"YOU actually dated a five-foot, eleven-inch guy in faded blue jeans with a Kobold Phantom Black Ops Chrono on a Zulu Strap in Bangkok?" luwa ang matang wika kay Claire ni Helga. "Oh, my God, may dahilan nga talaga si Lui na awayin si AMT na pinaalis ka nang mag-isa!"
She made a face. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Helga?" aniya. But she knew exactly what Helga meant. Ganoon ba siya ka-transparent at napakadali nitong nabasa ang nararamdaman niya? "Those were just a friendly dates! And who said anything about a Kobold Phantom chuchu whatever the hell that is?"
Natawa si Helga. "'Yon ang lumabas sa detailed description mo sa suot na watch ng friend mo," anito na pinakawit ang mga daliri nito nang banggitin nito ang salitang "friend" na tila ba nilalagyan nito iyon ng quotaton marks. "And did you just say 'dates'? Dates? May 's' Claire?"
She almost rolled her eyes. Bakit ba niya kasi naikuwento pa dito si Macoy? Kung bakit ba naman kasi parang sasabog ang dibdib niya kapag hindi niya nailabas iyon. "At kailan ka pa naging expert sa mga relo?" tanong niya na kunwa'y hindi pinansin ang huling sinabi nito.
"Remember no'ng nag-US state visit? I met this Navy SEAL 'di ba? Ganoon 'yong watch niya. Lalaking-lalaki, Claire. OMG, kainis ka, naalala ko tuloy."
"Ang landi mo, Helga!"
Umayos ito ng upo. "So, ano talaga ang nangyari sa Bangkok? You sound so defensive kasi. Don't worry, hindi ko sasabihin kahit kanino."
Umiling siya. "Wala nga," aniya. Ngunit sa sandaling sinabi niya iyon tila lumutang ang puso niya. She was once again transported back in time. Nang mga sandaling yakap siya ni Macoy. Nang gagapin nito ang kamay niya. Nang muntik siya nitong halikan. And the realization that she so badly wanted the kiss.
It had been two weeks but she could still feel the tender way he held her hand, her waist, her chin...
Pinigilan niya ang mapapikit.
There was no use telling Helga about that.
"Nasaan na ngayon ang sexy na lalaki na 'yan na mas guwapo kapag hindi nag-ahit ng isang araw?"
Pati ba iyon ay nabanggit niya? Baka nga. Napasimangot siya. Todo-todo na ang panunudyo sa kanya ni Helga. "I dunno," kibit-balikat niya. She stried so hard to show nonchalance.
Totoo ba ang sinasabi ni Helga? Na-describe ba niya ang kaliit-liitang detalye tungkol kay Macoy? Parang nga yata. Hanggang ngayon kasi ay tila kitang-kita pa niya ito sa balintataw niya.
"Wala kang balak na makipagkita?"
"Wala!" singhal niya. "At kung meron man, hindi dahil tulad ng iniisip mo. Magkaibigan lang kami."
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "You practically described every inch of that gorgeous man with that animated look in your eyes, tapos ngayon sasabihin mo sa akin na magkaibigan lang kayo? Akala ko nga tutulo ang laway mo any moment eh."
Hinampas niya ito. "Gaga ka na, Helga! I'm engaged to be married. Ano ang akala mo sa 'kin?" Sa sandaling nasabi niya iyon, gusto na niyang maiyak. Someone had just confirmed her biggest fear – that her attraction to Mac was so much more than what she had thought.
"Hay naku, Claire, I could not blame you, girl. Kung ako man, maku-curious talaga ako. Walang-wala ang mamahalin pero boring na Rolex ni Lui sa sexy na Kobold niyang naka-'dates' mo."
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, ngayon lang siya nakarinig na pinagkumpara ang personalidad ng dalawang tao sa pamamagitan ng suot na relo. But she had to admit, the watch strapped on Mac's wrist was something. It told a lot about the man. Adventurous, reliable and yes... sexy.
BINABASA MO ANG
When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012)
RomansNang magpunta si Claire sa Bangkok dahil sa trabaho niya, hindi niya inakala na makakatagpo siya roon ng isang lalaki na gaya ni Macoy. He was the most indulgent man she had ever met. Pinasasaya siya nito kahit sa mumunting bagay na ginagawa nito pa...