Chapter Three

5.4K 63 4
                                    


NASA MRT na siya pauwi sa kanila sa Quezon City. Nakatayo lang siya dahil sa punuan naman talaga ang byahe nito kapag alas-otso ng umaga. Uwian kasi ng mga pang-gabing call center agent from Makati to Ortigas sites. Siya lang ang mag-isang sumakay ng MRT dahil ang mga kabarkada niya ay sa Pasig at Mandaluyong naman nakatira ang mga ito.

Natuon ang kanyang pansin sa lalaking katabi niya. Nakapikit ito habang nakahawak naman ang kamay nito sa hawakang bakal na nasa ibabaw ng ulo nito. Nakasaksak sa magkabilang tainga nito ang headset ng iPod nito. Siguro'y maganda ang pinakikinggang music nito kaya napapikit ito.

Matangkad ito, tantiya mga nasa anim na talampakan ito o mahigit pa. Moreno. Manipis at mapula ang mga labi na tila kay sarap kagatin. Napangiti siya ng maisip iyon. Matangos ang ilong at malalim ang mata nito na nababagay sa kuwadrong hugis ng mukha nito. Natuon ang kanyang paningin sa dibdib nito. Kita niyang matipuno ito at may kunting balahibo dahil sa nakabukas ang butones ng longsleeve nito sa parteng iyon. Napalunok siya ng makita iyon. Magpigil ka Twinkle, saway niya sa sarili.

Biglang huminto ang MRT siguro'y nagbrown-out dahilan ng biglang paglapit ng mukha niya sa mukha nito. Before she knew it, their lips touched. Daig pa nila ang magnet na may kaparehong polarity sa bilis ng paghiwalay ng kanilang mukha.

Mga ilang segundo pa ang lumipas bago siya nahimasmasan kahit na magkalayo na ang kanilang mukha. Itinulak niya ang lalaki. Saka naman nagmulat ng mga mata ito. Ngumiti ito sa kanya. But that boyish smile caught her off guard. Mas lalong na-appreciate niya ang mga mata nito na ngayon ay nakatitig sa kanya. They were the kindest eyes she had ever seen. He may have a very tough exterior but his eyes tell a different story. Mga matang alam niyang hindi magsisinungaling. Sinasabing ang mga mata ay nagsisilbing bintana sa kaluluwa ng isang tao. Ngayon lang niya napagtantong totoo nga iyon. Dahil habang nakatitig siya sa mga mata nito ay nakikita niya ang kabutihan ng pagkatao nito. Itim na itim ang mga mata nito na bumagay sa morenong kutis nito.

Tumalikod siya rito habang panay pa rin ang titig nito sa kanya. Hindi niya kasi makayanan ang pakikipagtitigan dito. Nanghihina ang tuhod niya at parang gusto na nitong bumigay. Panay ang dasal niya na sana ay darating na sila sa station na bababaan niya. Kung pwede nga lang ay mahati ang tren at lamunin siya ng lupa. Hiyang-hiya siya sa eksenang iyon na nangyari sa kanila ng lalaki lalo pa ngayon nakatingin sa kanya ang ibang mga pasahero.

Huminto na ang tren sa Kamuning Station. Pagkabukas nito ay walang lingon-likod siyang lumabas. Di niya kayang makatagal pa doon.

NAIWANG nakatayo doon si Rene sa loob ng tren. Kung hindi pa sumignal na aalis na ito ay saka pa siya nahimasmasan. Dali-dali rin siyang lumabas bago magsara ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas na doon. Grabe! Ano bang meron ang babaeng iyon at ganun napakabog ang puso niya ng maglapat ang kanilang mga labi. He heard bells ringing when they kiss together. Ito na ba ang hula sa kanya ng lola niya? Na ang babaeng mahalikan at makarinig siya ng pagkalampag ng mga kampana sa simbahan ay ang babaeng para sa kanya.

"La, basahan naman po ninyo ako ng baraha. Gusto kong malaman ang kapalaran ko," anang ni Rene sa Lola Aida niya na noo'y nakaupo sa harap ng mesa nito sa tabi ng bintana. Kasalukuyan din itong nagta-tarot card reading.

"Diyaskeng bata ere! Bakit ano ba ang gusto mong malaman?" tanong ng abuela sa kanya.

"Tungkol sa lovelife ko po," aniya.

"Aba'y fourth year high school ka pa lang. Lovelife na agad 'yang iniisip mo? Mag-aral ka muna Rene bago ka pumasok-pasok sa mga ganyang bagay,"sermon nito sa kanya.

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon