Chapter Five

4.6K 79 7
                                    


NAALIMPUNGATANG bumangon si Twinkle ng may marinig siyang boses ng lalaki na kausap ng kanyang nanay sa labas. Tiningnan niya ang alarm clock na nasa side table niya. Alas-siete kwarenta na pala. Hinanap niya ang kanyang tsinelas, isinuot at tinungo ang tokador para magsuklay. Ipinusod niya ang kanyang buhok saka lumabas sa silid niya. Curious kasi siyang malaman kung sino ang kausap ng kanyang nanay. Narinig pa n'yang tumatawa ito. Parang aliw na aliw ito sa kausap sa labas.

Nagulantang siyang mapagtanto kung sino ang kausap ng kanyang nanay. Si Rene. Agad itong tumayo sa kinauupuan nitong sofa sa sala nila ng makita siyang lumabas mula sa silid niya. Ngumiti ito sa kanya at lumabas na naman ang mga biloy nito na lalong nagpapa-cute rito.

"Ay gising ka na pala," anang ng nanay niyang lumingon sa kanya mula sa kinauupuan nito. "Kanina pa sana kita gustong gisingin ng dumating itong boyfriend mo. Kaso, sabi nito ay hayaan na lang kitang magpahinga muna. Ikaw ha, masyado ka ng malihim sa akin ngayon. May boyfriend ka na pala."

"Ha? Boyfriend hu?" gulat niyang tanong rito.

"Naku anak, 'wag ka ng mahiya sa akin. Nasa tamang edad ka naman para magboyfriend na. Atat na nga akong makapag-asawa ka," anito na tumayo at nilapitan siya.

Nakangiti lang si Rene sa reaksiyon niya. Pinandilatan niya ito, nais niyang iparating dito kung anong ginagawa nito doon at ano ang mga pinagsaabi nito sa nanay niya.

"Maiwan ko na muna kayo dito at ng maihanda ko na ang hapunan," paalam ng nanay niya. "Dito ka na rin kumain hijo. Saluhan mo kami ni Twinkle."

Pagkaalis ng nanay niya ay agad niyang nilapitan si Rene at itinulak sa upuan. Nagulat pa ito sa ginawa niya.

"Ano bang pinagsasabi mo kay Nanay?" agad niyang sumbat rito.

"Sinabi ko lang na magkaibigan tayo," sagot nito.

"Bakit sinabi niyang boyfriend kita?" aniya ng tumabi na siya sa pag-upo nito.

"Ayaw niyang maniwala, eh," nakangiti nitong sabi. "Nakakaaliw ang nanay mo."

"Iyon lang ba talaga? Wala ng iba?" paninigurado niya.

"Wala na." Ngumiti naman ito.

"Ano bang ginagawa mo dito?" nakakunot-noo niyang tanong rito.

"Hmm... Sinusundo kita." Pasimpleng sagot nito sa kanya na titig na titig sa mga mata niya.

Para siyang nanghina sa mga titig nito. Hindi niya alam kung anong meron ito at malaki talaga ang epekto nito sa kanya. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Sumunod niyang namalayan, hindi na mga mata lang nila ang magkahinang kundi ang mga labi na nila. Hindi pa ito nakontento sa pagkalapat lang ng mga labi nila; he sucked her mouth like there was no tomorrow.

Gusto niya itong pigilan dahil sa baka mahuli sila ng nanay niya, pero ayaw ng katawan niyang sumunod sa iniutos ng utak niya. Sa halip ay gumaganti siya sa mga mapupusok na halik nito sa kanya. Nadala siya ng husto nito. Aminado siyang magaling itong humalik kaysa mga nagdaan niyang boyfriend.

Tama na, Twinkle. Maghunusdili ka. Baka mahuli ka pa ng nanay mo. Pero ayaw pa ring sumunod ng katawan niya. Masyado siyang naalipin sa mga halik at himas nito. Ayaw niyang mag-isip. Ayaw niyang mahimasmasan.

Nakialam nga siguro ang tadhana dahil sa ng may marinig niyang may mga yabag na papunta sa kanila galing sa kusina ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig at natauhan.

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon