Chapter Four

4.5K 70 0
                                    


PAPAALIS na sana si Twinkle ng tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya iyon sa kanyang bag. May tumawag doon. Hindi niya mawari kung sino ang tumawag dahil sa wala namang numero lang lumabas doon sa screen ng cellphone niya. Nag-atubili siyang sagutin ito hanggang sa tumigil na ito sa pagtunog. Nag-ring itong muli kaya sinagot na niya.

"Hello!" aniya.

"Hi, Twinkle," anang ng boses lalaki sa kabilang linya.

"May I know you, please.... Kasi hindi naka-save ang number mo dito sa phonebook ko?" tanong niya rito.

"Ah oo nga pala. Si Rene ito. 'Yong sa MRT kaninang umaga. Hmmm 'yung nakahalikan mo kanina?" pagpapakilala nito sa kanya.

Parang nagulantang ang mundo niya ng makompirma ang lalaking tumawag sa kanya. Paano niya nalaman ang pangalan ko at number ko?

"How did you know my name and my number?" tanong niya rito.

"From your ID," sagot nito.

Noon pa niya naalala ang I.D niya. Agad niyang hinalungkat ito sa bag niya. Wala nga ito doon.

"O God! Thank you at napulot mo. Pwede mo bang isauli sa akin 'yan ngayon kasi hindi ako makakapasok sa work kapag wala ako n'yan," pakiusap niya rito.

"Okey. Saan ba tayo magkikita?"

"Kung okay lang sa'yo let's meet sa MRT station sa Kamuning."

"Ah! Dadaanan na lang kita diyan sa inyo. I'm driving my car at padaan din ako d'yan."

"You know my address?"

"Yep! I have your I.D, remember?"

"Ay oo nga pala!"

"See you later," anang nito at nawala na agad ito sa kabilang linya.

Napangiti siya.

Ilang sandali pa ay may pumaradang pulang kotse sa harap niya. Agad na umibis doon ang isang lalaki. Si Rene. Si Rene na tumawag sa kanya at nakahalikan niya kaninang umaga.

Ang guwapo naman ng lalaking ito! Lahat na yata ng kagandahan ng isang tao nasalo nito ng magsabog ng kagandahan ang Dios, sa isip niya.

"Hi! Nice to see you again, Twinkle." Ngumiti pa ito sa kanya.

Parang na-conscious siya sa kanyang sarili. Nginitian din niya ito.

"Shall we go?" aya nito sa kanya.

"Saan?" kunot-noong tanong niya.

"Ihahatid na kita sa opisina mo. Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong nito na panay pa rin ang titig nito sa kanya.

"Sa Ortigas. Sa Twin Tower. "Sure ka ba talaga na ihahatid mo ako? Baka naabala na kita," aniya na tila nahihiya pa.

"It's okay. Sa Ortigas din ang punta ko. Tara na!" At pinagbukas agad siya ng pinto nito katabi sa drivers seat.

Binagtas na nila ang kahabaan ng EDSA ay katahimikan ang namagitan sa kanila.

Tumikhim si Rene.

"Ano pala trabaho mo?" tanong nito sa kanya.

"Call girl!"

Nagulat ito sa sagot niya. "Call girl? Sure ka?"

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon