ISINUGOD naman ni Xyviel sa pinakamalapit na ospital si Martina. Sobrang nag-aalala naman si Xyviel. But, he was very happy to hear she's pregnant.
Nangyari na nga ang kinatatakutan ng asawa niya. Ang makabuntis siya ng ibang babae.Sapo ni Xyviel ang sariling noo.Labis siyang nag-aalala.Nais na tuloy niyang iwanang mag-isa si Martina sa kinalagyan nitong ospital ngayon at ituloy na lamang ang pag-alis tungong Pilipinas.
He was about to turn his back away from Martina's recovery room when the doctor stops him.
"Excuse me, mister!" tawag ng doctor sa kanya.Kaya natigilan naman sa paglalakad si Xyviel saka humarap sa manggagamot.
"Yes, doc?" he asks.
"Congratulations.." tugon ng doctor. "She's pregnant."
Nagmistulang tambol naman ang dibdib niya sa lakas ng pagkabog nito.He was very happy. Kahit may parte doong nalukungkot."How's she, doc?"
"She's alright.But as her first time in carrying a child, I want you to know that her condition is sensitive.This must be the time for you to support her, emotionally." Anang doctor. Marahan namang tumango si Xyviel.Kinansela na din na muna niya ang nakatakdang pag-alis tungong Pilipinas.
Nagtungo siya sa recovery room kung nasaan si Martina.He saw her sleeping.Mukhang maputla ang dalaga. Naawa siya.He remembers his wife! he remembers Adelle when she was carrying their child back then.
"I wish you were Adelle, but not." Aniya dito.Bigla na lamang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.All these time, he's been looking for a baby maker.A woman who can give him a child. A child whom he know that would make their marriage, lasts forever. And by that thought he realized that he'd hurt his wife badly.
"Viel, andito ka? Hindi mo 'ko iniwan.." sabi ni Martina.
"Martina, I chose to stay for the sake of-"
"Of your child." Pagtatapos ng dalaga sa sasabihin sana ni Xyviel. "Alam ko at masaya na akong marinig yan.Siya naman ang importante di ba?"
"Pananagutan ko ang bata.But I want to take him when he is born." Sabi niya sa dalaga.
"Kukunin mo para magkaanak kayo ng asawa mong baog? Tapos ilalayo niyo sa akin ang anak ko?"
"At ano ba ang binabalak mo? Panagutan kita at iwanan ko ang asawa ko? Over my dead body, Martina!"
Naumid si Martina.Sa paraan kasi ng pagkakasabing iyon ni Xyviel ay mahal na mahal nito ang asawa. And she's helpless.He can't make him feel bad about her.Baka nga tuluyan lamang siya nitong iwan upang makipag-ayos sa sariling asawa.
"Ibibigay ko naman saiyo ang bata, dahil higit kanino man sa ating dalawa ay ikaw ang makaka-pagbigay sa kanya ng magandang buhay.Basta ba ay narito ka sa aking tabi hanggang sa mailuwal ko siya." Sabi ni Martina.Sa paraan kasi ng pagsabi niya ay makikita mo ang sinseridad sa kanyang mga mata.
And Xyviel looks at her so well."You're asking for too much, Martina. " Sabi ni Xyviel.
"Kailangan kita sa tabi ko.I can't stress myself, dahil mai-stress din ang baby natin.Viel, alam kong bayaran lang ang tingin mo sa akin, pero alam mo ba na ang nangyari sa ating dalawa ay isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko? At ang malamang buntis ako ay nagkaroon na ako ng direksyon sa buhay.This child is a blessing." Sabi ni Martina."Gugustuhin mo ba siyang mawala sa atin?"
"Never again, Martina!" medyo nakapagtaas ng boses si Xyviel.Pinamulahan siya ng mukha."Huwag na huwag mong sasabihin sa akin ang bagay na 'yan!" Napatigil naman si Martina.Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang mood ni Xyviel. Nawalan na kaya ito ng anak dati?
BINABASA MO ANG
"That Intimate Affair"
Romance"Pipilitin kong unawain ka, Viel hangga't kaya ko.Hangga't matiis ko pa.Hangga't mahal pa kita.Huwag lang sanang umabot sa sukdulan at pagsisihan ko na minsan sa buhay ko ay minahal kita."