Chapter 10

8K 161 2
                                    

BAHAGYANG kumunot ang noo ni Claire nang tumunog ang doorbell sa condo unit niya. Sa pagkakaalam niya ay alas-siyete pa ng gabi ang estimated time of arrival ng flight ni Macoy. Wala pang alas-sais. Nag-suggest siya kahapon na sunduin na lang ito sa airport ngunit tumanggi ito. Mapapagod lang daw siya.

"You have to conserve your energy, babe. We have a lot of catching up to do," anito kahapon na nagpainit ng husto sa pisngi niya.

Dapat ay kahapon pa ito dumating ngunit dahil may kung anong ritwal pa itong kinailangan gawin sa libing ni Tum. Nauna na daw na umuwi ang kaibigan nitong si Jed kahapon dahil sa importanteng meeting.

Apat na araw na ito doon at missed na missed na niya ito. Ayon dito, dadaanan na lang daw siya nito ngayon at magdi-dinner daw sila sa Thai-rant. Doon na lang niya ikukuwento na nakapaghain na siya ng resignation niya.

Nakapagtatakang tila napakaluwag na sa dibdib niyang tanggapin na iiwan na niya ang trabaho niya. Nang mga nakaraang araw, kapag kinukulit siya ni Lui tungkol sa trabaho niya, tila ba pakiramdam niya ay katapusan na ng mundo kapag sinunod niya ang gusto nito. Ngunit ngayon, napagtanto niyang may buhay pagkatapos ng pagiging speechwriter. Mag-aaral na lang muna siguro siya. Kukuha na siya ng Law.

Tila may pakpak ang mga paang tinungo niya ang pinto. Marahil gusto lang siyang sorpresahin ni Macoy. Ngiting-ngiting binuksan niya iyon. Ngunit agad na napalis ang ngiti niya nang makita kung sino ang nakatayo doon.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Lui?" Pilit niyang pinantay ang boses niya.

Ngumiti ito. "Don 't worry, Claire. Hindi ako magtatagal," anito. "Kukunin ko lang sana 'yong blueprint."

Hindi niya maiwasang magtaka sa ikinikilos nito. At alam niya kung bakit. Dahil hindi masasabing naging maganda ang paghihiwalay nila. But she brushed the thought aside. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maghiwalay sila bilang magkaibigan. "U-upo ka muna," aniya. Kinuha niya sa kuwarto ang blueprint.

"Thanks," anito nang iabot niya iyon dito. Binuklat nito ang plano bago tila nanghihinayang na umiling.

Mula nang ibigay nito iyon sa kanya, hindi pa niya iyon nabubuklat. Nasilip niya ang plano. Villa Madriaga. How ingenous. Akala pa naman niya ay Claire's Paradise or something more personal kung hindi man ganoon ka-cheesy. Regalo daw sa kanya, eh.

Not that it mattered.

Hindi siya marunong magbasa niyon pero masasabi niyang malaki ang bahay. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalan ng architect. Jedi Jalandoni. Parang pamilyar. Nagkibit siya ng balikat. She must had been thinking of Star Wars.

Noon napako ang mga mata niya sa kasunod na pangalan. Kumunot ang noo niya. Ilang civil engineer sa Pilipinas ang may pangalang Ferdinand Marcos S. Cortez? Nalilitong tiningnan niya si Lui.

Nakangisi ito. "You like what you see, Claire?"

There must be a mistake. Pero malinaw ang nasa harapan niya. Ang Villa Madriaga ang tinutukoy ni Macoy na malaking proyekto nito.

"I knew something was wrong the moment Jed Jalandoni told me they could not push through with the project. A few phone calls to the right people, and I got my answer. Ang kaibigan niya ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan."

Umawang ang mga labi niya ngunit wala siyang maapuhap na sasabihin. Umayaw sina Macoy sa proyekto? Bakit?

"Umayaw sila Claire, dahil sa 'yo," ani Lui na tila ba nabasa kung ano ang katanungang nasa utak niya.

When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon