CHAPTER EIGHT
NAGING maayos naman ang trabah ni Twinkle ng mga sumunod na buwan. Medyo halata na ang kanyang tiyan. Nagtataka nga siya na kahit dalawang buwan pa ang tiyan niya ay malaki na ito. Hindi naman gaanong mahirap ang kanyang trabaho dahil sa in-assign na siya sa pang-umaga. Binigyan kasi ng consideration ng HR nila ang kalagayan niya ng minsang magtapat siya sa kanyang pagbubuntis. Noong una ay naging tampulan siya ng tsismis sa kanilang opisina. Pero hindi niya ito inalintana. Kalauna'y nagsawa rin ang mga ito sa kakatsismis. Maging si Maureen ay hindi siya kinibo nito noong una. Panay ang pangungulit nito sa kanya na sabihin kong sino ang ama ng dinadala niya. Ayaw niyang sabihin rito ang tungkol doon dahil alam niyang hindi nito kayang pigilan ang bibig kapag nagsimula na itong magsalita. Kaya nga hindi na siya nagtataka na kasundo talaga ito ng nanay niya sa lahat ng kaibigan niya. Palibhasa'y pareho silang mahilig sa tsismis lalo na pag-showbiz na ang pinag-usapan.
Marami siyang nabalitaang pagbabago sa opisina nila. Tuluyan na ngang naglalad ng kapa si Dexter. Siguro'y hindi na nito nakayanang itago ang totoong sekwalidad nito. Kung dati ang macho itong kumilos at magsalita. Ngayon ay talagang mahinhin pa ito sa kanya.
Hindi siya makapaniwala na muntik na siyang maloko nito noon. Na ito 'yung lalaking pinapangarap niyang mapangasawa. Saktong dumaan ito sa tapat niya ng mag-lunch break na sila. Pang-umaga din kasi ito noon. Lumapit ito sa kanyang kinauupuan.
"Pwede maki-share ng table?" tanong nito sa kanya bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain nito.
"Sure!" nakangiti niyang tugon.
"Kumusta ka na?" seryosong tanong nito sa kanya.
"I'm okay."
Tumingin ito sa kanya at ginagap ang kamay niya. "Salamat noon ha?"
"Ang para alin?" maang niya.
"Ang hindi pagkalat sa natuklasan mo sa akin noon," anito na nilaro-laro ang pagkain na nasa plato nang kumain na sila.
"Okay lang 'yun. Alam mo namang hindi ako tsismosa, di ba?"
Tumingin ito sa kanya. Ngumiti. "Hindi pa kasi ako handa noon. Kilala mo naman si Papa."
Nabalitaan niya kay Maureen na namatay na ang sundalong ama nito. Ito siguro ang dahilan kung bakit itinago nito ang pagiging bakla nito. Ngayon nga na namatay na ito ay malaya na itong pakawalan ang matagal nang ikinulong na totoong siya. Malaya na siyang maipahayag ang totoong damdamin. Ang totoong Dexter.
"Masaya ako para sa'yo na malaya ka nang kumilos sa gusto mong gawin. Mahirap din iyong kalagayan mo noon..."
"Oo nga eh. Ikaw masaya ka ba na maging single mom?" seryosong tanong nito sa kanya.
Tumango lang siya.
"Hay naku! Kung keyri ko lang talaga na maging hombre. Ako na ang magpakilalang ama ng batang 'yan. Pero infairness, alam naman nating mas gusto kong maging ina kaysa ama, di ba?" sabi nito at naghalakhalakan silang dalawa.
"Ikaw talaga! Pero infairness ha? Ang ganda mo ngayon. I love your choice of colors," natatawa pa rin niyang sabi rito. Naka-make-up na kasi ito ngayon.
"Aba siyempre! Noon pa mang hindi pa ako nagladlad ay palihim na akong nagmi-make-up sa kwarto ko. Updated lagi ako sa fashion world," nakangising sabi nito.
"Talaga! Hoy, pagkapanganak ko, ayusan mo ako, ha? Tsaka tulungan mo rin akong i-make-over si Jane. Alam mo namang mas astig pa 'yun sa maton kung kumilos," anang niya na siyang ikinahagalpak nito ng tawa.
"Sure!" natatawa pa rin nitong sabi.
"O siya, back to work na tayo," yaya niya rito.
At magkaakbay pa silang pumasok doon sa area nila. She found her new bestfriend, sa katauhan ni Dexter.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang
RomansaThis is my second story sa PHR. August yata siya narelease. Bali inspirasyon ko nito si Twinkle na kaibigan ko at ang crush niyang accountant namin. Natawa pa ako dito kasi pinarevise sa akin ng dalawang beses ang dedication page kasi masyado dawng...
