Chapter 3

8.5K 206 2
                                    

NAPANGITI si Macoy nang makitang pumasok si Claire sa pintuan ng hotel. Sa buong buhay niya, hindi niya kahit kailan naisip na posibleng maging sexy ang isang babae sa itim na slacks at long-sleeved blouse na hanggang kalahati yata ng leeg ang tila matigas na collar. He was so used to dating scantily dressed girls that he never actually paid much attention to women who were dressed in business suits.

And how in the world did Claire manage to look so fresh at past five in the afternoon? Kung hindi lang marahil sa pagpilig-pilig nito sa ulo nito na tila pinapawi ang ngalay ay aakalain niyang kakagaling lang nito mula sa isang relaxing bubble bath.

Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang handle ng laptop bag nito. "Let me help you with that," aniya.

Napapitlag ito ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang magtama ang mga mata nila. "Hi, Mac!" anito. Pinabayaan siya nitong kunin mula sa balikat nito ang strap ng laptop bag.

Pinigilan niya ang mapasinghap. Claire was so close he could practically taste the sweetness of her scent. "Hi, Claire," he managed to say. Ginantihan niya ang matamis na ngiti nito.

Even without the high heels, the top of her head would still reach his nose. Just the right height. Base sa experience niya, alam niyang tama lang ang ganoon height ng babae para hindi siya mangawit habang hinahalikan ito.

Napalunok siya. Pinigilan niya ang sariling mapatingin sa mga labi nito. Baka kung ano ang magawa niya. Sa mata nito na lang siya tumingin. It was even a bigger mistake. There was nothing unusual about the shape and the color of her eyes. Almond and black. He once dated a girl with blue eyes. Ngunit may kakaiba sa mga mata ni Claire. Tila nanunuot iyon sa kaluluwa niya. Pakiramdam niya ay nababasa nito ang iniisip niya.

Tumikhim siya. "M-may gagawin ka mamaya?" tanong niya bago pinindot ang up button ng elevator.

Napailing ito. "Obviously, that was an invitation to go somewhere," anito. "Sumama lang ako mag-dinner nawili ka naman."

Nakamot niya ang batok niya. This was what he did not like about women in their late twenties. Opinionated na masyado ang mga ito.

Pero hindi siya ang tipo ng tao na madaling mapasuko. Teenager man o career women, pareho lang ang weakness ng mga ito. And he knew what it was. Men who knew how to make them special. "May ibinigay kasing tickets kanina 'yong kaibigan ko para sa Siam Niramit. Sayang naman."

Kumunot ang noo nito. "Ano 'yon?"

"It's a stage play about Thai culture." Ngumiti siya. "I'm sure pag-akyat mo ng kuwarto mo, manonood ka lang naman ng TV. Why not try to do something..." nag-isip siya ng word. "Something cultural?"

Ipinilig nito ang ulo nito. Tila nag-isip.

Would she say say "yes?" Sana. He was not at all hopeful that she would agree to go with him. Sa natatandaan niya hindi pa siya nagdasal nang ganito katindi.

Ngumiti ito. "Sabagay, the dinner last night was superb, maybe that stage play would even be better," anito.

"Is that a 'yes,' then?"

Tumango ito.

He beamed. "The show starts at eight."

"IT'S something I will never forget," sabi kay Macoy ni Claire nang papasok na sila sa entrance ng hotel. "So colorful, so beautiful..." para pa ring nangagarap na wika nito.

Napangiti siya. The show, indeed, was spectacular. State of the art ang teknolohiyang ginamit sa special effects.

Tandang-tanda pa niya kung paano ito namangha dahil tila totoo ang ilog sa stage kung saan namamangka ang mga actors. And seeing that look on her face was priceless. "I'm glad you liked it," aniya. Siya man ay nagustuhan din ang pinanood niya - ang pinanood niyang magandang mukha nito. Bagay na bagay sa cheekbones nito ang maliit ngunit matangos na ilong nito. And her lips...

When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon