Chapter 6

6.9K 177 1
                                    

TINITIGAN ni Claire ang shot glass na hawak niya. Nasa isang resto-bar siya sa Antipolo. Sa sobrang layo at liit niyon, alam niyang walang magagawi doon na makakakilala sa kanya. Lalo siyang na-guilty. Daig pa niya ang may pinagtataguan. Alam niyang hindi magandang tingnan ang ginagawa niya. Makikipagkita siya kay Macoy.

Nang akmang tatawagan niya ito nang matanggap niya ang roses kanina, naunahan siya ng pagtawag ni Lui. Bigla niyang naisip na baka nga pinapaalalahanan siya na mali ang gagawin niyang muling pag-contact kay Macoy.

Ngunit agad niyang inabsuwelto ang sarili. Kailangan lang niya ng makakausap ngayon. Tinatawagan niya si Helga kanina pagkatapos nilang mag-usap ni Lui pero hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Tumawag siya sa bahay ng mga ito pero lumabas daw.

She had other friends. Pero isa lang ang sasabihin ng mga ito - na nago-overreact lang siya.

With Macoy, she will get an objective answer. Ngunit kung anong sagot ang hinahanap niya, hindi niya alam.

Bumibilis ang tibok ng puso niya. It was like waiting for the elevator doors to open and knowing he would be outside, waiting for her. Was she that excited to see him?

Napatingin sa pintuan nang bumukas iyon. Agad na tila nagliwanag ang paligid nang makita niyang pumasok si Macoy.

Luminga-linga ito at nang magtama ang mga nila, agad na ngumiti at lumapit. "Hey," anito na hinila ang upuang nasa harapan niya.

"Hey," mahinang sagot niya. Lasing na ba siya kaya tila wala na siyang lakas na magsalita o dahil sadyang nakakapanghina lang talagang tumitig si Macoy? Bahagya siyang umiling. Lasing na nga yata siya. Kung anu-ano na ang naiisip niya.

"Okay ka lang?" agad na tanong nito.

Napapitlag siya nang ipatong nito ang kamay nito sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa. Tiningnan niya ito. She did not have the strength to pull her hand away. And she had to admit it really felt good. Para bang sinasabi ng hawak na iyon na hindi siya nag-iisa. Na kahit ano pa ang sabihin niya ay maiintindihan siya nito.

"May problema ba?" Hinaplos nito ang kamay niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. Ano nga ba ang sasabihin niya dito? Bakit nga ba siya nakipagkita? Ang totoo hindi niya alam.

Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba ang gulu-gulo ng utak niya? Was it the tequila? Ngunit kakaunti pa lang ang nainom niya. Nasa apat na shots pa lang yata.

Nang wala pa si Macoy sa harapan niya kanina sabi niya ay hihingin lang niya ang opinyon nito tungkol sa mga sinabi sa kanya ni Lui. Ngunit sa sandaling nagtama ang mga mata nila ni Macoy, sa sandaling hinaplos nito ang kamay niya, pakiramdam niya ay bumubulung-bulong na naman uli si Helga sa likuran niya.

Hinila niya ang kamay niya. "W-wala. I-I just want to thank you for the roses," pagsisinungaling niya.

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango siya. "Yeah, maganda," aniya.

Lumabi ito. "Hind ka yata nagandahan, eh. Mukhang malungkot ka pa rin."

Malungkot ang ngiting umiling siya. "Maganda," aniya.

Nang kambatan nito ang waiter upang um-order, itinuon niya ang pansin sa performer na nasa stage.

Kanina pa iyon doon ngunit sa sobrang bigat ng loob niya kanina ay hindi niya napapansin. Kakatapos nito sa isang kanta nito at nagpalakpakan ang mga tao. Muli nitong tinipa ang gitara nito. He was about to start another song.

When Sparks Fly(under PHR - June 6, 2012)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon