"Ang Kambal"

8.9K 222 0
                                    

DUMATING si Martina sa bahay ni Xyviel.Halos ay mag-eskandalo na ito dahil ayaw papasukin ng mga security guards sa tarangkahan.

"Viel, harapin mo 'ko.Wala ka na bang gagawin sa pagdukot ng asawa mo sa anak natin? Pati batang walang kamuwang-muwang sa mundo ay dinadamay! Gano'n ba kaduwag ang Adelle na 'yon?" nagwawalang sigaw ni Martina sa tarangkahan.

But Xyviel didn't mind her at all.Pinapatulog niya kasi si Paul Andrei sa kanyang mga braso.By knowing her wife, he's certainly sure that Adelle has no bad intention with J.R. Kung bakit kinuha man niya ang bata ay batid niyang may mabigat namang rason.He is so guilty while staring at baby Paul Andrei.The innocent baby, his legal child.

"Daddy will do everything to take your mom back.We will be a happy family in the whole world.I promise to be the best father you may ever need.I'm not perfect, son.But maybe, it was my destiny to go through all these." Sabi ni Xyviel habang isinasayaw-sayaw ang anak.

Nang mapagod sa kakasigaw si Martina ay nagmistula itong kandilang unti-unting nauupos sa lupa.Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit naging gano'n ang trato niya kay baby J.R kanina.She should have not treated him like that.

"J.R, please come back to me.Come back to mommy.." luhaang sabi niya sa sarili.

KANINA pa nagparoo't-parito sa loob ng silid niya si Maila.Kanina pa kasi niya sinusubukang tawagan si Adelle ngunit di niya ito mahagilap.

"Adelle, nasaan ka ba? Nakakabaliw na kasi ang mag-isip tungkol sa isa pang live birth certificate na iniabot ni Danilo kanina eh! I need to talk to you." Sabi ni Maila sa sarili.Buhat din kasi nang makarating sa Italy si Adelle ay di na ito nakatawag pa sa kanya.At ang papeles na natanggap niya kanina ay naging isang malaking katanungan sa utak niya.

Nang magmulat ng mga mata si Adelle ay una niyang nakita ang mga taong nakapalibot sa kinahihigdan niya.Mga taong nakasuot ng mga puting uniporme.

"Congratulazioni per l'operazione e estato stato fatto con successo." Anang doctor na nagbalitang tagumpay ang naging operasyon.

Nakahinga nang maluwag si Adelle nang marinig 'yon. "Grazie e Dio.." aniya sa sariling abot-abot ang pasasalamat sa Diyos.

"Il tuo bambino e'al sicuro e all' interno della sala de rianimazione ora." Anang doctor sa kanya.Nakangiti.

"Voglio vedere il bambino in questo momento". Tugon ni Adelle na nais ngang makita ang baby.

"Certo si puo' vedere il vostro bambino come noivi transferiamo alla sala di risveglio ora.." malumanay na wika ng manggagamot na nagsasabing makikita din niya ang bata dahil ililipat na din siya sa recovery room.

Himbing sa pagtulog si JR.Kung sa nakalipas na ilang oras bago ang operasyon ay nangingitim siya, ngayon naman ay tila nagbalik na sa normal ang kulay nito.Inilapit ng doctor ang sanggol sa kanya.Pinagmasdan niya iyong maigi.Hindi nga maitatangging kapatid ito ni Paul Andrei. Kung hindi siguro iba ang ina ni JR, masasabing kambal ito ng anak niya. Dahil kamukhang-kamukha ito ni Xyviel. Kung hindi lang siguro ito payat, kung hindi lang naging sakitin..

"Paano nga kaya kung pinabayaan na lang kita? Paano kung hinayaan na lang kita sa nanay mong walang kwenta? Magiging kasalanan ko ba kung mawawala ka gayong batid ko na may magagawa pa naman ako?" tanong ni Adelle sa sanggol na nakahiga sa braso niya.Kausap niya ito na wari ay maiintindihan siya.Gusto niyang magalit sa bata.Dahil sa tuwing tinititigan niya ito ay di maalis sa utak niya kung paano nga ba ito binuo nina Martina at Xyviel. Adelle cries again.Gusto niyang ihagis na lamang ang sanggol.Gusto niyang pagsisihan ang pagtulong dito. Pero sa agaw-buhay na hitsura ng sanggol kanina ay habag na habag siya.She close her eyes.Nais niyang isipin na si baby Paul Andrei ang kasama niya at di si JR. Nagising ang sanggol! Umiyak itong wari ay nagugutom.Naisip niya, si Paul Andrei kaya ay kumusta na? Di nga ba ito ginutom ni Xyviel?

"That Intimate Affair"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon