CHAPTER NINE

4.8K 69 39
                                    


NAKATANGGAP si Twinkle ng invitation galing sa dati niyang kasama sa trabaho na si Cha-cha para sa engagement party nito. Maganda at masayahin ito. Ito ang top agent niya sa account nila dati dahil magaling at friendly ito sa mga kliyente ngunit nag-resign na ito at nagtayo na lang ng sariling negosyo.

Malaki na ang tiyan niya kaya nahihirapan siyang mamilu ng damit na susuitin niya sa kasayahan. Halos nailaba na niya ang lahat ng damit niya sa caninet pero wala pa rin siyang magustuhan sa mga damit na naroon. Ang iba sa mga iyon ay hindi na kasya at ang iba naman ay kasya pa ngunit hindi niya gusto ang tabas at design ng mga iyon.

Napagdesisyunan na lang niyang pumunta sa Gateway mall saCubao para bumili ng masusuot.

"Nay, alis po muna ako. May bibilhin lang ako sa Gateway," paalam niya sa nanay niya na noon ay abala sa paglilinis ng kanilang bakuran.

"Hindi ka ba magpapasama? Baka mahirapan ka. Malaki na 'yang tiyan mo," nag-aalalang sabi nito.

"Kaya ko pa naming maglakad ng mag-isa, 'Nay. Isa pa, hindi ko pa naman kabuwanan," nakangiting sagot niya.

"Ay hindi 'yan puwede. Dapat may kasama ka," wika nito. "Tawagan mo na lang kaya si Dexter at mapasama ka. 'Tapos, dito na kayo magtanghalian. Nami-miss ko na 'yong baklang 'yon. Hindi na kami nakakapagtsismisan."

Naisip niyang may punto ito. Magpapasama na lang siya kay Dexter.Baka mamimili rin ito ng isusuot sa engagement party ni Cha-cha.

Kinuha niya sa shoulder bag ang cell phone niya at tinawagan ang kaibigan.

"'Teh, saan ka ngayon?" tanong niya kay Dexter.

"Papunta ako sa mall. Bibili ako ng isusuot ko mamayang gabi. Pupunta ka rin ba mamaya?" tanong nito.

"Daanan mo naman ako. Bibili rin kasi ako. Mabuti na 'yong may kasama ako sa pamimili at nang may matanungan ako kung bagay ba sa akin ang mapipili kong damit," aniya rito.

"Sige, puntahan kita diyan. I'll ne there in fifteen minutes," sabi nito at nagpaalam na.

Umakyat na lang siya sa silid niya sa itaas habang hinihintay si Dexter. Nang dumating ito ay agad silang umalis.

Pagdating nila sa Gateway Mall ay inalalayan siya ni Dexter nang sumakay sila sa elevator. Kung totoong lalaki lang ito at hindi malamyang kumilos, tiyak na mapagkakamalan silang mag-asawa. Pero mas babae pa itong kumilos kaysa sa kanya. Nanghihinayang siya sa guwapong mukha at makisig na katawan nito.

Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito para mawala ang muscles nito at naging firm ang katawan nito. Kung noon ay laging pang-army ang gupit nito, ngayon ay nagpahaba na ito ng buhok. Lagi pa itong naka-skinny jeans na pink.

Hindi niya sukat-akalain na magiging bakla ito. Patay na patay pa siya rito dati. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung paano ito liligawan. Ginawa na rin niya ang lahat para mapansin nito pero wala pa rin iyong epekto dahil hombre din ang gusto nito.

"Ay! Doon tayo, 'teh, at mukhang marami tayong makikitang damit na bagay sa 'yo," suhestiyon nito sa kanya. "Or mas maganda kung maternity dress na lang ang isuot mo. Pero dapat ang bongga ang style, ha?"

"Ikaw ang bahala. Dapat maganda ang pipiliin mo dahil ikaw ang expert diyan," natatawang wika niya. Natatawa siya dahil sa mga kilos at sa paraan ng pananalito nito.

"Okay. Ako na ang bahala. Gora na tayo, 'teh," sabi nito na nagpatiuna nang pumasok sa loob ng boutique.

Tumagal din sila nang halos isang oras sa pamimili ng damit na isusuot niya. Pagkatapos ay isinunod na nila ang paghahanap ng damit na isusuot nito. Pagkatapos niyon ay nagkayayaan silang kumain. Iniwan siya ni Dexter sa mesa na inookupa nilang habang umo-order ito ng pagkain nil.a

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon