"Love's Worth to Win the Fight"

16.3K 377 28
                                    

NABITAWAN naman ni Adelle ang hawak na cellphone nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog!

"Ang mga bata! Diyos ko!" tarantang sabi ni Adelle. Lalo na nang maalala ang mga sinabi ni Maila kanina. Agad na sinugod ni Adelle ang pinto.Nang pihitin niya ang seradura ng pinto ay bigla naman iyong bumukas! At ganon na lamang ang gulat ni Adelle nang makita si Rex na hawak sina JR at Paul Andrei.

"Ano ang ibig nitong sabihin, Rex?" ani Adelle na talagang kinakabahan.

"Malas mo Adelle dahil naging asawa ka ni Xyviel! Pasensya ka na kung bakit ikaw at ang mga bata ang kailangang managot sa lahat ng 'to. "

"Ano ba ang kasalanan ni Viel saiyo? Best friend ka ng asawa ko. Ano ba ang problema mo? Bakit pati mga bata ay idadamay mo?" sabi ni Adelle at pinipilit niyang agawin mula rito ang mga bata.

"Bestfriend ko siya noon. No'ong buhay pa si Nathalie.Noong hindi pa niya naging biktima ang kaisa-isa kong kapatid! Pinatay ng asawa mo ang kapatid ko Adelle!" galit na sabi ni Rex.

"Hindi mamamatay-tao ang asawa ko, Rex! Wala nga siyang kaalam-alam na kapatid mo si Nathalie. Kasalanan ng kapatid mo kung bakit siya namatay! Dahil nagpakamatay siya! Huwag na huwag mong idadamay ang mga bata.Hindi naman sila ang involved sa pagpapakamatay ng kapatid mo!"

"Ikaw at ang mga bata'ng 'to ang napakahalaga sa buhay ni Xyviel, maliban sa kanyang Papa.Kaya batid kong mamamatay din siya sa sama ng loob kapag nabalitaan na lang niyang wala na kayo!"

"Bakit, Rex? Ikaw din ba ang pumaslang kay don Gustavo?" nanggigigil na tanong ni Adelle.Saka naman niya narinig na humalakhak si Rex.

"Biruin mo, nahulaan mo Adelle! Bilib na bilib na ako saiyo!" ani Rex."Here is Xyviel's children. Or should I say ang kambal ninyong anak!" sabi pa ni Rex na humahalakhak.

"Ano'ng sinabi mo?" Tanong na paniniguro ni Adelle.Dinig na dinig naman niya si Maila kanina sa phone, kaya alam niyang di siya dinadaya ng pandinig niya.

"You heard me, Adelle.Kung inaakala monng anak ni Xyviel sa labas si JR, well you're wrong! Ikaw mismo ang nagluwal sa batang 'to. Sa batang alam kong kinamuhian mo.Dahil batid mong anak siya sa pagkakasala!"

"Napakahayop mo, Rex! Sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit ka narito? At kung bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yan?" ani Adelle na naluluha na.Kaya pala.. Kaya pala kahit gaano niya gustong magalit kay JR ay di niya 'yon magawa-gawa.Lukso ng dugo pala ang tawag do'n.

"Dahil nahuli na ng mga tauhan ko sa Pilipinas ang nagmamagaling mo'ng asawa! Pahihirapan ko siya kaya kayo na mismo ng mga anak niyo ang uunahin ko, naiintindihan mo?" ani Rex at ibinigay ni Rex ang kambal kay Adelle.Saka nito dinukot sa tagiliran ng pantalon ang kanyang baril. At nang matapos niyang ikasa ay itinutok sa ulo ni Adelle. "Ano kayang magandang kamatayan ang maaari kong ipataw sa inyo, huh?"

"Rex, nakikiusap ako, please! Huwag mo naman idamay ang mga anak ko.Wala silang kamuwang-muwang sa mundo.They don't deserve this! Kung sa akin ka galit o kay Viel.Kami na lang.Huwag sila." Nagsusumamong sabi ni Adelle.

"Don't worry, Adelle.Dahil sa impyerno ay magiging one big happy family pa din kayo kasama ng panganay niyong anak!" tumatawang sabi ni Rex, saka ini-on ang timer ng bombang ikinabit sa silid mismo nina Adelle. "You heard me right, Adelle.I was the one who's responsible of losing your supposedly first child.Sinira ko ang brake ng kotseng sinakyan mo dahil alam kong tatakas ka upang magpa-ultrasound. At ako din ang nagset-up kay Xyviel upang kunwari ay may business meeting siya sa Venice.Maybe, he had an instinct that something wrong might happen kaya biglaan din siyang umatras sa business meeting na gaganapin sa Venice. Fortunately, iyon din pala ang maging lead upang mawala na rin ang dinadala mo at para kamuhian ka niya. Nagtagumpay ako, Adelle.And I've convinced too many obygynes para magpanggap na di na kayo muling mangkakaanak pa. And gave you a wrong medicines."

"That Intimate Affair"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon