Chapter 5: Wag Kang Matakot

93 4 0
                                    

Trevor's POV

Monday na pala ngayon.

Wag nyo ng tanungin ang nangyari kahapon.

Kakaawaan nyo lang ako

>___>

<____<

-_____-

•_____•

Oo na siShare ko na!

*Creepy Flashback*

Sunday na. Umaga naman at tsaka hindi lumalabas sa kwarto si Sadako kaya. Walang kababalaghang nangyari ng lumabas ako ng bahay. Bilin ko naman kay Nanay Fely na sya na munang bahalang umasekaso sa multong iyon.

Dinala ko lang yung mga importante kong gamit para magbar pagkagabi. Trip talaga namin yung lima.

Sige, kasali na si Summer. Kahit na may class kami pagkakinabukasan, wala kaming pakialam. Basta't makatapak lang ako sa bar. Solve na weekend ko.

GTO lang ang dinala kong sasakyan. Gagala lang naman ako eh.

*Sa mansyon ng mga Alvarez*

"Hoy blonde, kambal mo?"untag ko kay Summer na naglalaro ng aso sa salas.

Hindi ko kasi napapansin si Rain. Ibinigay ko naman sa mga katulong ang gamit ko. Bahay to ni Summer at Rain. Regalo ng parents nila noong nagseventeen sila. Kaya dito narin ang isa pa naming tambayan. Actually, sa Hotel kami nina Luke tumatambay minsan, o di kaya sa condo ni Blake at minsan sa bahay ko. Palipat-lipat lang kami ng tambayan. Depende sa matripan.

"Oh? Dyan ka pala?"sinagot naman ako ng tanong nitong si Summer.

Galing ah?

"Tambay muna ako dito. May multo sa bahay eh"

"Tssk! Sana isinama mo si Mary at ng mailabas naman sya at ng mafamiliar na sya sa lugar"

Isama?! Lumayas nga ako sa bahay para hindi magKrus ang landas namin ng impaktang yun eh!

"Tssss. Baka yun lang ang maging dahilan para mabangga ako. Parang may kasama akong Shutter kung ganon!"

"Ang sama talaga ng ugali mo, Yamato"nag-glare pa.

"I know. Wag mo ng ipamukha"

"Bakit?! May mukha kaba?!"kaasar talaga tong syota ni Luke! Minsan lang kasi kami magkasundo nito kasi kontrabida masyado.

"Anong tawag mo sa napakapertong part na ito?" Tinuro ko ang aking gwapong mukha.

Oo! GWAPO! Angal ka?!!

"Mmmmm....pwet?Bwahahahahaha!" Hayyy! Kainis!

Kelangan kong makaganti!

"Eh yung sayo, Summer? Mukha nga. Para namang natadyakan sa stamped, nangudngud sa kanal, nasipa ng pulubi at nag landing sa tae! Ahahahahahahahaha!"nagbago yung ekspresyon ni Summer at...

Umiyak^____^

I'm the winner! Yohooo!!

Yan ang napapala ng mga kontrabida.

"Dude! Nararamdaman ko talaga may nangyari sa kapatid ko na di kaaya-aya eh!"boses ni Rain galing sa labas.

Oh? Andito na pala ang mga dudes ko!

Buti naman. Ang hirap pakisamahan ni Summer.

Pagpasok ng tatlong bisugo sa loob. Medyo nagulat sila sa nakita.

My Pretty Little Scary GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon