"YOU are trying to rob me in broad daylight!" nanlalaki ang matang wika ni Claire ang taxi driver.
Kumunot ang noo ng taxi driver. Halatang lalo nitong hindi naintindihan ang sinabi niya ngunit hindi pa siya tapos.
"You open the trunk. I am not paying you!" aniya. Dahil hindi sila nagkakaintindihan nito, kung saan-saan sila napunta. Umabot na tuloy ng magkano ang patak ng metro.
"You pay, I open trunk," matapang na wika ng taxi driver.
Pinamaywangan niya ito. Lalo nitong pinapainit ang ulo niya. Habang sakay siya ng taxi, tinawagan siya ni Lui. At tulad ng inaasahan niya, hindi naging maganda ang pinatunguhan ng pag-uusap nila. Paulit-ulit kasi nitong sinasabi na nagsasayang lang siya ng oras sa pinuntahan niya.
If there was anything she was most serious about, it was her job. At ngayong pinapakialam iyon ni Lui, naiirita siya. Bakit ba kung umasta kasi ito ay tila pag-aari na siya?
Gutom na siya. Inis na inis siya na hindi niya nasabi kay Lui ang lahat ng gusto niyang sabihin. Sinipa niya ang tagiliran ng taxi.
Nanlaki ang mata ng driver. "Now I call police!" sigaw nito. Yumuko ito at sinipat ang bahaging tinadyakan niya.
"Then call the friggin' police!" galit ring pakli niya. Sigurado siyang bina-bluff lang siya nito. "Sino'ng tinakot mo?"
Ngunit nang makita niyang inilabas nito ang cellphone nito at nag-dial na ito, nangilabot siya. Base sa hitsura nito, seryoso ito sa binabalak. Ipapupulis nga siya!
Kung ano'ng kaso, hindi niya alam. Wala siyang alam sa batas sa Thailand. Paano kung makulong siya? Malaking eskandalo kapag nagkataon. Binuksan niya ang bag niya at hinanap niya ang wallet niya. "I'll just pay you and you can go to hell!"
"No, I call police!"
Nalaglag ang mga balikat niya. Hinang-hinang hinarap niya ito. "Look," aniya. "I'm tired and I'm having a bad day," mahinahon nang wika niya.
Hindi makakatulong sa gobyernong binabato na ng kung anu-anong batikos kung mapapasama pa siya sa mga nagkakalat ng eskandalo. Parang nakikini-kinita na niya ang headline sa broadsheet na "Palace aide insults Thai cab driver," o kung sa tabloid, "Ghostwriter sa palasyo, timbog sa Bangkok." Pagpipiyestahan siya sa mga social networking sites. Magkakaroon ng hate pages laban sa kanya. She's dead meat. Sira ang career niyang nagsisimula pa lang.
Lalo siyang malalagot kapag nalaman ng press na fiancée siya ng presidential son. Wala na siyang mukhang ihaharap sa presidente kapag nagkataon. She had to admit, that being the girlfriend, and now the fiancée, of the presidential son had its perks. Ngunit marami ring disadvantages. Kagaya kanina na kahit tama siya, hindi niya maipaglaban ang karapatan niya dahil sa takot na maeskandalo.
"Is everything okay?"
Napapitlag siya nang marinig ang boses mula sa likuran niya. Lumingon siya. It was the sinfully gorgeous man at the airport.
Tinanggal nito ang aviator sunglasses nito.
And she, once more, found herself staring at the most fascinating eyes she had ever seen. Deep set, dark, kind.
Bago pa siya makapagsalita, inunahan na siya ng taxi driver. "Crazy woman, she kick my taxi," wika ng taxi driver. "I call police!"
Napamura siya. Tagalog.
Nilingon siya ng lumapit na lalaki. "Ang lutong n'on ah!" anito na bahagyang natawa.
BINABASA MO ANG
When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012)
RomanceNang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito pa...