Eleven's POV
Hindi ko na sana dapat iyon sinabi... Ayan tuloy nabigla si Harvey at back to being cold na iyon sa akin.. Hindi ko nga rin alam kung pano ko yun nasabi, pero siguro sa tuwa? Nakakatuwa lang kasi first time ko iyon, kung noon ayaw ni Yasmin na sumayaw at makisabay sa trip ko. Ang sarap sa feeling ng may ka laughtrip.
Mailang man siya o hindi basta babanat parin ako ng babanat hanggang sa mapasa akin siya, malay ko makakapag move on na ako kay Yas, masakit man..
"Hoy! Anong balak mong gawin diyan? Magmamaktol?,sa tingin mo makakarating tayo sa mall niyan?" Sigaw ni Harvey, see bitter na naman. Ay oo nga pala noh, niyaya ko siyang mag mall at pumayag naman boring daw kasama ang pinsan at bestfriend niya.
"Yes mam!" Sabi ko sabay salute. Tinaasan naman niya ako ng kilay.. Haayyy kahit kailan talaga."Bakit ayaw mong umuwi?" Tanong ko sakaniya
"Nothing, just don't wanna see them three..." sagot niya at nagpapatuloy sa pag surf ng net.
"Bakit?" Tanong ko na naman at inihinto ang sasakyan. Halata namang medyo nainis siya dahil sa pagbuntong hininga niya. Pero tiningnan ko lang siya na para bang hinihintay ang sagot niya.
" Bata pa ako nun, lagi nalang si Yasmin ang ka kompetensya ko. Palagi akong top 1 kaso siya parin iyong bida kahit top 10 lang. First priority siya ni Dad at favorite chick siya ni mom, habang ako, si Lolo lang ang mayroon na paborito ako. At lahat ng atensyon sa kaniya na. Nung makilala ko si Thirdy binago niya ang buhay ko, pero di sumang ayon si Mom at dahil doon nag rebelde ako. Yung type na para bang wala na akong pamilya pero sanay naman ako dun. Hanggang sa naki saw saw na nga si Yasmin. Naging sila habang ako naiwan sa ere. At higit sa lahat sumang ayon pa si Mom sa relasyon nila..... So I ran away home.... And lived freely than ever... The End!" May halong saya at lungkot niyang sabi sa akin. Grabeh pala ang sakit na dinadanas ni Harvey sa puder ng family niya, at ngayon alam ko na ang feeling ni Thirdy. Kaseh alam ko na rin ang dapat pambawi. Ang hayaan siyang maging masaya kasama ang pinaka mahalagang pangyayari sa buhay ko.Hindi ko na tinuloy ang date namin, si Harvey nga medyo nagtampo pero mag sosorry nalang ako bukas. Sa ngayon dapat ko munang maglaan ng oras para sa sarili ko.
Kasalukuyan akong andito sa playground at nag isip isip.
Si Yasmin ang buhay ko... Ang pangarap, sa lahat ng magagandang regalo na bigay ni Mom at Dad, di bale na iyon basta pagdating kay Yasmin.
Lumaki akong bida, kahit mali nagiging tama. Kaya..... Yasmin pagbibigyan ko si Thirdy. This time ako na naman ang dapat matalo. Kinuha ko iyong box, ang album namin, at binaon ito sa puno... Kasama nito ang alala ko at kasama sa pagbaon nito ay ang aking pusong wasak.
Palakad lakad ako dito sa park.... Kasabay nito ang pag agos ng luha ko sa ulan... Para akong multo na naglalakad sa kawalan.
Siguro etoh na iyong oras para humiling. Sa unang babae na makikita ay ang siyang nakalaan para sa isang tulad ko...
Napa upo at napahintay ako sa kung sino man siya. Halos giniginaw na ako.
Walang dumating pero nag hintay ako nang....
"Tss, bobohan lang? Bakit hindi ka dumiretsyo sa sasakyan mo? Iyon lang oh! Halika nga..." pinatayo niya ako at pinayungan. Agad ko siyang niyakap..
.
.
.
..
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
"Ikaw na nga Harvey!"
BINABASA MO ANG
Ms.Pilosopo Meets Mr. Famous
AcakWhat if Harvey the Maldita/Pilosopa is being courted by Eleven the Mr.Gwapito/Famous? Totally opposite but definetly meant to be, I think..?