran ang saya,
Alaalang nasa puso't isipan hanggang sa pagtanda,
Maraming nagmamatyag kung ikaw ay ipapasa,
Dito matututong magtiyaga para sa nilaga.
Maraming salamat sa naging karanasan,
Aking pamilya, mga guro at mga kaibigan,
Ako'y handa na sa mas malaking mundo,
Panibagong kabanata at pakikipagsapalaran.
BINABASA MO ANG
That Zombie Feeling - A Collection of Poems of an Undiscovered Kikay Poet
PoetryAng mga tulang nakapaloob ay nanggaling sa aking mahiwagang notebook. Ito ang mga tula tungkol sa pag-ibig, na minsan ay masaya, nakakakilig, minsan ay masalimuot at malungkot. Hindi ako nakakapagsulat ng tula kung wala akong pinaghuhugutan, kaya oo...