Chapter Six

3.9K 63 1
                                    

CHAPTER SIX

PAGMULAT niya ng mata ay naramdaman niyang may kumilos sa kanyang likuran. Nilinga-linga niya ang kanyang paningin. Nagbalik lahat sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari kagabi. Madilim pa sa labas ng tiningnan niya ang bintana sa kanyang harapan.

Humarap siya kay Rene na noon ay nakayakap sa hubad niyang katawan. Tinitigan niya itong mabuti. Para itong batang himbing na himbing sa pagtulog. Napakaguwapo nito. Gusto niyang samantalahin ang panahong iyon na busugin ang kanyang mga mata sa kaguwapuhan nito.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay nito nakapulupot sa beywang niya. Nang matanggal ay nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya. Gising na pala ito.

"Aalis ka na?" tanong nito sa kanya na inaantok pa ang tinig.

Tumango siya.

"Nagsisisi ka?"

Umiling siya. "Ayoko lang maabutan ng liwanag nito. Baka anong isipin ng mga tao na makita ako dito sa pad mo galing."

"Eh, ano ngayon? Papakasalan naman kita!" sabi nito.

Hindi niya alam kung seryoso ito sa mga sinasabi nito.

Hinila siya nito pahiga sa kama. Dumagan ito sa kanya at inangkin muli ang kanyang mga labi. Gusto niyang kumawala rito pero ayaw sumunod ng katawan niya. Bagkus ay nagpatianod lang siya sa kapusukan nito.

Sa ikaapat na pagkakataon ay inangkin siyang muli nito.

INIHATID siya nito sa kanilang bahay bandang alas siete y medya na ng umaga. Nadatnan nila ang nanay niyang nagwawalis sa bakuran nila. Nang makita sila ay agad itong tumigil at lumapit sa kanila. Nagmano naman siya dito. Pagkatapos niyang magmano ay agad siya nitong hinila sa isang sulok.

"Kayo ba'y may relasyon na ng lalaking iyan, Twinkle?" diretsahang tanong nito sa kanya.

"Nay naman! Ang aga tsismis agad," sikmat niya.

"Hoy babae ka, pangit na makita kang hinahatid-sundo ka ng lalaking 'yan dito ng mga kapit bahay natin. Alam mo namang maraming tsismosa dito sa atin. May relasyon na ba kayo?" anang nito habang winawasiwas ang hawak nitong walis-tingting.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Ano? Ang hina naman ng lalaking 'yan!" sikmat nito sa kanya. "Makausap nga."

"Nay," tawag niya rito ng pinuntahan na nito si Rene.

Simpleng nakangiti lang si Rene ng lumapit ang nanay niya rito.

"Aba'y hijo, maari ba kitang makausap ng masinsinan tungkol dito sa dalaga ko?" mahinahong sabi nito.

"Oho," ngali-ngaling sagot naman nito.

Hinila nito si Rene paakyat doon sa bahay nila.

Nakatingin ito sa kanya na tila nagtatanong kung anong problema ng nanay niya. Ngiti lang ang itinugon siya dahil sa alam niyang kahihiyan na naman ang gagawin ng nanay niya.

Agad pinaupo ng nanay niya si Rene na ngayon ay parang nagsimula ng matakot sa nanay niya.

"Ay hijo! Nais ko lang malaman kung ano ba talaga ang plano mo dito sa dalaga ko?" walang kaabug-abog nitong tanong nito.

"Nais ko pong pakasalan ang anak ninyo. Kaso, parang ayaw naman niya sa akin," sagot nito na nakangiti na. Nakatingin ito sa kanya.

"Aba'y kaya mo ba namang buhayin ang anak ko?"

Ikaw Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon