CHAPTER 10

3K 46 21
                                    

Makalipas ang ilang buwan....

HINDI alam ng nanay ni Twinkle kung sino ang uunahin na bibigyan ng gatas sa mga umiiyak na apo nito. Kambal ang naging anak ni Twinkle. Lalake at babae ang mga ito. Lumabas sila ng nanay niya na tulak-tulak ang stroller ng mga ito. Gusto niyang paarawan ang mga ito dahil panay ang ulan nang nagdaang mga araw. Ilang araw na lang kasi at matatapos na ang maternity leave niya. Mami-miss na naman niya ang kambal. Hands-on kasi siya sa pag-aalaga sa mga ito kahit pa sabihing kumuha siya ng yaya. Ang kailangan niyang paghandaan ay ang muling pagkikita nila ni Rene. Tiyak na makikita na uli niya ito pagbalik niya sa opisina. Kailangan na rin niyang bumalik sa trabaho dahil malapit nang maubos ang ipon niya dahil malakas dumede ang kambal. Mabuti na lang at tumutulong si Jane sa pangbili ng gatas at sa mga gastusin sa bahay.

Hindi siya mapilit ni Noreen na sabihin na kay Rene ang tungkol sa kambal kahit na kinukulit na siya nito. Ayaw niya na kaawaan siya nito. Ayaw niya na matali ito sa kanya dahil may anak ito sa kanya. Hahayaan na lang niya ito kung ano ang paniniwala nito. She was contented with her kids at wala na siyang mahihiling pa. Hanggang may trabaho siya ay igagapang niya ang mga ito. Ikinuha na nga niya ng educational plan ang mga ito at inuumpisahan na niya iyong hulugan.

"Akin na si Jose. Mukhang nahihirapan ka na, eh,"sabi ng isang lalaki sa likuran niya. Ang tinutukoy nito ay ang isa sa kambal.

Mabilis na napalingon siya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Muntik na niyang mabitiwan ang feeding bottle na iaabot sana niya sa nanay niya nang makita niya si Rene na nakatayo sa likuran at titig na titig sa kanya. Matagal ding naghinang ang paningin nila. Kung hindi pa umiyak si Samantha - ang kakambal ni Jose - ay hindi pa mapuputol ang pagtitigan nila.

Lumapit sa kanya si Rene at kinuha nito si Jose. Inihele nito ang sanggol na tumigil agad sa pag-iyak. Umiyak lang ito dahil umiyak ang kakambal nito. Naramdaman siguro ni Jose na karga ito ng ama nito. Kinantahan pa ni Rene ng lullaby ang anak nila hanggang nakatulog ito. Bagay talaga itong maging isang ama.

Nang makatulog na ang kambal ay inilagay nitong muli ang mga ito sa stroller. SIya naman ang hinarap nito.

"Nay, kayo na muna ang bahala sa kamba. Marami ho kaming pag-uusapan ng anak nýo,"paalam nito sa nanay niya.

Tumango ang nanay niya at tiningnan siya. Tila nais nitong iparating sa kanya na ayusin na nila ang mga dapat ayusin.

Umupo sila sa isang bench na nasa ilalim ng puno ng narra di-kalayuan sa puwestong pinag-iwanan niya sa mga anak at nanay niya. Nasa minipark kasi sila sa bago nilang tinitirhan na subdivision. Nanalo kasi si Jane sa isang pa-raffle sa mall noong Pasko. Lumipat sila roon nang maipanganak niya ang  kambal.

Mataman siyang tiningnan ni Rene. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya sa ginagawang pagtitig nito. Kinakabahan siya sa mga sasabihin nito. Alam niya na susumbatan siya nito. Ang hula niya ay alam na nito ang tungkol sa mga anak nila.

"Kung hindi pa kami nagkita ni Jury sa bar noong nakaraang gabi, hindi ko malalaman na hindi pala siya ang ama ng kambal,"sabi nito na nakatitig pa rin sa kanya.

Hindi niya kaya ang paraan ang pagtitig nito sa kanya. Nakakasugat iyon sa talim.

"Bakit mo ako pinaniwala na si Jury ang ama ng pinagbubuntis mo noon? Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito. "Nagtapat si Noreen sa aking kaninang umaga tungkol sa kambal. Totoo ba na ako ang ama nila?"

Hindi siya nakasagot. Wala kasi siyang mahagilap na sasabihin dito.

"Bakit hindi mo ako sagutin, Twinkile?" Kung hindi ko pa nalaman kay Noreen ang katotohanan, ililihim mo lang sa akin ito? Ipagkakait mo sa akin ang kambalna makilala ako bilang ama nila?" Tuluyan na itong nagalit sa kanya. "Sumagot ka!"

"Para ano pa? Hindi ba, pagkatapos ng nangyari sa atin, hindi ka na nagpakita sa akin? Iniwasan mo na ako dahil nakuha mo na ang gusto mo sa akin!"singhal niya rito. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para sumbatan ito.

"Ha? Iniiwasan? Oo, aaminin ko. Iniiwasan kita dahil nakipag-date ka sa iba. Kaya ba hindi mo masagot ang tanong ko sa---"

"Bakit hindi mo tinanong sina Jury at Noreen tungkol sa date na iyon? Hindi ko masagot ang tanong mo dahil hindi pa ako sigurado saýo noon, Rene,"putol niya sa sasabihin sana nito.

"'Di ba sinabi ko saýo na maghintay ka lang at makikilala mo rin ang pamilya ko? Wala ka bang tiwala sa akin, Twinkle?"

Hindi na siya nakakibo. Tama ito. Wala siyang tiwala rito noon. Nagsimula nang mag-init ang mga mata niya. Nagbabadya ang mga luhang nais nang bumagsak mula roon.

"Masakit para sa akin ang ilihim mo ang lahat ng ito, Twinkle. Handa naman kitang panagutan."

"Para ano? Magpapakasal ka sa akin dahil nabuntis mo ako?" sarkastikong sagot niya rito.

"Diyos ko, Twinkle! Hanggang ngayon ba ay hindi ka naniniwala sa akin na mahal kita?"

Natahimik na naman siya. Hindi siya makapaniwala na after all those months ay siya pa ring itinatangi ng puso nito.

"O, sige, sabihin na nating mahal mo talaga ako. Bakit hindi mo ako sinumbatan noon? Alam mo palang nakipag-date ako sa ibang lalaki."

"Dahil hindi kita kayang sumbatan. Hindi ko kayang harapin ka. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako dahil mahal kita," seryosong sagot nito sa tanong niya.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Mataman siyang tinitigan nito. Mayamaya ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya at marahan siyan hinalikan nito. Hindi niya tinutugon iyon noong una ngunit hindi naglaon ay nagpaubaya na siya.  Hindi na niya inisip na nasa pampublikong lugar sila.

Tumigil ito sa paghalik sa kanya at mataman siyang tiningnan nito. "Please give me a chance, Twinkle. Hayaan mo akong maging ama ng mga anak natin."

Tumango siya.

"Please say that you love me too, Twinkle. Say it please..."

"Ngumiti siya. "I love you, Rene Ramirez..." pabulong na sabi niya rito.

"I want to hear it louder."

"Mahal na mahal kita, Rene Ramirez!"malakas na sabi niya.

"Isa pa. Hindi ko marinig,"sabi nito sa kanya.

"I love you very much, Rene Ramirez!"sigaw niya. Iginiya siya nito patayo. Tumingala ito sa kanya na wari ay sinasamba siya nito. Tawa siya ng tawa sa labi na kaligayahan.

Nang tumayo si Rene ay agad siya nitong ikinulong sa mga bisig nito. Masuyo uli siya nitong hinalikan. Naghiwalay lang sila nang makarinig sila ng palakpakan. Sumali pa sa umpukang iyong ang nanay niya kasama ang kambal na himbing na himbing sa pagtulog sa mga stroller ng mga ito.

Nag-init ang mga pisngi niya pero wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay nabuo na ang pamilya niya. Sumama na si Rene nang umuwi sila sa bahay. Hindi niya namalayan na napahimbing pala siya ng tulog.

Napabuntong-hininga siya sa nabungaaran niya paglabas ng silid niya. Nasa sala ang mga magulang ni Rene para mamanhikan. Nandoon din ang Kuya Julio at ang bunsong kapatid nito na si Purie. Siya ang may karga kay Samantha at si Rene naman kay Jose.

Naabutan nilang nag-uusap na ang mga magulang ni Rene at ang nanay niya kasama ang Kuya Bernard niya na tumatayong ama niya. Tumayo kaagad ang mama ni Rene. Sinalubong siya nito. Humalik ito sa kanya at agad siyang niyakap.

"I'm so glad to meet you, hija. Napakasuwerte ni Rene na siya ang pinili mong maging kabiyak. Malaki ang ipinagbago niya mula nang makilala ka niya," sabi ng mama ni Rene.

"Palibhasa'y palikero ang batang 'yan noon at pulos sakit ng ulo ang ibinibigay sa amin,"dugtong ng Papa ni Rene.

"Pa naman," pagtutol ni Rene. "Dati 'yon. Goodnoy na ako ngayon," sabi nito habang kakamot-kamot sa ulo.

Natawa silang lahat.

"Ito na ba ang mga apo ko?" tanong sa kanya ng mama ni Rene nang bumaling ito kay Samantha. Tumawa naman agad ang baby niya. Naramdaman siguro nito na nasa harapa nito ang lola nito. "Aba balae, kamukha natin ang apo nating ito."

Tumayo ang nanay niya at lumapit sa kanila.

"Saan pa ba 'yan magmamana, balae, kundi sa atin na lola niya na magaganda."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon